“Mom, I don't know what to do anymore, I still can't find Missy and it's almost a month now, alam kong malaki ang kasalanan ko sa kanya pero ba't naman ganun, doesn't she love me anymore?” mahahalata sa mukha ni Yuan ang matinding pighating dala ng pangungulila sa kasintahan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nya nahahanap ang nobya matapos ang mga nangyari. Ilang beses na syang nakiusap kay Tonsy ngunit mukhang hindi rin ito natitinag at walang balak sabihin kung nasan ang kasintahan.
Mababakas ang lungkot at awa sa mukha ni Marite, saksi sya kung gaano kamahal ng kanyang binata si Missy, kita sa mukha ng anak ang labis na paghihirap, bagaman hindi nya masisisi ang kasintahan ng anak, bilang ina nais nyang pagsabihan ito na wala itong karapatan pahirapan ang kanyang anak ng ganito. Siyempre ito ay piping hinagpis lamang ng isang ina na nakikidalamhati sa paghihirap ng anak.
“Anak, maybe Missy needs more time for herself, alam mo naman na what you did really hurt her feelings, what's important eh lumabas na yung totoo at pag nagkita kayo ni Missy you can thoroughly explain to her your side and totally prove your love for her” masuyo nya itong niyakap bilang pag aalo dito.
Kasalukuyan silang nasa kwarto ng anak ng biglang sumulpot ang asawang si Charlie.
“Good thing, you're here Yuan, tumawag ang tito Gilbert mo, nahanap na daw ng mga tauhan nya si Missy, she's in Bohol right now, and according to their intel, nasa isang resort sya sa Panglao naka-stay ngayon” masayang pagbabalita nito.
Biglang napatayo si Yuan sa kama ng marinig ang good news mula sa ama. Nakangiti na din si Marite dahil sa wakas ay nagkabuhay ang malamlam na mga mata nito.
“Talaga Dad? I need to book a flight now bound to Bohol, I need to see Missy right away. Sobrang miss na miss ko na sya.” hindi maiwasan ni Yuan maging emotional sa harap ng mga magulang nang biglang tumulo ang luha nya dulot ng kasiyahang makita ang nobya.
“Everything will be alright son, don't worry, makikita mo na rin si Missy, just pack your things and I will drive you going to domestic airport so you could book a ticket directly from there.” hindi na sya nag-dalawang salita at dali-daling tinungo ni Yuan ang closet pra mag empake ng gamit na dadalhin. Habang pababa silang mag-asawa sa sala eh may naalala syang banggitin sa esposa.
“Syanga pala, wala pa ba si Roni? Mukhang ginagabi silang madalas ni Borj ah, aba Marite, hindi porque magnobyo na silang dalawa at nasa wastong gulang na eh hindi na sila magpapaalam kung san sila nagpupunta, kausapin mo yang dalaga mo ha, mahirap na baka magulat na lang tayo, buntis na pala yan bago ikasal, parang hindi ko pa rin kakayanin kung ganun, kasi babae ang sa atin” seryosong baling naman ni Charlie kay Marite.
“Oo nga eh, napansin ko din yun, saka alam mo ba love, one time nakita ko si Roni parang tulala sya habang nakatitig sa phone nya, nung tinanong ko naman kung may problema ba sya, wala naman daw, pero mabilis syang umakyat sa room nya, hindi ko na inusisa kasi lam mo naman yung batang yun, nagsasabi naman talaga kung hindi nya kaya, imposible namang si Borj ang problema nya kasi lagi naman silang magkasama at hinahatid sya palagi ni Borj dito..teka, hindi kaya...” biglang nanlaki ang mga mata nito nang biglang may naalala habang mariin na napakapit sa braso ng asawa.
“Hindi kaya ano? May alam ka ba sa nangyayari sa anak mo?” may pag-aalala sa boses nito habang nakatingin sa esposa.
“Love, diba two months lang bakasyon ni Borj, hindi kaya aalis na sya at nalulungkot ang anak mo kaya tinitingnan na lang nya ang mga pictures nila sa phone bilang huling sulyap sa memories nila?”bagaman seryoso ang pagkakasabi ni Marite eh makikita sa mga mata nito ang pagkaaliw.
“Love naman eh, akala ko ba kami lang ni Yuan ang bully dito, pero serious hon, you better talk to Roni, dapat pagbalik ko pagkahatid kay Yuan sa airport, may linaw na kung anu problema ng dalaga natin okay?”
BINABASA MO ANG
Special in my Heart
FanfictionHalina't sundan natin ang love story nina Borj Jimenez at Roni Salcedo... Epekto ng kakapanuod ng gmik rewind sa youtube. Pagpasensyahan nyo na if may times mali ang timeline at may iba akong inalter na event sa story... This story is purely fiction...