Chapter 17

1.4K 66 63
                                    


“The baby is safe as well as Mrs. Salcedo, no need to worry Mr. Salcedo, I think the spotting was caused by stress, she’s in her 2nd trimester now so please if it’s possible, avoid strenuous activities, I would suggest bed rest for two weeks and try to be patient with her if she became too much emotional from time to time, that’s because of pregnancy hormones, in short, wag stressin si MIsis, okay?” nakangiting sabi naman ng Doktorang nag asikaso agad kay Missy pagkadating nila sa hospital. 

Nakahinga naman ng maluwag si Yuan nang marinig na ligtas na ang mag-ina bahagya din sya napangiti sa pagtawag ng doctor kay Missy, hhhmmm…Mrs. Salcedo, I like it.. piping sabi nya sa isip.

“Thank you Dra., will keep it in mind.” Tugon naman ni Yuan habang buong pagmamahal na nakatingin sa natutulog na si Missy, masuyo nyang hinahaplos ang pisngi nito sabay gawad ng mabining halik sa noo nito.

“As soon as she wakes up, pwede mo na sya iuwi, I’ll go ahead.” Paalam nito sa kanya at pagkatapos ay binalingan nito ang katabing nurse na nag assist  sa kanila habang binabagtas ang palabas ng emergency room.

“Missy my loves, please wag mo na ako tatakutin kagaya ng nangyari kanina, I’m sorry for not taking care of you and our baby, kung alam ko lang that you are pregnant, I should be more careful, siguro kaya ka nastress kasi sobra ka ng nakukulitan sa’ken, pero hindi ko naman kayang igive up ka, I just hope na mapatawad mo na ako and let’s get back together, I miss you so much my loves” masuyong sabi ni Yuan sa natutulog na si Missy habang mabining hinahalikan ang kanang kamay nito.

Nang magmulat ng mga mata si Missy at marealize kung nasaan sya ay awtomatikong napahawak sya sa kaniyang tiyan, hindi nya namalayan na unti unting naglandas ang mga luha sa kanyang mukha ng makapa ang umbok niyon my baby is safe, thank God. Piping pasasalamat nya isip.

Bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon ang dating nobyo na mabilis syang dinaluhan ng makitang gising na sya.

“Thank God Missy, you are awake now, don’t cry my loves, our baby is safe, wag mo na ako uli tatakutin ng ganun, I will not ever forgive myself kung may nangyari sa inyong masama ni baby.”

Oh my God he already knows! What will I do? Well there’s no turning back, it’s useless to deny that I am pregnant, all I need is to act normal and still stay mad at him even he saves your life and your baby, well he deserved it, he cheated on you, don’t go soft on him Missy. Pagpapaalala nya sa isip kahit ang totoo ay gusto na nyang yakapin ang dating nobyo at umiyak sa dibdib nito, bagaman may nararamdaman pa rin syang kirot sa ginawa nitong pagtataksil sa kanya ay unti unti namang natitibag iyon ng makita ang hapis na mukha nito na alam nyang dulot ng matinding pag-aalala sa kanya.

“Can we go home now? I feel okay.” Malamig nyang sabi dito habang iniiwas ang tingin lalo na at bakas sa gwapong mukha nito ang sakit ng maramdaman ang indifference sa boses nya.

“Yes pede na tayo umuwi sabi ng doctor.” Hayag sa tinig ni Yuan ang bigat ng pagkakasabi nyon.

Ramdam ni Missy ang masuyong pagtitig ng katabi sa kinalulunanang taxi pauwi sa resort. Dededmahin nya na lang sana ito sa buong duration ng kanilang byahe nang marinig nyang magsalita ito.

“Ahmm Missy, about the baby, I think we should talk..”

“There’s nothing to talk about, thank you for saving MY baby and me but that’s all I can say.” Sansala nya sa iba pang sasabihin nito. Humarap sya dito kaya kita nya ang dumaang pait sa mga mata nito nang marinig ang tugon nya.

“But I am the father..” halos pabulong lang ang pagkakasabi nito pero ramdam ni Missy ang pagmamalaki sa tinig nito bagaman andun pa rin ang lungkot na mababakas sa mukha ng dating nobyo.

Special in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon