Chapter 7

1K 33 18
                                    

"Roni, teka lang, bakit ba ang bilis natin maglakad, hinay hinay naman, ang bigat kaya nitong mga dala natin, anu ba nangyayari, hindi pa naman tayo late sa call time" tanong ni Missy habang naglalakad sila papunta sa room na nirent ni Jelai for hair and make up.

"Sorry naman Missy, gusto ko lang talga makalayo agad kina Kuya, badtrip kasi ako doon, kanina pa" alam nyang hindi papasa ang sinabi nya sa sobrang observant na si Missy.

"Hmmm...makalayo sa kuya mo o kay Borj?" eto na naman ang panunukso sa boses ng kaibigan.

"Haaayyy...alam mo naman pala ang dahilan eh, nagtatanong ka pa, saka totoong badtrip talaga ako kay kuya, at for sure maiinis ka din sa sinabi nya kanina, maggigirls hunting daw sila dito sa hotel ni Borj while waiting for us, imagine? Talagang sinabi nya pa un...eh bakit natatawa ka pa dyan, hindi ka ba worried na makipagflirt si Kuya sa ibang girls?"

Maisip pa lang nya na makikipagflirt si Borj sa mga girls, nakakainis talaga!

"eto naman, selos agad, naku Roni, sa mga tingin pa lang sa'yo ni Borj kahapon, sobrang obvious, na yung feelings nya before at ngayon eh hindi man lang nagbago kahit isang beses, kaya wag ka na magemote dyan, kung sa Kuya mo naman, naku sanay na ko dyan,hanggang sabi lang yun,baka naman may iba pang dahilan kaya ka ganyan, baka...nanghihinayang ka kasi hindi mo naexperience yung massage na inooffer ni Borj kanina...hehehe"

Hindi napigilan ni Roni na magblush ng maalala nya ang nangyari kanina, bakit ba pakiramdam nya eh sinadya talaga ni Borj yung pagsayad ng labi nito sa leeg nya, hanggang ngayon ay ramdam pa rin nya ang lambot ng labi nito na mas lalong ikinapula ng pisngi nya.

"Sabi na nga ba may kababalaghang nangyari sa backseat eh.." wala talagang maitatago dito kay Missy at syempre given na nakita nito ang pagbablush nya, pero magkaganun man, pilit binabalik ni Roni ang composure sa mukha dahil wala syang balak ikwento ang nangyari, nahihiya pa rin sya hanggang ngayon.

"Huh? Anung kababalaghan sinasabi mo dyan? Sis, alam mo ikaw, sa sobrang pagiging observant mo, bakit kaya hindi kay Kuya mo ipractice yan, panu kung totohanin talaga nila yung pag gigirls hunting at ska fyi, hindi po ako nagseselos noh, why should I be? Eh hindi naman kami ni Borj?" kaswal nyang sabi dto na alam naman nyang hindi nito paniniwalaan.

"Sige na nga, hindi ko na ipupush na magconfess ka sa nangyari sa'yo kanina, regarding your Kuya, alam mo naman na hindi ako selosang tao, basta ba hindi sya kay Marga magflirt, it's fine with me."

"Missy naman, hanggang ngayon pa ba naman, hindi ka pa rin nakamove on kay Marga, malamang nakalimutan na yun ni Kuya, ang tagal na nun, saka wala na nga kami balita dun simula nung umalis sila ng family nya sa subdivision, sobrang coincidence na kung makita natin si Marga dito sa hotel o sa church"

"Well, you'll never know, the world is so small and coincidence does happen."

Tapos na ang hair ang make up session and kasalukuyan na nilang isinusuot ang wedding dress nila. Sa room ni Jelai silang tatlo ni Missy nag bihis, in a few minutes magstart na kasi yung pre-nup picture taking na kasama daw sa package ng nirent nilang wedding souveneirs and video.

Pumasok ang ate ni Jun-Jun na si Cherry, kasama nito ang cute nitong anak na isa sa mga flower girl sa entourage.

"Naku gusto daw magkiss sa tita ninang nya" sabi ni Ate Cherry kay Jelai.

"Aww ang sweet naman ng precious little Elsa na yan" pinupog ng halik ni Jelai ang pamangkin ni Jun-Jun, eversince ay masuwerte itong si Jelai sa in-laws, sobra siyang favorite ni tita Elsie pati na rin lahat ng pamangkin ni Jun-Jun, and of course, ang dearest nilang si Mafi na ngayon ay binata na. Hayy parang kelan lang talga.

Special in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon