---oOo---
The Damn Truth“FUCK! Ahhh!” Hindi mapigilang ungol ni Alken nang labasan siya sa kalooban ni Freya. Ilang sandali pa ay bumangon na siya at naupo sa may gilid ng kama. Inabot niya ang pakete ng sigarilyo at kumuha siya roon ng isang stick at sinindihan. Maya-maya ay naramdaman niya ang pagyakap ni Freya sa likuran niya.
“I love you, Alken.” Napapitlag siya nang biglang magsalita si Freya. Agad naman niyang nilingon ito.
“What did you say?” Pagkumpirma niya sa sinabi nito.
“Ang sabi ko, mahal kita...” pag-uulit pa nito.
Agad na tumayo si Alken sa may kama. Wala siyang pakialam kahit nakahubad pa siyang nakaharap kay Freya.
“Hindi ba’t sabi ko sayo sex lang? No string attached? Hindi ba’t malinaw naman ang napag-usapan natin? There is no love involve sa ginagawa natin!” aniya rito. Akala ba niya ay malinaw na ang napag-usapan nila ni Freya noon? Nang minsan kasi na nagising siya isang umaga sa kwarto ni Freya ay doon na nagsimula ang pagkikita nila at pakikipagtalik. Kapag kasi nagtatalik ang asawa niya ay umaalis siya ng kanilang bahay. Hindi kasi maatim ng konsensiya niya ang ginagawa ni Oriel at ni Viena. Para kasing madudurog ang puso niya sa tuwing maririnig niya ang ungol ng mga ito.
Mahigit dalawang buwan na nilang ginagawa ang lihim na pagkikita ni Freya. Minsan ay sa bar sila nagkikita at minsan naman sa unit na siya nito pumupunta. Gusto lang talaga niya na makalimutan kahit na sandali ang katotoohan na may ibang gumagalaw sa asawa niya.
Isang kasunduan ang napagkasunduan nila ni Freya. Papayag siyang makipagtalik dito sa isang kondisyon. Walang pagmamahal nilang gagawin ang bagay na iyon at hindi rin pwedeng malaman ni Viena na ex niya si Freya. Alam niyang magiging kumplikado ang lahat kapag nalaman nito na nagkikita sila ni Freya. Minsan ay si Freya na rin mismo ang dumadalaw sa kanilang bahay at nagpapanggap silang parang wala lang may nangyayari sa kanila.
“What if i lied to you? Nagsinungaling ako sa’yo! I still love you, Alken.” Tumayo pa ito para lapitan siya. Pero itinulak niya ito at patihaya itong bumagsak sa ibabaw ng kama.
“Malinaw ang napag-usapan natin ‘di ba? Libog lang ang pwedeng mamagitan sa atin!”
“I’m sorry pero nagsinungaling ako sa’yo! Mahal na mahal pa rin kita, Alken!” umiiyak nang turan nito. Hindi siya naawa kay Freya kundi ay naiinis siya rito. Akala pa naman niya ay maggagamitan lang sila nang katawan para sa kasunduan nila pero hindi niya alam ay lihim pa rin pala itong may gusto sa kaniya.
“Fuck that love! Alam mo naman na may asawa na ako, Freya at alam naman natin pareho na si Viena ang mahal ko!” Pagkasabi niya niyon ay isa-isa na niyang isinamsam ang mga damit niya na nagkalat at isinuot iyon sa harapan ni Freya. Hindi pwedeng magkagusto sa kaniya si Freya.
“Saan ka pupunta?” anito matapos siyang magbihis.
“I’ll go. At ititigil na natin ang kabaliwan na ito! Naku-konsensiya na rin ako sa ginagawa nating ito! I must leave now!” akma na sanang ihahakbang ni Alken ang mga paa niya nang humarang sa daanan niya si Freya.
“Get out of my way kung ayaw mong masaktan!” bulyaw niya rito pero hindi ito natinag sa sinabi niya. Desidido talaga itong pigilan siya.
“Sabi nang umalis ka sa dadaanan ko!” Tinulak niya si Freya na naging dahilan para matumba ito sa paanan ng kama. Doon na siya humakbang palabas ng unit nito. Pero natigilan siya nang bigla na lamang napasigaw si Freya. Agad naman niyang nilingon ito. Bumakas ang takot sa mukha ni Alken nang makita niya ang dugong dumadaloy sa hita nito. Nilapitan niya ito.
BINABASA MO ANG
The Hired Husband
RomanceMag-iisang taon nang kasal ang mag-asawang Alken at Viena pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Anak na kukumpleto sana sa bubuuin nilang pamilya. Ngunit paano kung malaman nila na isa sa kanila ay hindi makakabuo? Isang ma...