Chapter 3

1K 28 0
                                    

"Wow Ms. Roni, mukhang blooming po kayo ngayon ha” bungad sa kanya ni Mich, co-worker nya, advertising consultant ito ng isang brand of perfume.

“Grabe naman Mich, nakakalungkot naman yang sinabi mo” padrama naman nyang sagot sa ka officemate.

“Hala, bakit naman Miss?” medyo worried na sagot naman nito sa kanya.

“Kasi sa tagal nating magkatrabaho, ngayong lang pala ako blooming” hindi nya maiwasang mapangiti ng biruin ang katrabaho.

“Ikaw Miss ha, pati ako dinadamay mo na sa joke time mo, syempre blooming ka everyday pero ngayon, iba ang glow eh, siguro sinagot mo na si Atty. Rodriguez noh? Or siguro si Engineer Barrios?” wala sa loob na hula nito.

“Eng!! hayy... hanggang kelan ba 'ko magpepress release dito sa office na friends ko lang talaga sina Tonsy at Basti” medyo nakukunsuming sagot nya dito. Hanggang last year kasi eh alternate na hinahatid sundo sya nina Tonsy at Basti sa office kaya naman itong mga mahadera nyang officemate ay wala ng ginawa kundi magpustahan kung sino ang sasagutin nya sa dalawa, six months ago pa na wala ng Tonsy at Basti na sumusundo sa kanya dahil tinapat na talaga nya ang dalawa na hanggang friends lang ang kaya nyang ioffer sa mga ito, sa katunayan, Tonsy has a girlfriend now for two months na nakilala na din nya sa isang gathering nilang magbabarkada, she is a commercial and ramp model of a well known clothing line while Basti, according to him, is courting a co-lawyer of Tonsy in the one of the prestigious law firm in the country.

“Eh kung ganun pla, eh sino kaya ang dahilan ng bloomingness nyo ngayon? Ay alam ko na, diba mamaya na yung rehearsal ng wedding nung bestfriend nyong si Angelica Rivera, yung famous actress nung year 2000s, sayang lang at nagquit syang bigla sa showbiz nun, bagay na bagay pa naman sila ni Tony Samson, fan kaya ako ng loveteam nila, pero well, si Justin Dela Cruz naman ang magiging future hubby nya kaya okay na rin, grabe Ms. Roni, ang bongga talaga ng mga friends nyo, diba si Justin Dela Cruz yung gorgeous singer and may ari ng sikat na recording company nationwide” nangangarap pang wika nito.

“Hindi ko alam na ganun pla kaupdated ang buong department sa personal schedule ko ha pati na rin sa mga whereabouts ng friends ko” hindi malaman ni Roni kung maiinis o maamuse sa sinabi ng katrabaho, well, alam naman nyang openbook sa mga ito ang circle of friends nya kasi nasa advertising agency sila at hindi na mabilang kung ilang beses na siyang nafeature sa mga well known magazine because of her success in the advertising world at hindi maiiwasan mapag usapan ang mga taong malalapit sa kanya kaya hindi talaga kataka taka na nakapublic ang wedding nina Jelai at Jun-Jun.

“Sorry naman Ms., narinig ko lang kasi na pinag-uusapan nina Ms. Aileen at Ms. KC na ang swerte mo daw sa lahat ng bagay, mapafriends man o career, kaya daw siguro binasted mo na lang ng ganun ganun sina Mr. Rodriguez at Engineer Barrios dahil wala ka daw contentment sa buhay, dahil lahat na lang nakukuha mo ng mabilisan at everything is always on your plate” naloka sya sa revelation ng katrabaho, hindi nya alam na may mga ganun palang isyu sa workplace nila at sya pla ang madalas na center of gossipness.

“Well, it's their opinion, hindi naman talaga lahat ng tao matutuwa para sa'yo, kaya lang, I'm just sad na ganun ung tingin nila sa'ken, mahirap talagang majudge ng walang kalaban laban, gusto ko lang iclear na kung hindi ko man sinagot sina Basti or Tonsy, hindi ibig sabihin, I'm not contented with my life and I'm bored for what I am having right now kasi nga according to them, everything is on my plate na, modesty aside, I think lahat naman ng na-achieve ko ngayon is I deserve it because I work hard for it.” malungkot na pahayag nya kay Mich. Buti na lang at halfday sya ngayon sa work at hindi sila magkikita nina Aileen at KC dahil usually late afternoon na pumapasok ang mga ito because in Advertising industry, they value output based so going to work early is irrelevant.

Special in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon