[Chapter 10] Realize?

141 15 5
                                    

(Night's POV)

Nandito lamang ako ngayon, naglalakad sa campus ng UPLB. Malapit na mag-alas-siyete pero nandito pa rin ako sa labas.

Ayos lang naman na magpaka-late ako dahil wala naman akong klase bukas.

Nang mapadaan ako roon sa may papuntang Vega ay nagulat ako nang makita kong maraming taong nagkukumpulan doon. May nakita rin akong kaaalis lamang na ambulansya.

Dahil nagtataka ako kung anong nangyari ay lumapit ako sa isa sa mga tao roon at nagtanong.

"Miss," pagtawag ko sa isang babae.

Napatingin siya sa 'kin at nanlaki ang mga mata niya. Bahagya naman siyang namula.

"Night? Bakit?" tila nahihiya niyang tanong at inilagay pa sa likod ng kan'yang tenga ang ilang hibla ng buhok niya.

Napakamot naman ako sa aking batok. Here we go again. Di ko naman siya kilala pero kilala niya ako at parang may crush pa yata sa 'kin 'to. Hays. Ito ang kasama sa pagiging varsity. Team captain pa.

"Anong nangyari rito? Bakit ang daming tao?" tanong ko.

"Mayroon kasi kaninang nagsuntukan. Si Thunder ang involved saka isang holdaper yata."

Napakunot naman ang noo ko. Paano napasali si Thunder? At... holdaper?

"Akala nga namin ay si Thunder ang hinoldap. Di naman pala. Pinagtanggol lang ni Thunder 'yong sinubukan ma-holdap," dugtong pa niya.

"Sino ba 'yong tinulungan ni Thunder?" tanong ko.

I know Thunder at alam kong snob 'yon kaya nagtataka ako kung sino ang tinulungan niya. Si Light lang naman—

Teka... 'wag mong sabihing—

"Si Light Aguilar. Nasaksak nga siya kaya may ambulansyang dumating. Dadalhin siya sa ospital ng Bae."

Di ko na hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin. Agad akong pumara ng jeep at sinabing sa ospital ako bababa.

× × ×

Pagkarating doon ay tinanong ko agad kung saang kwarto nakatigil ngayon si Light.

Pagkarating sa kwarto ay tumigil muna ako sa harap nito. Bahagya kong binuksan ang pinto at nakita kong nakatayo si Thunder sa gilid habang nakasandal sa pader. Seryoso lang siyang nakatingin kay Light.

Nakita ko naman ang mama ni Light na nandoon din sa loob. Makalipas ang ilang minuto ay kinausap muna ni Tita Sun, mama ni Light, si Thunder bago lumabas.

Gumilid ako saglit para makalabas siya. Nang maisarado na niya ang pinto ay nakita niya ako. Pinaningkitan niya ako ng mga mata kaya bahagya akong kinabahan.

Pero maya-maya ay ngumiti na rin siya.

"Why haven't I recognized you from the start?" she said while smiling.

"A-Alam niyo na po?" gulat kong tanong.

Tumango lamang si tita bilang sagot.

"Paano po?"

"No'ng isang araw ay nahalungkat ko ang mga picture album ni Light noon. Kaya pala pamilyar ang mukha mo," she said bago tignan ako mula ulo hanggang paa.

"Ang laki mo na. Parang dati lang ay iyakin ka pa," natatawang sabi ni tita.

Napakamot naman ako sa aking batok dahil nahihiya ako.

"Oh siya. Aalis na ako. Pasok ka na," sabi ni tita bago nagpaalam.

Ako naman, pumasok na ako. Nakita kong napatingin sa 'kin si Thunder na nakasandal pa rin sa pader. Nakakapanibago kasi hindi niya ako tinignan ng masama.

"Enriquez," sabi niya sa 'kin pagkasarado ko ng pinto.

"Oh?" sagot ko tapos lumapit sa kama ni Light na kasalukuyan pa ring natutulog.

"Bakit di mo sinabi sa 'kin?" tanong niya.

Alam ko na ang sinasabi niya. Napailing na lamang ako at bahagyang napangiti.

"Tita told you already, huh?" tanong ko at humarap sa kan'ya.

Tumango naman si Thunder.

"Ayoko lang muna. I was waiting for the right timing kaso nalaman niyo agad," sagot ko.

"Bakit?"

Napabuntong-hininga naman ako bago tumingin kay Light.

"I don't want her to distance herself from me, knowing our past," sagot ko.

Silence enveloped us. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at nagpaalan na umalis.

"Ingat ka, bro," sabi sa 'kin ni Thunder at nakipag-fistbump.

Napangiti naman ako. He never changed.

"Alagaan mo si Light. Boto ako sa 'yo," pabiro kong sabi.

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata niya bago ako sapakin. Natawa na lang ako sa ginawa niya at lumabas na ng kwarto.

× × × × ×

(Light's POV)

Nagmulat ako ng aking mga mata. Medyo maliwanag nang kaunti kaya nag-adjust pa saglit ang mga mata ko. Nang makita ko kung nasaan ako ay napakunot ang aking noo.

Bakit ako nasa ospital? I tried to remember what happened at doon ko lang naalala na nasaksak nga pala ako.

"Gising ka na pala," napatingin ako sa tao na nakaupo doon sa may sofa.

Hindi ko ipinahalatang nagulat akong nandito siya. Pero nagulat talaga ako.

"Bakit ka nandito, Thunder?" tanong ko.

Nakita ko namang... lumungkot? Lumungkot ang mukha niya? Baka guni-guni ko lang kasi bumalik sa pagka-pokerface ang kan'yang mukha.

"Binabantayan kita," simple niyang sagot.

"Hindi ka na galit?"

Tumayo si Thunder at lumapit sa aking higaan. Sa kan'yang paglapit ay naramdaman ko ang bahagyang pagbilis ng tibok ng aking puso.

I heard him sigh. "I could never stay mad at you," he whispered.

We stayed in silence for a while nang magsalita siyang muli.

"You don't know how much you scared me back there," he said.

Ang tinutukoy niya siguro ay 'yong nangyari kanina sa Vega. Napapikit na lamang ako at napailing.

Ayoko nang alalahanin 'yong nangyari. Natatakot pa rin ako hanggang ngayon.

"Gutom ka na ba?" tanong niya.

Sakto namang pagkatanong niya ay nag-ingay na ang aking tiyan kaya natawa si Thunder. That smile of his...

"Ikukuha lang kita ng pagkain," sabi niya at lumabas.

Pagkalabas niya ay saglit akong napapikit at huminga.

Bakit ko ba ito nararamdaman? Ang weird. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Saglit akong napaisip kung bakit ko ba ito nararamdaman nang may isang thought na pumasok sa aking isip.

Could it be that... I'm starting to lik—

"Here's your food," sabi ni Thunder pagkapasok niya ng kwarto. May dala siyang chicken fillet at rice.

Naupo siya sa aking tabi at binuksan ang dala niya. Akmang kukuhanin ko ang pagkain nang itapat niya sa aking bibig ang kutsara.

Napatingin ako sa kan'ya habang siya naman ay napaiwas ng tingin.

"I-Isubo mo na bago pa malaglag. I'll f-feed you," he said.

Napangiti na lamang ako at sinubo 'yong pagkain.

Thunder Alvarez, minsan ko nang tinanong kung bakit ko nararamdaman 'to at sa tingin ko'y—alam ko na ang sagot ngayon sa aking tanong.

Chasing Light [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon