Part 16

9.3K 326 3
                                    

BINILI ni Arci ang blouse at skirt na nagustuhan niya kasama ang iba pang pares ng damit na suggestion ni Demmy na bagay daw sa kaniya. Pati ang blue heels na pinasuot nito sa kaniya, binili na rin niya. Kahit kasi mataas ang takong niyon ay magaan iyon, hindi masakit sa paa at hindi mahirap ilakad. Sa Pilipinas, kahit anong hanap niya wala siyang magustuhang heels na komportable isuot kaya thankful siyang nakita niya iyon.

Kaso nang susubukan na niyang magbihis ay pinigilan siya nina Demmy at Chichi. Kahit si Gray, pinagbawalan ng mga itong magpalit ng damit. Ang dalawang pilya, may iba palang balak kaya matching ang mga suot nila ng lalaki. Nag panic si Arci nang habang naglalakad sila sa kalsada ng Ximending, biglang sinabi ng dalawang babae na gusto ng mga itong mag pose sila ni Gray at kukunan sila ng pictures.

"Hindi ako marunong mag pose. Hindi ako photogenic," mariing tanggi niya.

"Hindi naman OA na pose ang kailangan, ate Arci. Just be natural. Ako na ang bahala. Sayang naman ang outfit ninyo at sayang naman na nasa Taipei tayo kung wala tayong magiging picture bilang remembrance," paliwanag ni Demmy na nakalabas na ang iphone at naka-ready na kumuha ng pictures.

"Saka ate Arci, 'di ba sabi mo sa akin naghihintay ang family mo na mag send ka ng pictures mo? Sabi ni Demmy magaling daw siya kumuha ng pictures. Sigurado mas maganda ang magiging kuha niya kaysa kung mag se-selfie ka. Pumayag ka na para may mapadala ka sa family mo," pangungumbinsi naman ni Chichi.

Siyempre dahil nabanggit ang pamilya niya ay nag waver si Arci. Hanggang sumusukong bumuntong hininga na lang siya at napapayag din. Tuwang tuwa ang dalawang babae at inudyukan sila ni Gray na maunang maglakad at huwag isipin na nakasunod ang mga ito sa kanila. Naiiling na napasulyap siya sa lalaki na nagkibit balikat at tipid siyang nginitian. "Just let them do what they want." Pagkatapos iminuwestra nito na magsimula na sila maglakad kaya iyon ang ginawa niya.

Gabi na kaya madilim na ang langit pero maliwanag pa rin sa lahat ng sulok ng Ximending dahil sa napakaraming neon lights mula sa billboards at iba't ibang establishments. Mas dumami rin ang tao at lalong naging buhay na buhay ang paligid. Hindi mahilig sa night life si Arci at bihira siya magpaabot ng gabi sa labas pero ewan niya ba kung bakit bigla siya nakaramdam ng excitement ngayon. Bawat beat ng tugtog sa mga nadadaanan nila, sumasabay ang kabog ng puso niya. Para bang nag si-seep in sa katawan niya ang exciting energy ng buong lugar na iyon. Ang sarap sa feeling.

"Are you having fun?" tanong ni Gray na saka lang niya napansin na sobrang lapit na pala sa kaniya. Halos nagkikiskisan ang mga braso nila habang naglalakad. Siksikan na kasi sa kalsada kaya siguro lumapit ito sa kaniya.

Nilingon ito ni Arci at matamis na ngumiti. "Oo. Ang weird ko ba? Naglalakad lang naman tayo pero ang saya saya ko na."

"Hindi ka weird. Ibig sabihin lang niyan may wandersoul ka katulad ni Demmy. She gets excited like you when she's in a different place. Kung nagiging ganiyan ka kasaya kapag nasa ibang lugar ka, dapat dalasan mo ang pag ta-travel, Arci."

Lalong lumawak ang ngiti niya at may init na humaplos sa kanyang puso. "Tama ka. Dapat nga noon ko pa 'to ginawa. Pag-uwi ko magpapasalamat ako sa pamilya ko na pinush nila ako magbakasyon. At dadalasan ko ang pag a-out of town at out of the country. Sana palagi ako payagan ng boss ko mag leave."

Natawa si Gray at nang mahimasmasan ay tumitig na naman sa mukha niya. Feeling ni Arci may sasabihin ito pero hindi itinuloy. Sa halip lumingon ito sa likuran nila. Napalingon din tuloy siya at nakita na nakatutok sa kanila ang camera ng cellphone ni Demmy. Ngiting ngiti ang babae at ang katabi nitong si Chichi, parehong nakatutok pa rin ang tingin sa screen ng gadget kaya malamang tuloy-tuloy pa rin ang pagkuha nito ng picture. Nang mukhang makuntento ay saka lang sila tiningnan. "Individual shot naman tayo, ate Arci! Saan mo gusto mag pose? Ikaw rin mamaya kuya, okay? Wala pa po kasi akong na a-upload sa instagram for today."

Natigilan si Arci at manghang napalingon kay Gray nang may ma-realize. "Instagram?"

Sinulyapan din siya ng lalaki at tipid na tumango. "Hobby niya ang pasuotin ako ng mga damit na pinipili niya para sa akin at hobby din niyang kunan ako ng picture bago ako pumasok sa umaga. Siya rin ang gumawa ng instagram account na ni hindi ko alam ang password."

Umawang ang bibig ni Arci at uminit ang kanyang mukha sa sobrang pagkapahiya. "I'm sorry. Akala ko ikaw ang gumawa ng instagram at na ikaw ang mahilig mag post ng picture mo online," mahinang sabi niya kay Gray.

Bumuntong hininga ito. "Sinabi ko na sa 'yo na okay na. Sa susunod na mag sorry ka pa sa akin dahil sa wrong impressions, magagalit na ako."

"Hindi na ako mag so-sorry. Promise," mabilis na sagot ni Arci.

Kumislap ang amusement sa mga mata ni Gray. "Good."

"Hello? Baka nakakalimutan niyo na kami," biglang sabi ni Chichi kaya napunta sa mga ito ang atensiyon nila. Nakalapit na pala ang dalawang babae at may makahulugan at nanunudyong ngiti sa mga labi habang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Gray. Nailang tuloy si Arci at malakas na tumikhim. "Akala ko mag pi-picture tayo? Tara na. Saka hanap tayo ng pagkain. Nakita ko sa mga vlog tungkol sa Taipei na marami raw food carts dito sa Ximending. Gusto ko tikman lahat ng street food nila dito."

"Oo ate marami 'non dito. Paiba-iba nga lang sila ng location kaya kailangan natin maglakad-lakad pa," nakangiting sagot ni Chichi.

Kaya iyon ang ginawa nila. Naglakad sila ng naglakad. Tumingin sa mga clothing store pero thankfully ay hindi na sila pinagsukat ni Demmy. Nag picture sa magagandang parte ng Ximending, nanood ng street performances at saka lang nakita ang hilera ng food cart sa maliit na alley.

Natakam agad si Arci pagkakita at pagkaamoy sa mga binebenta roon. Hinila niya tuloy agad si Chichi para tulungan siya makipag-usap sa tindero ng unang cart na nalapitan niya.

"Ang hilig mo talaga sa pagkain 'no ate? Kahit kapag nagkikita tayo sa mga kpop events sa Manila, nakakatuwa ka panoorin kumain," komento ni Demmy na may hawak na ring paper cup na may lamang dumplings.

Nilunok muna niya ang kinakain bago tumango. "Delicious dishes are the best things that people ever invented. Bukod sa kpop, pagkain lang ang luho ko at ng pamilya ko."

Natawa sina Demmy at Chichi pero hindi siya na-offend. Katunayan natawa rin siya at sumubo uli ng dumpling at lumunok bago nagsalita ulit. "Pero hindi ako mahilig sa mamahaling dishes. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko 'yung mga tipo ng pagkain sa mga ganito. Gusto ko 'yung lasang home made pa rin. Iyong mga pagkain na gusto ko subukan iluto rin sa bahay para matikman ng pamilya ko. Mas nasasarapan ako sa ganoon kaysa sa mamahalin."

Namilog ang mga mata ni Demmy at pasinghap na sinabing, "Pareho kayo ni kuya!"

Gulat na napalingon si Arci kay Gray na sa totoo lang kanina pa niya napapansin na inoobserbahan siya. "Totoo ba?"

Nagkibit balikat ang lalaki. "Yes. Kaya mas komportable ako maghanap ng maliliit at underrated na kainan kaysa sa mga kilala ay dahil hinahanap ko ang lasa na home made food lang ang mayroon." Pagkatapos nagpalinga-linga ito, hindi niya alam kung may hinahanap o gusto lang makaiwas sa usapan. "Mukhang may food cart pa roon. Let's go." Pagkatapos nagpatiuna na itong maglakad.

"Our mom was a good cook, you see," mahinang sabi ni Demmy nang malayo-layo na sa kanila si Gray. Nang linungin niya ito ay nahihiyang ngumiti ang teenager. "Mas matagal nakasama ni kuya ang parents namin pero kahit ako hindi ko pa rin po nakakalimutan ang mga alaala namin na kasama sila. Feeling ko hinahanap ni kuya ang lasa ng luto ni mommy kapag kumakain siya sa labas kaya mas gusto niya ang lasa ng home cooked food."



THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon