His Plan
---oOo---WALANG pagsidlan ang saya na nararamdaman ng puso ni Oriel nang makasama niya kanina si Viena. Hindi niya sukat hakalain na makakasama niya ito nang matagal. Nag-enjoy talaga siya ng husto sa adventure na ginawa nila. Hiling niya na sana ay maulit pa ang bonding na ginawa nila. Sa ilang oras na nakasama niya si Viena ay unti-unti na niya itong nakikilala. Mabait talaga ito at hindi ito naiilang na kasama siya kahit na malayo ang estado ng buhay nila. Kaya labis ang paghanga niya sa babae. Kung wala lang talaga itong asawa ay liligawan niya talaga ito.
Nakahiga na si Oriel ng gabing iyon sa kanyang kama. Hindi pa siya nakakatulog dahil sa maalinsangan na nararamdaman niya. Nasira kasi kanina ang ginagamit niyang eletric fan dahil na over heat. Bukas pa siya makakabili ng bago sa bayan kaya magtitiis na lang muna siya sa pagpapaypay.
Halos mangalay na ang kamay ni Oriel sa kakapaypay pero hindi pa rin naiibsan ang init na nararamdaman niya. Parang kahit ano'ng lakas ng pagpaypay niya ay mukhang ganoon pa rin. Medyo pinagpapawisan na nga siya kahit na boxer shorts na lang ang suot niyang saplot. Nang hindi na makatiis si Oriel ay tumayo na siya sa kanyang kama. Ang mabuti pa siguro ay lumabas na lang muna siya para makapagpahangin. Hindi na nagsuot ng damit si Oriel nang lumabas siya ng vacation house. Medyo nababawasan na ang init na nararamdaman niya dahil sa pagdampi ng hangin mula sa dagat. Maliwanag ang buwan kaya malaya siyang nakakapaglakad sa buhanginan. Napapangiti pa siya ng mula sa kinaroroonan niya ay natatanaw niya ang kumikinang na tubig sa dagat. Kumikinang siguro iyon dulot ng liwanag na nagmumula sa sinag ng buwan. Parang ang sarap tuloy maligo roon.
Isang ideya ang pumasok sa isip ni Oriel. Gusto niyang maligo sa malamig na dagat. Magna-night swimming siya. Agad naman niyang hinubad ang tangi niyang saplot. Wala naman sigurong makakakita sa kanyang ibang tao roon dahil malamang ay tulog na ang mga kasama niya sa resort. Nang tuluyan na niya mahubad ang boxer short niya ay agad siyang tumakbo sa may dagat. Parang bata itong nagtatampisaw doon nang makalunsong na siya. Nagpunta siya sa spot na hanggang dibdib niya ang tubig. Mana-naka'y sumisisid pa siya roon at lumalangoy. Parang unti-unti nang nababawasan ang alinsangan na nararamdaman ni Oriel sa tulong ng malamig na tubig dagat. Ilang minuto rin siyang nagbabad doon at nagdesisyon na siyang umahon na. Pumunta na siya sa may dalampasigan para hanapin ang boxer shorts niya. Ngunit nang makarating na siya sa spot na pinag-iwanan niya ng boxer shorts niya kanina ay kumunot ang noo niya. Wala na kasi ito roon. Baka tinangay na iyon ng alon. Kasalanan din naman niya dahil hindi niya iyon inilagay sa parte na hindi maabot ng alon na humahampas sa dalampasigan. Wala nang nagawa pa si Oriel kundi ang maglakad na lamang na nakahubo papunta sa vacation house. Malakas ang loob niyang maglakad na nakahubo dahil sigurado siya na wala namang may makakakita sa kanya. Nasa gitna na siya ng kanyang paglalakad ng isang sigaw ang narinig niya. Sigaw iyon ng isang babae. Nang sipatin niya ito ay nagulat siya sa nakita niya. Nakatayo si Viena ilang metro lang ang layo sa kanya at napansin niyang nakatakip pa ang dalawa nitong palad sa mga mata nito. Doon lang siya natauhan. Nakahubad pala siya kaya siguro nagtakip ito ng mata. Mabilis naman niyang tinakpan ng dalawa niyang palad ang masilang parte ng katawan niya. Nakaramdam tuloy siya ng hiya. Paano kung nakita talaga ni Viena ang tinatago niya. Siguro nga ay nakita talaga nito kay ito nagsisigaw.
"Ano'ng ginagawa mo, Oriel? Bakit ka nakahubad?" Natatarantang tanong sa kanya ni Viena habang hindi pa rin nito inaalis ang kamay na nakatakip sa mga mata nito.
"S-sorry. Hindi ko alam na gising ka pa pala. Naligo kasi ako sa dagat. Hindi na ako nagsuot ng damit dahil akala ko ay ako na lamang ang taong gising dito sa resort. Malas din dahil hindi ko pa mahanap ang boxer shorts ko. Inuha ko ay tinangay siguro iyon ng alon." Sagot niya.
"Ang mabuti pa ay magbihis ka na muna." Anito at nagpaalam na siya rito na babalik na sa vacation house. Patakbo siyang bumalik doon at saka nagbanlaw at nagbihis. Pagkatapos niyang magbihis ay bumalik siya sa dalampasigan. Nadatnan niya roon si Viena na naka-upo sa may buhanginan habang nakatanaw sa bilog na buwan.
"Hindi ka rin ba makatulog?" Napalingon ito sa kanya ng tanungin niya ito. Umiling lang ito sa kanya at ibinalik ang tingin sa bilog na buwan. Naglakad siya palapit kay Viena at naupo siya sa tabi nito.
"Pasensiya ka na kanina, ha? Hindi ko kasi alam na gising ka rin pala." Nahihiya na paghingi niya ng paumanhin dito.
"Okey lang iyon. Hindi ko rin nga alam na may iba pa palang gising na tao sa resort na ito maliban sa akin." Bwelta nito nang hindi man lang ito tumitingin sa kanya.
"Ibig sabihin ay nakita mo ang--"
"Oo. Nakita ko."Hindi na niya natapos ang itatanong nito nang sagutin siya nito. Doon na lamang ibinaling ni Viena ang tingin nito sa kanya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pamumula ng kanyang pisngi. Nahihiya talaga siya kay Viena dahil sa nangyari.
"Pero 'wag kang mag-alala hindi naman ako maarte. Nagulat lang talaga ako kaya ako napasigaw. By the way bakit gising ka pa?"
"Hindi kasi ako makatulog dahil sa sobrang init. Nasira kasi ang eletric fan ko kaya maalinsangan sa loob ng kwarto ko. Ikaw? Bakit gising kapa?" Balik na tanong niya rito.
"Hindi kasi ako sanay na matulog mag-isa. Naninibago siguro ako." Malungkot na sagot nito.
"Hindi pa rin ba bumabalik ang asawa mo?"
"Tumawag siya kanina sa akin at malabo na raw na makabalik pa siya rito. Naiinis nga ako sa kanya, e. Siya ang may gustong magbakasiyon kami tapos bigla na lamang niya akong iiwan dito? Kaya nakapagdesisyon na akong uuwi na lamang bukas. Babalik na ako ng Maynila."
"B-babalik ka na ng Maynila. bukas?!"
"O, bakit kung magulat ka naman? Oo. Babalik na ako ng Maynila. Wala na rin naman dito si Alken kaya wala nang dahilan para manatili pa ako rito." Biglang nakaramdam ng lungkot si Oriel sa sinabi ni Viena. Ito na yata ang kinakatakutan niya na mangyari ang iwanan na siya ni Viena. Gusto niyang pigilan ito sa pag-alis pero sino naman siya para gawin iyon? Ano ba siya nito? Kaibigan? Oo. Kaibigan lang kaya wala siyang karapatan na pigilan itong umalis.
"Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo?" Bakas ang lungkot sa mukha ni Oriel na tanong nito.
"Oo." Tumango pa ito. Sa oras na umalis si Viena ay babalik na ulit sa normal ang buhay ni Oriel. Magiging boring na ulit ang araw-araw niya. Wala na kasi siyang inspirasyon.
"Ibig sabihin ba nito ay ito na rin ang huli nating pagkikita?" Parang sasabog na ang dibdib ni Oriel sa sobrang lungkot.
"Hindi naman siguro. Bibisita na lamang ako rito kapag may panahon ako--
"Paano kung wala ka nang panahon?"
Napatingin si Viena sa mukha niya. Sinadya niya talaga na sabihin niyon para malaman nito na ayaw niyang umalis ito.
"Hindi naman siguro mangyayari iyon, Oriel. I promise na bibisita ako rito kapag may panahon ako." Nakangiti nitong sabi.
Hindi yata effective ang pagpipigil na ginagawa ni Oriel. Kahit ano'ng gawin niyang pagpaparinig dito ay hindi yata talaga nito napapansin na ayaw niya itong umalis. Wala na siguro siyang magagawa roon.
"Tutal huling gabi na lang nating pagkikita ito. Paano kung magbonding tayo. Uminom tayo!" Aniya. Kung desidido na talaga ito na umalis sa resort ay dapat may gawin man lang siya. Bigla kasing pumasok sa isip niya ang ideya na aayain niya itong uminom. At kapag nalasing na ito ay doon na niya gagawin ang binabalak niya. Tutal huling gabi na nilang magkasama ay lulubusin na niya. Gagawin niya ang matagal na niyang gustong gawin dito. Gusto niya itong matikman. Sa tuwing kasama niya kasi ito ay hindi niya maiwasan ang pagnasaan ito. Oo. Aaminin niya na baliw na baliw na talaga siya kay Viena. Gusto niya itong makatalik. Mas lalo niya talagang gagalingan kahit na wala pa siyang experience pagdating sa pakikipagtalik. Gusto niyang malagpasan ang ginagawa ng asawa nito sa kama. Baka kapag nasiyahan si Viena sa pagpapaligaya niya rito ay baka iwanan pa nito ang asawa nito. Nanonood din naman siya ng mga porn kaya may alam naman siya kahit papano.
"Sure!" Walang pagdadalawang isip na sagot nito. Lihim na napapangiti pa si Oriel sa isip niya. Oras na para simulan niya ang binabalak niya. Sa gabing ito ay aankinin na niya si Viena.
"Saan ba tayo pupwesto?"
"Sa vacation house na lang siguro." Bwelta nito. Agad naman tumayo si Viena at nauna nang naglakad pabalik sa vacation house. Nakasunod lang siya rito at napapangiti pa siya. Nakikita na niya kasi sa isip niya ang gagawin niya kay Viena.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Hired Husband
RomanceMag-iisang taon nang kasal ang mag-asawang Alken at Viena pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Anak na kukumpleto sana sa bubuuin nilang pamilya. Ngunit paano kung malaman nila na isa sa kanila ay hindi makakabuo? Isang ma...