Part 4

12.4K 407 8
                                    


KINABUKASAN mas maaga uli kaysa normal na pumasok sa trabaho si Arci. Hindi kasi siya mapakali na nasa kaniya ang t-shirt ni Gray kaya pag-uwi niya kagabi, nilabhan at pinatuyo niya agad. Gusto niyang maisaoli iyon sa lalong madaling panahon at sa paraang hindi niya ito kailangan kausapin ng harapan.

Mabuti na lang wala pa ito nang dumating siya sa opisina at na hindi nito inila-lock ang private office. Nakapasok siya sa loob nang walang kahirap-hirap. Kabado siya nang ilapag sa lamesa ang nakatuping t-shirt, ingat na ingat na walang magalaw na gamit. Pagkatapos ipinatong niya sa ibabaw niyon ang neon pink post it note na sinulatan niya ng thank you. Hindi kasi siya nakapagpasalamat kahapon.

"Anong ginagawa mo rito?"

Gulat na napaatras si Arci sa lamesa at marahas na lumingon sa may pinto. Napahawak siya sa dibdib nang makitang nakatayo roon si Gray. Sa sobrang gulat niya nakapagsalita siya bago pa man niya mapag-isipan ang sasabihin. "Bakit ba palagi ka na lang sumusulpot nang walang ingay? Kung may sakit ako sa puso ilang beses na sana ako inatake dahil sa 'yo."

Tumaas ang mga kilay nito at nagsimula maglakad palapit. "It is not my fault if I saw you sneaking inside my private office so early in the morning. Nagi-guilty ka lang kaya palagi ka nagugulat kapag dumarating ako."

"Hindi ako guilty 'no! Wala akong ginagawang masama. Ibinalik ko lang ang t-shirt mo."

Huminto si Gray sa tabi ng lamesa nito at sinulyapan ang inilapag niya roon. Kumabog ang dibdib ni Arci nang kunin nito ang post it note at binasa ang nakasulat. Humakbang na siya patagilid at ready na magpaalam nang biglang mag-angat ng tingin ang lalaki. Napahinto siya nang magtama na naman ang kanilang mga paningin. "Hindi mo man lang ba kaya sabihin sa akin ng direkta ang sinulat mo rito?"

Uminit ang mukha niya pero itinaas ang noo. "Kaya ko 'no. Wala ka lang kasi kanina kaya inilapag ko na lang diyan," palusot niya.

Tumaas ang mga kilay ni Gray at halatang hinihintay na patunayan niyang nagsasabi siya ng totoo. Pasimpleng huminga ng malalim si Arci bago nagsalita, "Salamat sa pagpapahiram mo sa akin ng t-shirt. Ahm... pupunta na ako sa cubicle ko, sir."

Tumango si Gray at mukhang hindi na rin alam kung ano pa ang sasabihin kaya tuluyan na siyang lumabas ng opisina nito. Bumuntong hininga siya pagkasara ng pinto at saka nagpunta sa sarili niyang lamesa para magsimula nang magtrabaho.

AKALA NI ARCI kapag naisaoli na niya ang t-shirt ni Gray Delan ay hanggang doon na lang iyon at balik na uli sa normal ang lahat. Pero sa mga sumunod na araw, napansin niyang may nabago. Madalas, nahuhuli at nararamdaman niya na nakatingin ang boss niya na para bang inoobserbahan siya.

Noong una, hindi siya naniniwala na posible iyon. Sa loob ng maraming taon alam niyang almost invisible siya para kay Gray Delan. Kaya sa mga unang araw pilit niya binabalewala kapag nararamdaman niyang may nakatingin sa kaniya lalo na kapag break time at nanonood siya ng mga video clip na nakakapagpangiti at tawa sa kaniya.

Pero isang araw, habang breaktime at nanonood siya ng paborito niyang variety show at matawa ng malakas ay naramdaman na naman niyang may nagmamasid. Hindi na nakatiis si Arci. Nag-angat siya ng tingin at nasalubong ang mga mata ni Gray na nakatitig sa kaniya mula sa glass wall ng private office nito. Siyempre nagulat at napahiya siya dahil nakumpirma niyang nakikita pala siya nitong tumatawang mag-isa. Yumuko agad siya at hindi na nanood pa ng funny shows sa opisina.

Fortunately, hindi na rin masyado naramdaman ni Arci na inoobserbahan siya ni Gray pagkatapos ng araw na iyon. Siguro napahiya rin na nahuli niya itong nakatingin sa kaniya. Unti-unti na siya na-relax uli habang nasa Innovation Media. Hanggang isang araw, may nalaman siya tungkol sa kanyang boss na tuluyang bumago sa dating non-existent personal relationship nila.

THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon