Desperate Girl
---oOo---MALAKAS na itinulak ni Alken si Freya nang bigla siya nitong nakawan ng halik. Nagulat talaga siya sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Lalo na sa maraming tao.
“What the hell have you done? Nababaliw ka na ba?” Mukhang ibang-iba na nga talaga ito ikumpara sa dating Freya na girlfriend niya. Malaki na talaga ng ipinagbago nito. Parang liberated na ito kung umasta at ang layo na ng ugali nito sa dati.
“Yup! I admit. Baliw na baliw pa rin ako sa‘yo, Alken.” turan nito at isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan nito.
“Ang mabuti pa ay umalis ka na lang. I don’t wanna see your face again!” bulyaw niya rito pero imbes na umalis ay nanatili pa rin itong nakatayo at pangiti-ngiti pa.
“Aalis lang ako rito kung kasama ka! Gusto lang naman kitang maka-usap ng maayos para ipaliwanag sa’yo ang mga nangyari sa akin sa Austrilla.”
“At sa tingin mo ba ay sasama ako sa‘yo?! At wala na rin tayong dapat na pag-usapan pa! ” bulyaw niya. Naiirita na kasi siya kay Freya. Parang gusto na nga niyang manapak ng tao kung hindi lamang siya nagpipigil.
“Ayaw mo ba talagang sumama sa akin? Pwes, gagawa ako ng eksena rito!” Ani pa nito.
“Sige! Gumawa ka nang eksena! Tingnan na lang natin kung sino ang mapapahiya!” Bwelta niya. Parang hinahamon talaga siya nito.
“Gusto mo talagang umeksina ako rito?!”
“Go ahead! Pahiyain mo ang sarili mo!” Ani Alken habang sumesenyas pa na gawin nito ang gusto nito.
Nagulat na lamang si Alken nang malakas itong pumalahaw na naging dahilan para magsitinginan ang mga taong naroon sa may bar. Kung kanina ay hindi sila nito pinapansin pero ngayon ay parang nasa kanila na yata ang atensiyon ng mga taong naroon. Ano naman kaya ang gusto nitong palabasin sa pag-iyak na iyon ni Freya.
“Nakikita niyo ba ang taong ito?” Anito sabay turo sa kaniya. “Siya si Alken Del Prado. Isa siyang iresponsableng tao! Niligawan niya ako at pinangakuan na mahal niya ako. Pero nang mabuntis niya ako ay bigla na lamang siyang nagbago! Gusto na niyang makipaghiwalay sa akin at ayaw niya ring panagutan ang batang dinadala ko!” Umiiyak na turan nito.
Hindi naman makapaniwala si Alken sa ginawa ni Freya! Kakaiba pala talaga ang eskandalong gagawin nito. Napakasinungaling talaga nito.
“'Wag kayong maniwala sa babaeng iyan! Gumagawa lamang siya ng kwento!” pangungumbinse niya sa mga taong naroon.
“Panagutan mo na kasi iyan!”
“Oo nga. Kawawa naman 'yong babae...”
“Napaka-iresponsable naman ng taong iyan!”
Ilan lang iyan sa mga bulong-bulungan na naririnig ni Alken sa mga taong naroon sa may bar. Mukhang naniniwala talaga ang mga ito sa kasinungalingan ni Freya. Nang ibaling niya ang tingin niya kay Freya ay pasimple naman itong ngumingiti.
“Damn!” Untag niya sabay hakbang palabas ng bar. Hindi na talaga niya makaya pa ang ginagawang eskandalo ni Freya. Baka may makakilala sa kaniya sa bar na iyon at baka isipin na totoo ang sinasabi ni Freya. At napakalaking problema iyon kabag umabot pa iyon sa asawa niya. Ang mabuti pa ay siya na lang siguro ang umalis.
Malalaki ang hakbang na lumabas na siya ng bar. Naririnig pa niya ang pagtawag sa kaniya ni Freya. Mukhang nakasunod lang yata ito sa likod niya.
Akma na sana niyang bubuksan ang pinto ng sasakyan niya nang hawakan ni Freya ang kamay niya. “Saan ka pupunta? Hindi pa nga tayo nakaka-pag-usap ng maayos, e.” Anito.
BINABASA MO ANG
The Hired Husband
RomanceMag-iisang taon nang kasal ang mag-asawang Alken at Viena pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Anak na kukumpleto sana sa bubuuin nilang pamilya. Ngunit paano kung malaman nila na isa sa kanila ay hindi makakabuo? Isang ma...