Part 5

12.6K 380 33
                                    


Habang nasa biyahe, nagkukuwentuhan silang dalawa tungkol sa kani-kanilang trabaho. Lampas isang dekada nang Electrical Engineer si Jaime sa isang planta sa Bataan at may sarili na rin itong bahay at lupa roon. Pero umuuwi pa rin sa bahay ng parents nito tuwing weekend maliban na lang kung may plant shutdown na kailangan nito isupervise katulad ng nangyari this month.

Pagkatapos nito magkuwento ng kung anu-ano si Arci naman ang nag share ng mga nangyari sa pamilya at trabaho niya. Bago pa niya napigilan ang sarili, nabanggit na niya ang ilang beses na naging encounter nila ni Gray Delan. Akala niya tatawanan siya ni Jaime o kaya sasabihan siyang ang clumsy niya at kung ano pa. Kaya nagtaka siya nang matamlay na "hmm..." lang ang sagot nito at parang malalim pang nag-isip.

"Bakit ganiyan ang reaction mo?" nakakunot noong tanong ni Arci.

"Well, worried lang ako."

"Worried ka? Bakit? Puwede ba ako mawalan ng trabaho sa mga naging akto ko sa harap niya?" tarantang tanong ni Arci.

"Hindi 'yon. Worried ako kasi nakita na niya na adorable ka. Baka magkagusto siya sa 'yo."

Napanganga si Arci at napatitig sa mukha ni Jaime na deretso naman ang tingin sa daan. Nakita niya sa facial expression nito na hindi nagbibiro ang lalaki. Hindi niya tuloy alam ang gagawin at sasabihin kaya malakas siyang tumawa at magaan na hinampas ang braso nito. "Grabe ka naman. Ano namang adorable sa akin? Baka nga weirdo na ako para sa boss ko. Hindi pa niya alam kung ano ang extent ng kabaliwan ko niyan ha?"

Sinulyapan siya ni Jaime at ngumisi na. "Pero ang pagiging weirdo mo ang isa sa mga adorable traits mo, Arci."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Heh! Tumigil ka na nga sa pambobola sa akin. Nag promise naman na ako na ililibre kita ng dinner 'di ba?"

Tumawa ang bestfriend niya at naiiling na ibinalik sa harapan ang tingin. "Sa tingin ko malaking kawalan sa boss at mga katrabaho mo na hindi nila alam ang totoong ikaw, Arci. I bet tahimik ka lang sa office, nakatutok lang sa computer palagi at hindi nagkukuwento sa kanila ng tungkol sa sarili mo. Hindi ka rin mahilig gumimik kaya malamang deretso uwi ka pagdating ng hapon at hindi sumasali sa kanila. Kapag day off mo, kung hindi ako nakakauwi o kaya kung walang invitation mula sa mga kaibigan natin para sa birthdays ng mga anak nila o walang event sa mga online group na sinasalihan mo sigurado akong hindi ka rin lumalabas ng bahay."

"Bestfriend talaga kita kasi kilalang kilala mo ako. Anyway, alam ko na boring ako sa tingin ng mga tao sa Innovation Media. Hinahayaan ko na lang sila," nakangiting sagot ni Arci.

Mamaya pa nakarating na sila sa mall kung nasaan ang events center na pupuntahan nila. Sabik na hinawakan niya ang braso ni Jaime at halos tumakbo na para lang makarating agad sila sa venue. Kaninang umaga pa kasi nagsisimula ang event at alam niyang marami na siya na-miss.

Sa labas pa lang ng events center naririnig na niya ang masiglang tugtog at boses ng mga tao mula sa loob. Bumilis ang tibok ng puso ni Arci at napangisi habang bumibili ng ticket para sa kanilang dalawa ni Jaime.

"Mapapalibutan na naman tayo ng mga teenager," komento ng bestfriend niya.

Natawa siya. "Nakakabata raw ng pakiramdam kapag napapalibutan ng teenagers. Saka hindi pa naman tayo mukhang lampas na sa kalendaryo, 'di ba? Tara na."

Sandali pa nakapasok na sila sa event center kung saan may ginaganap na Kpop Fandom Festival. Lalong nabuhay ang dugo ni Arci at hindi maiwasan kiligin habang iginagala ang tingin sa paligid. Ito ang isang bagay na hindi alam ng mga katrabaho niya at maging ng karamihan sa mga kaibigan nila ni Jaime. Avid kpop fan si Arci.

THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon