CHAPTER 24- Love Or Lose

5.2K 58 1
                                    


---oOo---
Love Or Lose

HINDI na maalis pa ang alaalang iyon ni Oriel ng nakaraan niya. Parang hayop lang na pinatay ng mga taong iyon ang tatay niya. Alam niya na fri-name up lang ang tatay niya at wala itong kinalaman sa binibintang ng mga ito!

Nabaling ang tingin ni Oriel sa hawak niyang ID na nakuha niya sa bulsa ng pantalon ni Alken. Totoo ba ang nalaman niya na si Alken ang may-ari ng pabrika na pinagtatrabahohan ng tatay niya dati? Ibig sabihin lang niyon ay posibleng may kinalaman si Alken sa pagpatay sa tatay niya! Nadagdagan din ang kutob niya nang may makita siyang sachet na may lamang droga sa bulsa ni Alken! Malaking ebidensiya iyon para makulong si Alken!

Agad niyang inilagay sa bulsa niya ang sachet na may laman na droga. Kailangan niya iyong ipakita kay Viena nang malaman nito na isang masamang tao ang asawa niya! Tiyak paniniwalaan naman siya nito sa mga ibedensiya na hawak niya.

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto ng mga ito. Kung kanina ay natatakot siya na baka mahuli siya ng mga ito na pumasok sa loob ng silid ng mga ito, ngayon ay parang gusto pa niyang malaman ng mga ito.

Paglabas niya nang silid ay nagulat siya nang wala siyang naabutan na tao sa may salas. Alam niyang may narinig siyang ingay kanina sa may kusina. Tumalima siya at agad na nagtungo sa may kusina.

Nanlaki ang mga mata ni Oriel sa nadatnan niyang eksena roon. Nakabulagta sa sahig si Viena at nakita niya ang napakaraming dugo na nagkalat sa sahig. Nanggaling iyon sa sugat na nasa pulso nito! Ano ang nangyari? Magpapakamatay ba si Viena? Bakit naman ito magpapakamatay?

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Oriel at agad niya binuhat si Viena. Kailangan niyang maidala ito sa ospital. Alam niyang hindi pa huli ang lahat.

Paglabas ng bahay ay sakto naman na may napadaan na tricycle at pinara iyon ni Oriel. Sumakay agad siya roon habang karga si Viena. Napuno na ng dugo ang damit niya dahil sa walang patid na pagdurugo ng sugat sa pulso nito. Hinatid sila ng driver ng tricycle sa pinakamalapit na ospital at tinulungan naman sila ng mga nurse para dalhin si Viena sa emergency room. Pinigilan naman siya ng nurse na pumasok sa loob dahil hindi raw pwede. Wala nang nagawa si Oriel kundi ang maghintay na lamang sa labas ng emergency room. Naupo siya sa mahabang bench at bahagyang yumuko. Taimtim siyang nagdarasal na sana makaligtas si Viena sa bingit ng kamatayan!

“Oriel?” Napadilat si Oriel nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Napatingin naman siya sa pinanggagalingan ng boses na iyon at tumambad sa kaniya ang isang lalaki. Nakakunot ang noo nito na parang hindi nito inaasahan na makikita siya.

“Sir, Dexter.” bwelta ni Oriel.

“A-anong ginagawa mo rito?” usisa nito sa kaniya.

“Isinugod ko sa ospital si ma’am Viena. Nadatnan ko kasi siya na duguan at may laslas sa pulso.” aniya rito.

“My God! Bakit naman siya magpapakamatay? Si Alken nasaan?”

“Hindi ko po alam...”

“Teka lang at tatawagan ko siya.” Akma na sanang tatawagan ni Dexter si Alken nang pigilan siya ni Oriel.

“Pwede po bang ‘wag mo na munang ipaalam sa kaniya ang nangyari? Narinig ko kasi na nag-aaway sila ni ma’am Viena kagabi. Nahuli raw nito na may ibang babae si sir Alken.” aniya rito. Kailangan niyang gumawa ng kwento para hindi sila mahanap ni Alken. Ngayong may pagkakataon na siya na mailayo si Viena kay Alken ay susunggaban na niya ang pagkakataon na iyon!

“Pero kailangan pa rin itong malaman ni Alken. May karapatan siyang malaman ang nangyari sa asawa niya.” bwelta nito.

Wala nang nagawa pa si Oriel nang tawagan ni Dexter si Alken! Paano na ito? Kailangan ay hindi malaman ni Alken kung nasaan sila. Kapag nangyari iyon ay masisira ang plano niya!

The Hired HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon