CHAPTER 20- Horny, Oriel

6.7K 56 11
                                    

---oOo---
Horny, Oriel

“NAGUSTUHAN mo ba ang mga pinamili natin?” ani Alken kay Oriel nang maka-uwi sila galing mall. After lunch kasi ay sinamahan siya nito na mag-mall para ibili ng mga damit at gamit niya. Kumain na rin sila sa labas. Magkasama silang tatlo ni Viena. Bali tatlong malalaking eco bag lahat ang nabili sa kaniya ni Alken.

“Syempre naman po! Salamat po ulit dito.” nakangiti niyang pasasalamat dito.

“Maliit na bagay lang naman iyan kung ikumpara sa mga itutulong mo sa amin ng ate Viena mo. Alam namin na hindi madali ang pabor na hinihingi namin sa’yo pero pinagbigyan mo pa rin kami.” ani Alken at bahagya itong ngumiti.

“Wala pong problema iyon sa akin, kuya. Willing po akong tulungan kayo.”

“Salamat, Oriel. Napakabait mo talaga,” anito.

“Walang anuman po.”

“Nga pala, sisimulan na natin ngayong gabi ang pagdo-donate mo ng sperm sa ate Viena mo.” Nakita ni Oriel ang pagbaling ng tingin ni Alken kay Viena nang sabihin nito iyon. Nakita niya na bahagya rin natigilan si Viena sa sinabi nito. Kagabi pa niya hinihintay na sabihin iyon sa kaniya ni Alken. Sabik na siya kung ano ang mangyayari.

“Actually, nag set na kami ng days kung kailan ka pwedeng magdonate ng sperm sa ate mo at sinang-ayunan na rin naman niya ito. Bali, MWF. Monday, Wednsday at Friday. Iyang mga araw na iyan ka pwedeng mag-donate ng sperm sa ate, Viena mo. Dahil lunes ngayon ay mamayang gabi na natin sisimulan iyon.” pagpapaliwanag sa kaniya ni Alken.

Hindi mapigilan ni Oriel ang excitement na nararamdaman ng mga oras na iyon. Bakit ba nag-set pa ito ng day kung kailan lang niya pwedeng galawin si Viena? Bakit hindi na lang gabi-gabi niya itong itatalik para makabuo na agad sila. Pero okay na rin iyon. Baka kasi makahalata pa si Alken kapag nag-suggest pa siya ng ganoon.

“Walang po iyong problema sa akin, kuya.” sagot niya rito.

“Siya nga pala. Ipapaalam ko na lamang sa’yo kapag pwede na. Maliwanag ba iyon, Oriel?”

Tumango siya bilang pagsasang-ayon sa sinabi nito. Nakita ni Oriel na tahimik lang si Viena sa pag-uusap nilang iyon. Ramdam ni Oriel ang pag-aalangan sa mga kinikilos nito. Alam niyang nag-aalangan ito na gawin nila ang bagay na iyon pero hindi naman siya masisisi ng mga ito dahil kagustuhan din naman nila ito.

Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay nag-presinta si Oriel na siya na ang magluluto ng kanilang hapunan. Siya na rin ang namalengke. Binigyan naman siya ng budget ni Alken at agad naman siyang nagtungo sa may palengke.

Bulalong baka ang naisipan na lutuin ni Oriel. Naisip niya kasi na kailangan niyang humigop ng maraming sabaw dahil kakailanganin niya iyon mamayang gabi. Ayaw niyang mapahiya kay Viena. Gusto niya ay makita nitong marami siyang ilalabas mamaya.

“Masarap ka pala talagang magluto, Oriel!” palatak ni Alken nang tikman nito ang niluto niya. Nakahahin na ang bulalong baka sa hapag na kakaluto lang.

“Salamat po!” bwelta niya at nagsimula na silang kumain. Kanina pa niya napapansin na tahimik pa rin si Viena. Ano naman kaya ang naiisip nito? Baka iniisip nito ang mangyayari kapag nagtalik na sila. O hindi kaya ay nahihiya ito sa kaniya. Kahit ano man iyon ay alam niyang masasanay din ito.

Habang kumakain ay marami silang napag-usapan ni Alken. Ikinwento niya rito ang buhay na meron siya. Sinabi niya na siya na lamang ang nagtataguyod sa pamilya niya dahil wala na silang ama. Namatay ito dahil sa raw sa pagkaka-involve sa droga pero naniniwala si Oriel na inosente ang tatay niya at papatunayan niya iyon sa mga taong nanghusga rito!

The Hired HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon