So dumating na pala si Borj. Nagngingitngit sa selos na sabi ni Basti sa isip.
“Hi Roni, ang ganda mo lalo ngayon.” panimulang bungad ni Basti na ikinagulat naman ng grupo. Alam kasi nilang matagal ng binasted ni Roni si Basti kaya hindi nila maintindihan ang pagpapacharming nito.
Bilang civilized individual, nag thank you na lang si Roni sa sinabi ni Basti ngunit hindi nya napansin na merong nagpupuyos ang kalooban habang nagsasalita si Basti at ito ay walang iba kundi ang katabi nya.
Nagulat na lang si Roni ng biglang tumayo si Borj para kumuha daw ng drinks.
Helpless na napatingin na lang siya sa mga kaibigan upang magpasaklolo sa mga ito dahil alam nyang baka may gulong mangyari.
Tumayo sina Tonsy at Yuan at dali daling nilapitan sina Basti at Borj na ngayon ay parang nasa mainit na pagtatalo.
“Pare, anu bang problema mo? I dont see anything wrong sa sinabi ko kay Roni kanina, she is really pretty and inaappreciate ko lang naman yon” nanghahamong sabi ni Basti kay Borj.
“Pwede ba, wag mo 'kong tawaging pare dahil kahit kelan hindi tayo magiging pare, ang sa'kin lang nakita mo na ngang naiilang yung tao sa mga sinasabi mu, bumabanat ka pa, I know na binasted ka na ni Roni kaya hindi ko makita ang logic sa inappropriate greeting mo sa kanya kanina” nanggigigil na sagot naman ni Borj, nangangati na ang kamao nya ipadapo sa mukha ng kaharap.
“Mga 'tol, easy lang, wedding rehearsal ito ng kaibigan natin, wag tayo magcreate ng scene dito” malumanay na sabi ni Tonsy ng makalapit sa magkaribal.
“oo nga, Borj, halika na bumalik na tayo sa table” sabay kabig ni Yuan sa leeg nya para mapalayo kina Tonsy at Basti “don't tell me papatulan mo yang ugok na yan, he's not worth it pare” dugtong nito ng tuluyan na silang makalayo kina Basti at ngayon nga ay pabalik na sa table.
“Pare, nakita mo naman kung pa'no mailang si Roni sa mga boladas ng gagong Basti na 'yon”hindi pa rin talaga nagbabago ang kaibigan, pagdating kay Roni, sobrang protective talaga nito.
“Syempre nakita at narinig ko, kaya lang ano ka ba, hindi na tayo mga teenagers na bigla na lang mananapak at magpapadalos dalos, cool ka lang pare, may araw rin sa'tin yang basti na yan, noon pa ko asar dyan eh, kaya lang itong si Mommy, sinabihan akong wag maging hostile sa mga manliligaw ni Roni dahil baka maulit na hindi na naman ako pansinin ni Roni kagaya nung ginawa nya sa kin nung high school tayo” paliwanag ni Yuan sa kaibigan.
“Pare, dapat hindi ka nagpapa apekto sa taong yun, nambubuwisit lang yon kasi alam nyang kahit anong klaseng compliments pa sabihin nya kay Roni eh no effect sa utol ko, kita mo naman at binasted pa nga sya ng kapatid ko, dba?” dugtong pa nito na medyo nagpakalma kay Borj.
“Kung ako sa'yo pare, wag kang magpapakita kay Roni ng rash action mo, alam mo namang minus pogi points yun sa kanya kasi sa lahat ng ayaw nun eh yung nagiging cause ng kaguluhan”
Nang marinig ang sinabi ng kaibigan, parang nabuhusan ng mlamig na tubig ang mainit na ulo ni Borj, bigla nyang narealize kung anu ang dapat nyang gawin habang andito sya sa Pilipinas, yun ay ang maging girlfriend si Roni at ayaing magpakasal ito at manirahan na sa Italy.
Malapit na sila sa mesa at doon ay nakikita nya naman ang babaeng pinakatangi tangi. Nakangiti ito habang nakikinig sa ikinukwento ni Jun-Jun. Haayyyy...ang ganda talaga ng one ang only ko. Sana magustuhan na nya ako this time, at sana pumayag siyang magpakasal kami at tumira sa Italy. Piping bulong ni Borj na parang sinagot naman ng langit dahil ng lumingon sa direksyon nila si Roni ay nakangiti ito sa kanya.
“Borj, sa bahay ka na muna tumuloy tonight, according to Missy, eh bukas ka na lang daw magcheck in sa Ascott, so pagkatapos ng kasal, pedeng dun ka na dumerecho kaya bukas idadaan ka na muna namin dun para iwan mu yung mga gamit mo” sabi ni Yuan sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Special in my Heart
FanfictionHalina't sundan natin ang love story nina Borj Jimenez at Roni Salcedo... Epekto ng kakapanuod ng gmik rewind sa youtube. Pagpasensyahan nyo na if may times mali ang timeline at may iba akong inalter na event sa story... This story is purely fiction...