“Mommy, totoo po ba talaga yan? Sige po, actually pauwi na po kami ni Borj ngayon, will also tell Jelai and the rest of the gang, okay po, see you in a while” masayang paalam ni Roni matapos pindutin ang end call sa screen ng kanyang cellphone.Sandaling napasulyap naman sa kanya si Borj at mabilis din ibinalik ang tingin sa daan habang nagmamaneho.
“Bakit biglang napatawag si Tita Marite, at mukhang good news, tungkol ba ito kay Yuan?” mabilis na tanong agad ng nobyo sa kanya.
“Yep, finally nalocate na din kung nasan si Missy and Kuya went there right away, sabi ni Mommy kababalik lang ni Dad from airport pagkahatid kay kuya, he flew to Bohol tonight”
“Wow, that’s great news, mi cara, mabuti naman at magkikita na sila ni Yuan, honestly naaawa na din ako sa bestfriend kong yun, gabi gabi na lang gusto magpakalasing dahil sa guilt at pagsisisi sa mga nangyari, well, alam naman natin, may fault talaga si Yuan pero naconfuse lang talaga yung tao, at masasabi kong hundred percent si Missy talaga ang one great love ng kuya mo.”
“Alam ko din naman yun, kaya lang hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon pa talaga naconfuse si Kuya, buti na lang talaga nagconfess din agad si Marga na wala talagang nangyari sa kanila, ang hindi ko lang maintindihan bakit nagawa ni Marga yun, at saka sino nga kaya ang nagpadala ng mga pictures nila kay Missy, haayyy..sana talaga magkaayos na sila Missy at Kuya..uhhmm, Borj may problema ba?” naguguluhang tanong ni Roni sa nobyo ng mapansin itong ilang beses pabalik balik ang tingin sa rearview mirror.
“Roni, do you trust me?” bigla namang sabi nito na lalong nagpakunot ng noo nya.
“Huh?”
“I’m sorry mi cara pero mukhang hindi muna kita maihahatid sa bahay nyo ngayon, may need lang akong iconfirm” pagkasabi nito sa kanya ay bigla nitong kinabig ang manibela para mag U-Turn at namalayan na lang ni Roni na papasok na sila sa basement parking ng isang five star hotel.
“Borj, anong ibig sabihin nito, bakit tayo nandito? Ano ba kasing nangyayari” nagugulumihanang tanong nya sa nobyo habang iginigiya sya nito papunta sa reception area hawak nito ang nanlalamig nyang kamay.
“Mi cara, I’m really sorry, I’ll explain later, we need to get a room first” mababakas sa mata nito ang paghingi ng permiso at pang unawa habang gagap ang palad nya. Bagaman naguguluhan pa rin, parang may sariling isip ang ulo nya na tumango na lang bilang pagsang ayon dito.
“Good evening Sir, Ma’am, how may I help you?” Maaliwalas na bungad sa kanila ng receptionist.
“Can you please book us to one of your expensive suite asap” sagot naman ni Borj dito habang inaabot ang isang card.
Ilang beses na din naman nakakapag check si Roni sa mga kilalang hotel sa pinas man o abroad kapag pinapadala sya sa mga business trip at alam nya ang protocol ng pagchecheck in pero this time, ang protocol na iyon ay masasabi nyang walang silbi sa bilis ng mga pangyayari sa kadahilanang lulan na sila ng elevator ngayon patungo sa isa sa mga suite ng hotel.
“Pasensya na po Tito Charlie sa late notice, ipagpapaalam ko lang po si Roni na hindi po sya makakauwi tonight, may need lang po kaming pag usapan, yes po Tito, hindi ko po pababayaan itong anak nyo, wag po kayong mag alala, handa po akong panagutan ang lahat, sige po, thank you po sa tiwala. Bye po!” nangingiting sabi ng nobyo matapos nitong ihagis ang cellphone sa king size bed.
“Hoy Borj, anong panagutan pinagsasabi mo kay Daddy, akala ko ba mag eexplain ka lang kaya tayo nandito, uuwi na ko” bigla syang napatayo sa kinauupuang mini sofa na nasa gilid na bahagi ng suite na kinaroonan nila. Pagkapasok pa lang nila sa executive suite na ibinook ng nobyo ay maagap nitong tinawagan ang Daddy nya para iexplain kung bakit hindi pa sila nakakarating hanggang ngayon sa bahay nila kaya wala na siyang nagawa kundi umupo na lang sa karatig na sofa habang kinakausap ni Borj ang mga magulang. Honestly kinakabahan sya sa magiging reaksyon ng mga magulang habang pinapagpapaalam sya nito, kaya naman laking gulat nya nang parang nakikipagbiruan pa ang daddy nya kay Borj na parang wala lang sa mga ito na hindi sya uuwi ngayong gabi, lalo na ng marinig nya ang huling pangugusap na binitiwan ng nobyo sa ama.
BINABASA MO ANG
Special in my Heart
FanfictionHalina't sundan natin ang love story nina Borj Jimenez at Roni Salcedo... Epekto ng kakapanuod ng gmik rewind sa youtube. Pagpasensyahan nyo na if may times mali ang timeline at may iba akong inalter na event sa story... This story is purely fiction...