CHAPTER 8- Saving Her Life

8.7K 83 3
                                    

Saving Her Life

---oOo---

"SA wakas nandito na tayo!" Napahinto si Viena sa paglalakad nang marinig niyang nagsalita si Oriel. Nakita niyang huminto na rin ito sa paglalakad. Nasa unahan niya ito. Napa-angat ng tingin si Viena sa nakikita niyang malaking rock formation sa harapan niya. Halos malula na siya sa taas no'n. Kalahating oras lang ang nilakad nila bago narating ang kinaroroonan ng malaking rock formation. Nasa gitna iyon ng gubat sa kabilang daku ng beach. Medyo masukal din ang gubat na dinaanan nila kanina pero hindi nakaramdam ng hirap at pagod si Viena. Sa kalahating oras kasi nilang paglalakad ay naaliw siya kay Oriel. Marami kasi itong ikinwento sa kanya tungkol sa mga bagay na nakikita at nadadaan nila. Katulad na lamang ng mga halaman na ngayon lang niya nakita. Pinapaliwanag iyon sa kanya ni Oriel. Ang gamit niyon at kung pwede ba iyong gamitin bilang panggamot.

Napapanga-nga na lamang si Viena sa tuwing nagbibigay ito ng trivia sa kanya. Nadadagdagan tuloy ang kaalaman niya sa mga bagay-bagay.

"Bago natin marating ang tutok niyan ay kailangan muna nating pumasok sa kwebang iyan para maka-akyat tayo. Hindi naman pwede na akyatin natin iyan. Umulan kagabi kaya madulas kung aakyatin natin 'yan." Nabaling ang tingin ni Viena sa itinuro sa kanya ni Oriel na maliit na lagusan. Maliit lamang ang lagusan na iyon. Isang tao lang yata ang kakasya sa lagusan na iyon at parang padapa pa kapag pumasok ka roon.

"S-sigurado ka ba na diyan tayo dadaan?" Paninigurado ni Viena. Hindi kasi siya makapaniwala na pwedeng dumaan doon ang isang tao. Paano kung maipit siya roon? Mahina pa naman ang loob niya sa masisikip na lugar.

"Wala nang ibang daanan maliban diyan."

"Paano kung maiipit dayo diyan at hindi agad makalabas?" Kinakabahan na turan niya. Nakakatakot naman talaga iyon.

"Okay lang kung hindi na tayo tutuloy. Sabihin mo lang at babalik na tayo ng vacation house ngayon din."

"Sayang naman ang effort natin sa paglalakad ng sobrang layo kung babalik din naman agad tayo. Tutuloy na lang tayo."

"S-sigurado ka? Wala na talagang atrasan 'to kapag pumasok na tayo." Paninigurado sa kanya ni Oriel. Inaamin ni Viena na nagdadalawang isip siya. Wala siyang ideya kung kaya ba niyang pumasok doon. Pero kalahati ng utak niya na nagsasabing subukan niya. Tutal nandito na naman sila. At alam niyang hindi naman siya pababayaan ni Oriel.

"Oo, Oriel! Sigurado ako. Papasok tayo sa kwebang iyan." Matapang na sagot niya. Kailangan niyang lakasan ang loob niya. Adventure ang hanap niya kaya ito na talaga ang totoong adventure.

Nauna na siyang naglakad na animo'y susugod sa gyera. Kailangan niya naman talagang tapangan ang sarili niya.

Inuna na nilang ipasok sa maliit na lagusan na iyon ang kanilang mga gamit. Pinauna na siya ni Oriel na pumasok. Pagapang siyang pumasok sa loob. Sa tulong ng flashlight na nakakabit sa hard hat niya ay nakikita niya ang dinadaanan niya. Itinuloy na lamang niya ang paggapang. Naramdaman niya sa paanan niya na sumunod na sa kanya si Oriel. Gumapang na rin ito.

"Ituloy mo lang ang paggapang. Mga ten minutes lang at makakapasok na rin tayo sa loob. Relax ka lang at 'wag kang kabahan. Nandito lang ako sa likuran mo." Narinig niyang sabi ni Oriel. Tuloy pa rin siya sa paggapang. Napapangiti pa siya dahil parang nawala ang takot niya. Napalitan iyon ng excitement. Iba nga talagang kasama si Oriel. Pinapatibay talaga nito ang loob niya. Napahinto si Viena sa paggapang nang nararamdaman niya na parang mas lalong sumisikip ang lagusan.

"Oriel! Bakit parang sumisikip yata ang dinadaanan natin?!" Kinakabahan na tanong niya kay Oriel. Pero limang sigundo na ang lumipas pero hindi niya narinig na sumagot ito. Mas lalo siyang kinabahan ng oras na iyon. Bakit hindi sumagot si Oriel?

The Hired HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon