Taking Her Owned
---oOo---“HINDI na ba talaga kita mapipigilan?!” Halata sa mukha ni Alken ang lungkot nang sabihin niya iyon kay Freya. Paano ba naman siya hindi malulungkot, e malalayo na ito sa kaniya.
“Alam mo naman siguro na hindi lang ikaw ang mahihirapan sa gagawin ko. Maging ako ay nahihirapan din. Alam naman natin pareho na matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang pagkakataon na matupad ang pangarap ko at ito na iyon!” Kahit na umiiyak na si Freya ay pilit pa rin itong ngumingiti.
“Malayo ang New York, Freya! I don't want a long distance relationship. Baka hindi iyon mag-work out!” Parang maiiyak na rin na sabi niya. Marami na kasi siyang naririnig na long distance na relationship na nauuwi lamang sa hiwalayan. Paano ba naman tatagal ang relasyon niyo kung magkalayo kayo sa isa‘t-isa?
“What if it works? Hindi pa nga natin nasusubukan tapos pinapangunahan mo na? Isang taon lang naman ako roon. After that ay babalik din naman ako rito.” Anito.
Nakatanggap kasi ito ng tawag mula sa New York kung saan ito nagpadala ng application sa isang modeling company. Alam din naman ni Alken na hobby din nito ang pagmo-model. Marami na rin naman itong nasalihan na mga fashion show at nakakahakot naman ito ng mga award. Minsan nga ay ginagawa na nito iyong raket para pagkakitaan. Sa katunayan nga ay nakasuporta naman sa kaniya si Alken sa hilig nito at siya pa nga mismo ang nag-uudyok dito na ipagpatuloy ang hilig. Nasabi na rin sa kaniya ni Freya ang pag-apply nito online sa isang modeling company sa New York. Isang buwan na ang nakakalipas nang hindi pa ito natatawagan at akala niya ay malabo na tatawag pa ito hanggang sa isang araw ay tumawag na nga.
Mahigit dalawang taon na ang relasyon na meron sila ni Freya. Hindi niya lubos maiisip na sa isang gold bracelet lang ay mamahalin niya talaga ito. Sa tuwing nakikita niyang suot iyon ni Freya ay naalala niya ang una nilang pagkikita.
---oOo---
Nasa loob ng mall si Alken ng araw na iyon para magtungo sa isang jewelry store. Birthday kasi ng mommy niya kaya bibilhan niya ito ng regalo. Isang necklace. Mahilig kasi ang mommy niya sa alahas kaya alam niyang matutuwa talaga iyon sa regalong ibibigay niya.
Agad naman siyang lumapit sa display ng mga alahas para maghanap ng necklace. Marami siyang nakikitang magagandang designs at nababagay sa mommy niya. Pero naambala ang paghahanap niya nang marinig niya ang boses ng isang babae sa gilid niya habang kinaka-usap ang sales atendant ng naturang jewelry store.
“Hindi po ba talaga kayo tumatanggap ng reservation, miss? Bibilhin ko naman sana ngayon iyang bracelet na iyan kung hindi lang sana ako nadukutan. Papunta kasi ako rito nang bigla na lamang nawala ang wallet ko sa bag ko.” Iyon ang mga naririnig niyang sinasabi ng isang babaeng kausap ng sales attendant.
“Pasensiya na po talaga, ma‘am. Nasa policy kasi ng jewelry shop na ito na bawal tumanggap ng reservation. Limited lang kasi ang mga designs ng mga alahas namin dito. Maswerte na lamang po siguro kayo kapag nandito pa ho ito pagbalik niyo.” bwelta naman ng sales attendant. Sa paraan ng pakiki-usap ng babae sa sales attendant ay mukhang gustong-gusto talaga nito ang nasabing bracelet. Dinukot niya ang kaniyang wallet at kinuha roon ang credit card at ang kaniyang ID sabay abot sa sales attendant. “Ibigay mo na sa kaniya ang bracelet.” Aniya at nakita niya ang pagtataka sa mukha ng dalawa nang sabay pang napatingin sa kaniya.
“What are you waiting for, miss. Ibigay mo na sa kaniya ang bracelet at dito mo na lamang kunin ang bayad.”
“O-okay, sir.” Anang sales attendant at agad na kinuha ang credit card niya at sandaling umalis para i-swipe iyon.
BINABASA MO ANG
The Hired Husband
RomanceMag-iisang taon nang kasal ang mag-asawang Alken at Viena pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Anak na kukumpleto sana sa bubuuin nilang pamilya. Ngunit paano kung malaman nila na isa sa kanila ay hindi makakabuo? Isang ma...