CHAPTER 7- Companion

9.4K 82 2
                                    

Companion

---oOo---

EKSAKTONG pagkatapos mag-almusal ni Oriel ay luto na rin ang ginawang buko pie ni Aling Puring. Agad naman nito iyong inilagay sa isang box na katulad ng pinaglalagyan ng pizza. Sinabi ni Mang Kanor na siya na raw ang magbigay niyon sa mag-asawa. Kahit nahihiya siyang magpakita kay Viena ay kakapalan na lamang niya ang kanyang mukha. Sa totoo lang ay nahihiya talaga siya rito. Ito kasi ang naglinis sa kanya kagabi. At paano na lamang kung may nangyari nga sa kanila kagabi at hindi lang iyon basta panaginip?

Medyo kinakabahan pa si Oriel habang papalapit na siya sa vacation house ng mga ito habang bitbit ang supot na naglalaman ng buko pie. Nang makarating na siya sa vacation house ay kumatok na siya sa pinto ng kwarto ng mga ito. Mga tatlong pagkatok pa ang kanyang nagawa bago siya makarinig ng yabag ng paa papunta sa harap ng pinto ng kwarto. Narinig na lamang niya ang pag-ikot ng seradura at ang pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ni Oriel sa bumungad sa kanya. Hindi niya mapigilan ang mapalunok nang tumambad sa harap niya si Viena. Nakabikini lang ito. Limang segundo pa ang lumipas bago nito na-realized na panloob lang pala ang suot nitong saplot. Mabilis naman nitong isinarado ang pinto at limang minuto rin ang lumipas nang muli nito iyong buksan. Naka-suot na ito ng short at plain black shirt. Inaya na siya nitong pumasok sa loob.

Iginala niya ang kanyang mata sa kabuuan ng silid. Mukhang wala roon ang asawa nito.

"Pasensiya ka na kung bakit bigla-bigla na lamang akong kumatok. Pumunta lang naman ako rito para ibigay sa inyo itong buko pie na ginawa ni Aling Puring. Sabi kasi ni Sir Dexter ay ipatikim daw namin sa inyo itong buko pie." Aniya.

"Wala sa akin iyon kanina. Maging ako nga ay nakalimutan kong mag-suot ng damit. Nasanay na kasi akong kami lang ni Alken ang tao rito sa vacation house. Uy! mukhang masarap nga 'yang dala mo, a? Akin na 'yan at para maihanda ko. Umupo ka muna riyan at para maihanda ko muna ito." Pagkasabi niyon ni Viena ay agad naman itong pumunta ng kitchen. May nakita siyang sofa. Naupo siya roon. Ilang sandali lang ay bumalik na si Viena at inilapag nito sa center table ang dala nitong pinggan na may nakahain na buko pie. Bumalik ulit ito sa kusina at may bitbit na itong fresh pineapple juice. Sinalinan nito ang dalawang basong dala nito.

"O, Kainin na natin 'tong dala mong buko pie!" Nasasabik na saad nito.

"Doon na lamang ako kakain sa vacation house. Para kasi talaga sa inyo iyan ni Sir Alken..."

"Naku, 'wag ka nang mahiya. Wala naman rito si Alken, e, kaya tayo na lamang ang kakain nito." Giit pa nito. Wala nang nagawa pa si Oriel kundi ang samahan na lamang itong kumain. Ito rin naman ang gusto niya, e. Ang mapalapit kay Viena. Tamang-tama rin ang punta niya dahil wala ang asawa nito. Magkakaroon talaga sila ng mahabang oras para makapag-bonding.

"Siya nga pala, Oriel, Pasensiya kana sa nangyari kagabi, a? Hindi ko naman sinasadya iyon..." Napahinto si Oriel sa pag-nguya nang bigla iyong sabihin ni Viena. Marahan niyang nilunok ang pagkain na nasa bibig niya at dahan-dahan niya ibinaling ang tingin niya sa gawi nito. Ano ang ibig sabihin nito? Pasensiya saan? Sa ginawa nila kagabi? Ibig sabihin ay totoo pala talaga iyong panginip niya?

"Naku, Wala iyon. Gusto ko rin naman iyon, e." Medyo natatawa pang sabi niya. Confirmed! Tama ang inuha niya.

"Kahit na... Alam kong first time mong maglasing kaya pasensiya ka na talaga kung bakit nilasing ka namin ng husto." Kumunot ang noo ni Oriel. Iba pala ang ibig sabihin nito sa sinasabi nito at hindi iyong tungkol sa panaginip niya? Nanghihinang itinuloy na lamang ni Oriel ang pagkain niya. Nakakalungkot lang isipin na hanggang pantasiya lang talaga siya kay Viena.

Nabaling ang tingin nila pareho sa cellphone ni Viena na nakalapag sa center table. Mukhang may tumatawag.

"Si Alken. Sandali lang at sasagutin ko muna." Dinampot nito agad iyon. Lumayo muna ito bago nito iyon sagutin.

The Hired HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon