Chapter 9

987 31 17
                                    

Kanina pa hindi mapakali si Roni, may gusto syang iconfirm, kaya lang hindi nya alam kung pa'no, para namang sinagot ng pagkakataon ang problema nya nang makita ang pangalan ng tumatawag sa cellphone nya.

“Hello Sis, busy ba si Yuan? kanina pa ako nagtetext sa kanya, hindi sya nagrereply, at kagabi, hindi man lang nya ako tinawagan, nagtext lang sya na pagod sya at matutulog daw ng maaga pero nung trinay ko tawagan cp nya, busy naman.” bungad agad ni Missy sa kanya.

“hay naku magkausap sila ni Borj ngayon, may private matters daw na ididiscuss, ewan ko ba dun, ang weird.” nakikiramdam naman sya sa kausap kung may mababanggit itong kakaiba sa inaasal ng kuya nya simula pa kahapon.

“Roni, matagal ng weird ang kuya mo, pero I have this feeling na may tinatago sya sa 'kin, call it a woman's intuition, I think he is having an affair” walang kagatol-gatol na sabi nito.

“Missy naman, hindi kaya exag ka lang, having an affair agad? Eh kung kahapon mo lang naman nafeel yang intuition na yan, don't get me wrong, baka naman sabihin mo na kaya ganito reaction ko kasi kapatid ko ang boyfriend mo, pero don't you think you are being unfair para sabihing may ibang babae si Kuya?” bagaman sinabi nya yun upang pakalmahin ang kaibigan, bakit pakiramdam nya eh may point ang mga sinasabi nito. Kasi maging sya ay may pag-aagam agam na kanina pa nya nafefeel.

“Sorry Roni ha, hindi ko alam bakit ako napaparanoid, sinabi ko naman sa'yo hindi ako the jealous type of person, pero may kakaiba sa kuya mo sa buong duration ng wedding yesterday, tapos first time nyang hindi ako tawagan before he went to sleep last night.” frantic pa rin ang boses nito.

“Sis, relax, mahal ka ni Kuya, anu ka ba! Pero sige, ganito na lang, para sa ikapapanatag ng loob mo, susubukan kong tanungin si Borj kung ano yung pinag-usapan nilang private ni kuya mamaya sa dinner”

“No, don't bother, nakakahiya kay Borj, baka isipin pa nun eh inutusan kitang mag usisa kasi isang insecure na babae ang girlfriend ng bestfriend nya”

“Missy...” alam nyang nagpipigil lang ang kaibigan na mapaiyak sa medyo garalgal na boses nito.

“Roni, see you later na lang, just tell Yuan na I will bring my car, wag nyo na ka'mo akong daanan dito sa condo.” nagpaalam na din ito sa kabilang linya.

Napabuntunghininga na lang si Roni pagkatapos pindutin ang end call button. Base sa usapan nila ni Missy ay parang gusto na ngang maniwala ni Roni sa namumuong ideyang kanina pa naglalaro sa kanyang isipan.

Kabisado na nya ang kuya nya, alam nyang isang tao lang ang pwedeng magpataranta dito, pero ang tanong eh paano nangyari yun? Bumalik na nga ba ang multo ng nakaraan na pinangangambahan ng kaibigan...

“What do you mean, you saw Marga yesterday? Are you saying na andito na sya uli sa Pilipinas?” pagkaklaro ni Charlie sa narinig mula sa anak.

“Yes dad, she's back for good, aksidenteng nagkita kami kahapon sa Manila hotel”

“Well, what's wrong with that? Marga's family is an old friend of ours, Marga is your childhood friend or mere say was a childhood crush, puppy love or whatsoever names you call these days.”

“Eh yun na nga po tito Charlie, Marga was a childhood crush at mukhang itong anak nyo eh hindi pa rin nakaka-move on sa first love nya, and the biggest hit of all is he is now having doubts on his feelings for Missy.” dugtong ni Borj para maliwanagan na ang ama ng kaibigan sa dilemma nito.

“Yuan, from what Borj have said, am I here to conclude that you're gonna cheat on Missy over your old feelings for Marga?”

“Of course not Dad, I am not that type of guy, alam ko naman po na masamang manloko because I have a sister na pwedeng maloko din” pagkasabi nito ng huling kataga ay matalim na tiningnan ni Yuan si Borj na may halong pagbabanta.

Special in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon