Chapter 12

1K 43 19
                                    

Nagising si Roni ng maramdamang tumatama ang sinag ng araw na mula sa bintana ng kwartong kinaroroonan nya. Dahan dahan syang nagmulat ng mga mata at bigla nyang naalala na wala nga pala sya sa sariling silid kundi nasa condotel na tinutuluyan ng nobyong si Borj.

“Naku, past 6AM na pala” wala sa sarling sabi ni Roni ng mapatingin sa orasan na nakalagay sa bedside table. Bagaman medyo masakit pa rin ang ulo marahil dahil sa lagnat nya kagabi eh mas magaan na ang pakiramdam nya ngayon.

Nang makababa sa kama ay dumiretso agad sya sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Balak nyang isuot uli ang damit nya kagabi ng maisip na maaga pa naman at baka tulog pa si Borj kung sakaling lumabas sya sa kwarto na suot ang damit nito, balak nya kasing magtimpla ng kape at magluto ng agahan nila. Naks! Roni, ikaw na ang ulirang maybahay. Nangingiting sabi nya sa sarili pagkalabas ng pinto ng kwarto, napansin nya agad ang katapat ng pinto na malamang ay guest room kung saan dito muna natulog si Borj habang ino-occupy nya ang silid nito, mukhang tulog pa nga talaga ang nobyo kaya dumeretso na sya agad sa kitchen area where the counter top is located at ini-on ang coffee maker matapos lagyan ito ng coffee beans while opening the refrigerator para kumuha naman ng mga gagamitin nya sa pagluluto.

Abala sya sa pagsasangag ng kanin nang maramdaman nyang may yumakap sa likuran niya.

“Good morning Mi Cara” bati ni Borj sa kanya while planting soft kisses on her nape na nagpalakas naman ng tibok ng puso nya dahil na rin sa sobrang lapit nito sa kanya at ito ang unang beses na hinalikan sya ng nobyo sa parteng iyon ng katawan.

“Borj, whaatt aaree youu doing?” mabilis nyang inoff ang gas stove para humarap dito, ngunit hindi na sya nakapagreact nang mabilis nitong hinalikan ang kanyang mga labi na wala sa loob na napaawang dahilan para lalong lumalim ang halik na iginagawad nito sa kanya.

Bagaman bago sa kanya ang ganitong mga bagay pero bakit parang may sariling isip ang mga braso nya na pumulupot sa batok ng nobyo na lalong nagpalakas ng loob nito na hapitin sya sa beywang upang mas magkalapit ang kanilang mga katawan. Sabay silang naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi, nakahawak pa rin si Borj sa beywang nya at hindi maiwasan ni Roni na magblush ng mapagtanto ang ayos nila.

Pasimple nyang itinulak ang nobyo para makahinga hinga man lang ang pusong kanina pa gustong tumalon sa semento sa sobrang bilis ng tibok nito. Ngunit maagap na hinuli ni Borj ang kamay nya at parang normal lang na pinagsalikop ito.

“I am just greeting you a good morning” pilyong sabi nito. Oh My! Kung ganito lagi ang pagbati sa umagang matatanggap nya, baka hilingin nya kay Papa God na morning na lang forever.

“How are you feeling now, okay ka na ba?” nag-aalalang tanong nito sa kanya habang masuyong nakatitig sa kanya at pinagmamasdan sya more particularly sa suot nya? Naku naman! Oo nga pala, hiniram din nya ang cargo shorts nito dahil hindi nya kayang lumabas ng kwarto kung shirt lang nito ang suot nya kagaya kagabi.

“Uhmm..I'm more okay now than last night, medyo masakit pa rin ang ulo ko but tolerable..will you stop that grin..wha'ts so funny?” Naiilang na sabi nya sa nobyo ng mapansin ang sexy smile na hindi mawala-wala sa mga labi nito.

“Sorry, I can't stop admiring your clothes, you are so sexy, it really suits you, I am hoping na sana dumating na yung time na hindi ka na uuwi at magkasama na tayo sa iisang bahay, what do you think of that Mi Cara?” pagkasabi nito nyon sa kanya eh mabilis na namang hinalikan ulit nito ang mga labi nya.

Pasimple nyang hinampas ito pagkatapos ng isa na namang makapugtong hiningang halik. Hindi nya alam kung san ibabaling ang mukhang panigurado nyang makopa na sa pula.

“Kaw talaga, umagang umaga, nambobola ka na naman, uyy sorry nga pala, kasi pinakialaman ko ang closet mo at syempre pasensya na din sa abala”

“Anung abala? Kahit kelan, hindi ka magiging isang abala saken Mi Cara and I am more than willing to share my clothes with you, saka hindi ako nambobola noh, you are so sexy, alam mo kung bakit?” wala sa loob na napailing sya, at nahihypnotize na napatitig sa kulay tsokolate nitong mga mata na punong puno ng kapilyuhan.

Special in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon