Part 14

9.4K 295 10
                                    

"YOU know what's funny?" singit ni Demmy na ngiting ngiti. "Lampas one year na kami magkakilala ni ate Arci at madalas pa kami nagkikita sa mga event sa Manila pero last month lang namin nalaman na nagtatrabaho pala siya sa company ni kuya Gray. Aksidente silang nagkita sa fandom festival tapos ang tagal namin doon pero nang makauwi kami ni kuya, saka lang niya sinabi sa akin ang relasyon nila ni ate Arci. As in hindi sila nagsabi sa amin habang nasa event kami. Pareho siguro silang naging clueless kung paano magsasabi. I bet they were always surprise to see each other when they least expect it."

Natawa si Chichi at amused na tiningnan sina Arci. "Parang first episode ng isang romantic comedy drama pala ang nangyari sa inyo."

Naging pilit ang ngiti niya at worried na sinulyapan si Gray. Hindi kasi siya sigurado kung okay lang dito na biruin ng ganoon. Pero mukhang cool lang ito kasi nginitian pa nito si Chichi at sinabing, "Why don't we all take a seat? Sa iisang lamesa na tayo kumain para makapagkuwentuhan kayong tatlo."

"Thank you kuya," nakangiting sabi ni Chichi bago nilingon si Demmy. Napansin ni Arci na sandaling parang nag-usap ang mga mata ng dalawa bago kumilos para umupo. Magkatabing umupo sa katapat na silya ni Gray ang dalawang nakababatang babae kaya wala siyang choice kung hindi ang pumuwesto sa tabi ng boss niya. Ayos lang din kasi sa posisyon na 'yon puwede niya itong hindi tingnan.

Ilang minuto lang pagkatapos nila makaupo dumating na ang order nilang apat. Natakam si Arci sa umuusok na dumplings at noodle soup na amoy pa lang alam na niyang maanghang.

"Mura lang ang pagkain dito kompara sa ibang restaurant na nag o-offer ng authentic chinese cuisine pero sobrang sarap, promise," pagbibida ni Chichi.

Lalo tuloy siya na-excite. Sumubo siya ng isang dumpling gamit ang chopsticks. Napapikit siya at napaungol habang ngumunguya. "Ang sarap nga!"

Dumilat siya nang biglang tumawa sina Chichi at Demmy. "Mas masarap ka panoorin kumain, ate," biro pa ng huli na nagsimula na rin kumain. Nagkibit balikat si Arci at sumubo uli ng dumpling. Muli napaungol na naman siya sa linamnam niyon. Nakailang subo at ungol pa siya bago napansin na parang hindi kumakain si Gray. Hindi tuloy siya nakatiis at sinulyapan ito. Na pinagsisihan niya agad kasi nahuli niyang titig na titig ito sa mukha niya. Ni hindi kumurap kahit nang magtama ang mga mata nila. "Bakit hindi ka pa kumakain, sir?"

"Tinitingnan pa lang kita kumain, nabubusog na ako miss Roque."

Tumaas ang kilay ni Arci kasi hindi niya inaasahang makakarinig ng ganoong linya ang boss niyang ubod ng sungit at seryoso kapag nasa loob ng Innovation Media headquarters. "Mas mabubusog ka kung sisimulan mo na kumain, sir."

Kumislap ang amusement sa mga mata ni Gray bago humawak ng chopstick at kumuha ng dumpling. "You are feisty when you're not in the office."

"Ikaw naman madaldal kapag wala sa office," hindi nakatiis na sagot ni Arci. Bakit ba, naka-leave naman siya 'no. Hindi niya ito boss ngayon. At para mawala ang pagkailang niya na katabi niya si Gray, nag focus siya kay Chichi at Demmy. Nakipagkuwentuhan siya habang kumakain.

Nalaman niya na kanina lang din pala dumating sa Taipei ang magkapatid at pagkatapos iwan ang mga gamit sa hotel ay lumabas para kumain. Sabi ni Demmy talagang sinadya raw ng mga ito ang kainan na iyon. Nagtaka si Arci kasi alam niyang afford naman ng mga ito kumain sa mamahaling restaurant pero hindi naman niya maitanong ng derekta.

Mukhang nahulaan ni Demmy ang tumatakbo sa isip niya kasi ngumisi ito at itinuro si Gray. "Hindi mahilig sa mamahaling kainan si kuya. Hindi raw siya nag e-enjoy sa pagkain. Mas gusto niya mag research sa internet ng mga maliliit na kainan na kung hindi mo sasadyain hindi mo mapapansin. Bago kami pumunta ng Taipei may listahan na siya nang gusto niyang puntahan para kainan. Kasama itong Fuda Dumpling sa list niya."

Gulat na napatitig si Arci sa mukha ng lalaki. "That's... surprising. Palagi kang sa fine-dining kumakain kapag may ka-meeting na clients, 'di ba?"

"Kaya ko kumain sa ganoon kung kailangan pero hindi ako nasa-satisfy sa pagkain," paliwanag ni Gray na mukhang naiilang na ito ang sentro ng usapan.

"Kaya nga wala rin siya tumatagal na ka-date. Palagi siyang iniiwan. Kasi akala ng girlfriends niya hindi siya nag e-enjoy na kasama sila. Palagi kasing sa mamahaling restaurant ang date niya with girls," natatawang singit ni Demmy. "Hindi naman niya madala sa mga trip talaga niyang puntahan kasi ewan ko ba diyan kay kuya pero ang hilig niya mag girlfriend ng sosyal at sopistikada. No matter how much I tell him I hate girls like that for him, he just won't listen. Hindi na siya nadala kay –."

"Demmy," malumanay pero seryosong saway ni Gray sa kapatid.

Mukhang nabigla rin si Demmy sa nasabi at mabilis na iniba ang usapan, nirespeto ang gusto ng kuya. "Anyway, palagi ko sinasabi kay kuya at sa friends niya na dapat ang i-date nila, kpop fan. Kung matindi ang passion, love at dedication niya sa idols niya, lalo na siguro kapag nakilala na niya ang lalaking mamahalin niya."

"Oo na. Tama ka na," amused na sagot ni Gray.

Tuluyan na tuloy nawala ang usapan sa mga babaeng dine-date daw nito dati. Hindi na rin nagtanong pa si Arci kahit ang totoo, nasundot na ang curiousity niya. Hindi siya interesado sa buhay ni Gray Delan noon kahit palagi itong topic ng tsismisan sa office. Pero ngayon ang daming tanong na lumulutang sa isip niya. Kating kati siya malaman ang totoo nitong pagkatao. Kaya kahit tungkol sa kpop at sa concert bukas ang usapan, hindi siya masyadong nakapag concentrate. Kasalanan ng lalaking katabi niya sa lamesa.

THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon