Thanks mga sis, see you tomorrow, dinner at bar daw ang theme sa welcome party ni Borj" sabi ni Jelai habang yakap yakap silang dalawa ni Missy.
"Oi pare congrats uli, kita kits na lang bukas."
Nagpapaalam na silang magbabarkada ng magulat si Roni ng biglang lumapit si Basti sa kanya.
"Ah Roni, pauwi ka na din ba? gusto mo ako na lang maghatid sa'yo, 'lam kong wala kang dalang car kasi di ko nakita yung kotse mo sa parking lot kanina. " Napatingin naman bigla si Roni kay Borj na noo'y makulimlim na ang mukha habang nagtitimpi sa selos.
"Thank you na lang Basti, dala naman ni Kuya yung kotse nya, sa kanya ako sasabay pauwi."
Nauna ng umuwi ang mga magulang right after the reception kaya naman sa kuya nya talaga sya sasabay pauwi.
"Okay, kaw bahala, by the way, remind ko na din yung annual reunion ng famiily natin next weekend, I'm really looking forward to it, I've heard from Dad, that tito Charlie already confirmed that all of you will be coming this time."
Naalala ni Roni ang annual reunion na sinasabi nito, alam nyang nabanggit nya sa daddy nya na itatry nyang makasama pero hindi pa naman sya nagcocommit.
"Yeah, nasabi nga ni daddy, pero I'm still not sure, you know naman na since Borj is here and he has limited time dahil on vacation leave lang sya, we have plans every weekend para maitour namin sya." nasabi na lamang ni Roni sa dating manliligaw.
"oh yeah, I understand, andito na nga pala si Borj kaya wala na naman ako sa eksena" halos pabulong na sabi nito sa kanya na nagpakunot ng noo nya.
"and what do you mean by that Basti? Hindi naman ata tamang sabihin mo yan, parang you are accusing me of something that displeases you, I just want to remind you that you are not my boyfriend in the first place to act that way, Borj is a dear friend to us, at andito man si Borj or wala, I don't remember excluding you since you are a family friend and matagal na tayong magkakilala, pero dahil sa inaakto mong ganyan, mas mabuti pa ngang maging out of the picture ka na" hindi maiialis sa boses ni Roni ang inis at pagkairita sa narinig na tugon mula kay Basti kaya hindi nya na rin napigilan ang sarili na makapagsalita ng medyo harsh na alam nyang ikinagulat nito. Nasa akto sana itong hihingi ng sorry nang syang paglapit naman ni Borj sa kanila.
"Roni, may problema ba dito?" marahil ay nakita nitong halata na sa mukha nya na ang pagkabadtrip na alam nitong patungkol sa karibal.
"No, its okay, Basti and I are just discussing something and he is leaving na din, goodbye Basti and pakisabi na din kay tito Ric na thanks sa invite but I have plans next weekend so I probably cannot come" ayaw na sanang palakihin pa ni Roni ang hinanakit nya sa sinabi ni Basti pero mahahalata sa huling sinabi nya na may lamat na talaga ang samahan nila bilang magkaibigan dahil sa inasal nito.
Bakas sa mukha ni Basti ang pagsisisi sa nasabi ng tumalikod ito sa kanila.
"Ano nangyari dun kay Basti?" nagtatakang tanong naman ni Yuan ng maramdaman ang tensyon.
"Wala yun kuya, teka, hindi pa ba tayo uuwi?" sa tingin ni Roni eh hindi na dapat malaman pa ng buong barkada ang naging usapan nila ni Basti kanina, siguro nga ito na yung way para matigil na din ito sa pagpapalipad hangin sa kanya, hindi nya talaga maintindihan si Basti, akala nya ay okay na sila nung tinapat nya ito na hanggang magkaibigan lang talaga sila.
"Actually, kayo na lang ni Borj hinihintay namin ni Missy, Oh pa'no Tonsy, Hardrock at Glorietta na lang bukas para easy access sa'ting lahat, hindi pala nakasama si Chantal today, busy with modelling I guess? hope she can come tomorrow." sabi naman ng kuya nya ng mapansing hindi kasama ng kaibigan ang nobya nito.
BINABASA MO ANG
Special in my Heart
FanficHalina't sundan natin ang love story nina Borj Jimenez at Roni Salcedo... Epekto ng kakapanuod ng gmik rewind sa youtube. Pagpasensyahan nyo na if may times mali ang timeline at may iba akong inalter na event sa story... This story is purely fiction...