CHAPTER 13- She's Back

7K 70 1
                                    

She's Back
---oOo---

HINDI pa sumisikat ang araw ay gising na si Viena. Hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari. Hindi niya maiwasan na isipin na mukhang kinaibigan lang talaga siya ni Oriel dahil may gusto itong gawin sa kaniya. Akala niya ay mabuting tao si Oriel. Mapagsamantala pala ito! Hindi naman siya naniniwala na gawa lang iyon ng epekto ng alak dahil alam niya na may sariling isip naman ang isang tao kapag nalalasing at alam nito ang ginagawa nito. Pero sa nangyari kagabi ay may kutob siyang plinano talaga iyon ni Oriel. Baka ayaw nitong umalis siya sa resort.

Agad naman siyang nag-empake ng mga gamit niya. Buo na ang desisyon niya na umalis sa resort na ito. No'ng una ay parang ayaw pa niyang umalis dito dahil parang nalilibang na rin siya kasama si Oriel pero ngayon ay parang ayaw na niya itong makita pa! Ayaw na niyang makita pa ang pagmumukha nito. Matapos niyang mag-empake ay naligo na siya. Kailangan niyang bilisan dahil ayaw na ayaw na niya talaga makita pa si Oriel. Matapos magbihis ay lumabas na siya ng apartment para magtungo sa kabilang resthouse. Medyo madilim pa dahil mag-aalas singko pa lamang. Tamang-tama lang iyon para maka-alis na siya sa resort nang hindi niya nakikita si Oriel.
Sakto naman na papunta na siya sa resthouse nila ni Oriel nang makasalubong niya si Mang Kanor.

“Ikaw ba 'yan ma'am Viena? Bakit ang aga mo naman yata at mukhang bihis na bihis ka, ha?” Ani Mang Kanor nang makalapit na siya rito.

“Aalis na po sana ako. Pwede niyo po ba akong ihatid sa may pantalan?” Aniya rito.

“Ngayon na po ba talaga? Sandali lang at gigisingin ko lang si Oriel para siya na ang maghatid--”

“Wag na po. Wag niyo na lang po siyang istorbuhin. Kayo na lang po ang maghatid sa akin.” Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ni Mang Kanor.

“Okay lang kay Oriel iyon, ma’am Viena. Obligasiyon din naman niya po iyon.”

“Ang gusto ko po ay ikaw na lang ang maghatid sa akin. ‘Eto po. Tanggapin niyo po ito.” Hinugot ni Viena ang wallet sa kaniyang bulsa at kumuha siya roon ng tatlong libong papel saka iniabot niya iyon kay Mang Kanor. Nagdadalawang isip naman ito kung kukunin ba nito iyon.

“Ano po iyan, ma’am Viena? Hindi ko po iyan matatanggap. Kabilin-bilinan sa amin ni sir Dexter na 'wag daw kaming tumanggap nang kahit ano galing sa inyo.”

“Hindi ko naman ito sasabihin kay Dexter at isa pa ay bilang pasasalamat ko na rin po iyon dahil sa kabutihan niyo.” Ani Viena at isang matamis na ngiti ang iginawad niya kay Mang Kanor.

Kahit nagdadalawang-isip si Mang Kanor na tanggapin ang pera na ibibigay niya, sa huli ay tinanggap naman nito iyon.

Sandali muna itong nagpaalam sa kaniya dahil aayusin daw muna nito ang bangkang de motor na gagamitin nila sa paghatid sa kaniya ni Mang Kanor sa pantalan. Habang hinihintay niya ang pagbalik ni Mang Kanor ay hindi niya maiwasan ang pagmasdan ang kinaroroonan ng resthouse nina Oriel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa ni Oriel sa kaniya ang bagay na iyon sa kaniya. Kung naging marupok siguro siya ay nangyari talaga ang gustong gawin sa kaniya ni Oriel. May paghanga naman siya sa lalaki pero talagang paghanga lang naman. Humahanga siya sa taglay na kabutihan nito at hanggang doon lang iyon.

“Ma’am, Viena. Handa na po ang bangka.” Nabaling ang tingin niya sa paparating na si Mang Kanor.

“Tara na po.” aniya at nauna na siyang naglakad papunta sa may bangka at sa huling pagkakataon at napasulyap siya sa resthouse nina Oriel.

---oOo---

“WHAT the hell, Alken! Paano mo nagawa sa akin na iwanan ako roon sa resort at umuwi ritong mag-isa?!” Bulyaw ni Viena kay Alken ng pumasok ito sa loob ng kanilang bahay. Kararating lang nito at mukhang lasing na lasing pa! Hinintay niya talaga ang pagdating nito para makapag-usap sila. Hindi siya papayag na lumipas ang araw na ito na hindi sila nag-uusap.

The Hired HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon