Ring ng cellphone ang gumising kay Roni kinabukasan.
"Hello" inaantok pang sabi ni Roni ng iclick ang answer button ng kanyang cellphone.
"Hello sis, you're still asleep? OMG, you're gonna be late to my wedding!!" hysterical na boses ni Jelai ang tuluyang gumising sa half awake at half asleep na si Roni.
"Hello sis, naku sorry, what time is it na ba? Madaling araw na kasi ako nakatulog, Don't worry sis, I'll be there in a jiffy" bigla syang bumangon at dali daling lumabas ng kwarto para tunguhin ang banyo para maligo.
"Relax sis, I was just kidding, it's only 9:00AM in the morning, I was just checking if napuyat ka ba sa kakaisip kay Borj thinking na under the same roof kayo natulog last night and it seems I'm right" natatawang sabi ng nasa kabilang linya.
Kung kaharap lang nya ang matalik na kaibigan eh baka nasabunutan na nya ito ng bonggang-bongga.
"Angelica Rivera!!" nanggigil na wika nya dito. At alam ng nasa kabilang linya na pag tinawag na nya ito sa buong pangalan eh hindi sya natutuwa sa mga biro nito.
"Roni, sorry, I know I'm out of the line here, pero sis pagbigyan mo na ako tutal wedding day ko ngayon, makakaya mo bang magalit sa bride? Sige pag nagtampo ka, baka hindi na ko umattend sa wedding ko" pananakot pa nito.
Ayun kaya pala malakas ang loob mang asar kasi may nakatagong alas ang bruha.
"Ok fine, bakit ka ba tumawag?" nag activate speaker na sya ng phone sa loob ng CR para isabay ang paghihilamos at pagtotooth brush habang kausap ito.
"Wala naman, gusto ko lang makibalita ng mga kaganapan dyan sa house nyo ngayon, kamusta sina tita Marite? tito Charlie? si Yuan? Aling Sioning?..."
"In short kamusta naman ang sleepover sa nyo ni Borj?" ramdam ang kilig sa boses nito.
"Jelai, anu ba namang tanong yan? Anu ba sa tingin mo mangyayari sa pagtulog ni Borj dito kagabi? Eh di ayun nasa guestroom sya ngayon at malamang eh natutulog pa"
"Eh bakit umaga ka na natulog? samantalang wala pang 11PM nasa house na daw kayo ni Borj kagabi." May himig panunukso na naman ang pagtatanong nito.
"Anu ba, parang hindi ka na nasanay, eh talagang late naman na ko natutulog minsan, walang koneksyon ang pagsleep over ni Borj dito sa pagtulog ko" thats a big lie! Syempre sobrang laking factor nun kaya inabot na sya ng alas dos ng madaling araw hindi pa rin sya inaantok, parang alas tres na ata sya ng napaidlip kanina kaya super bangag pa rin yung feeling nya ngayon.
"Why do I have this feeling na may tinatago ka sa'ken bestfriend?" puno ng pagdududang tanong nito.
"Ayy sorry!!!"
Palabas na sya ng CR nang bigla syang mabangga sa malapad na dibdib ni Borj na noon ay preskong presko sa suot nitong white shirt sando at basketball jersey short.
"Good Morning Roni, hope you had a good sleep last night" nakangiting bati ni Borj sa kanya.
"Hello Roni, si Borj ba yang naririnig ko" nakalimutan nyang nakaspeaker pa pala yung phone at ang lukaret nyang kaibigan eh talagang nagsalita pa.
"Yes Jelai, si Borj nga ito" lalong lumapad ang ngiti nito habang dumidistansya ito sa kanya dahil naiipit ang phone nya sa bandang ribcage nito, ngayon kasing wala na siyang suot na heels hanggang ilalim lang siya ng baba ng binata kaya saktong sakto yung mukha nya sa bandang top chest area nito.
Bigla nyang pinindot ang end call button dahilan para lalong matawa si Borj.
"Oh bat ka nag end call kay Jelai, mukhang may sasabihin pa ata sya"
BINABASA MO ANG
Special in my Heart
FanfictionHalina't sundan natin ang love story nina Borj Jimenez at Roni Salcedo... Epekto ng kakapanuod ng gmik rewind sa youtube. Pagpasensyahan nyo na if may times mali ang timeline at may iba akong inalter na event sa story... This story is purely fiction...