Part 21

9.2K 324 20
                                    


MAINGAY AT MASAYA ang naging huling kain nilang apat sa Shilin Market. Muli napag-usapan nila Arci ang concert at kung paanong kahit nakanood sila ay siguradong ise-search pa rin nila online ang fancams para mapanood uli. Pagkatapos napunta ang usapan sa pamamasyal bukas. Katulad pala niya, last day na nina Gray at Demmy bukas sa Taipei. Umaga lang ang flight niya sa isang araw habang ang magkapatid ay sa hapon pa.

Hindi sana ipapaalam ni Arci na mag so-solo lang siya mamasyal bukas. Kaso nabanggit ni Chichi sa magkapatid na hindi nga siya nito masasamahan kasi kailangan nitong magpakita sa school organization nito. Nangulit tuloy si Demmy na sumama na lang siya sa mga ito bukas. Ngumiwi siya at malumanay na tumangi.

"Pero ate, mas masaya kung magkakasama tayo. Sumabay ka na sa amin mamasyal," pangungumbinsi pa rin ng teenager. Pero si Gray, tahimik lang. Nang sulyapan ito ni Arci, napansin niyang matiim na naman ang titig nito sa mukha niya bago nagtagpo ang kanilang mga paningin. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag pero feeling niya sa sandaling iyon, nagkaintindihan sila. Na alam nitong hindi lang siya basta nahihiyang maki-hitch sa kotse ng mga ito. Na may mas malalim na dahilan kung bakit tumatanggi siya sa suggestion ng teenager.

"Demmy," malumanay na saway ni Gray sa kapatid. "She wants to go alone. Hayaan mong gawin ni Arci ang gusto niya."

"Pero kuya –"

"She has her own reasons. Kung gusto niya mamasyal na may kasama, hindi sana siya nagpunta mag-isa rito sa Taipei. Let her do what she really wants to do, okay?"

Natigilan si Demmy, sandaling napatitig kay Gray bago sumulyap sa kaniya. Nginitian niya ito. "Next time, kapag nagkaroon ng chance, mamasyal tayo together, okay? Nasa bucketlist ko lang kasi talaga ang 'travel alone' at gusto ko 'yon malagyan ng check pag-uwi ko sa Pilipinas."

Nalaglag ang mga balikat ni Demmy at kahit halatang nanghihinayang ito ay ngumiti naman. "Sige na nga."

Gumanti siya ng ngiti. "Thank you."

Thirty minutes pa sila nag stay sa Shilin Night Market pagkatapos ng usapan na 'yon bago sila nagdesisyon umuwi. Katulad noong isang gabi, si Chichi muna ang hinatid nila Gray bago si Arci. Bumaba rin siya sa kotse nang bumaba ang nakababatang babae at niyakap ito ng mahigpit.

"Salamat sa pagsama sa akin mula kahapon. Ang saya ko na nakilala kita ng personal, Chichi. Nakakalungkot na hindi na tayo magkikita hanggang sa flight ko sa isang araw pabalik ng Manila." Magiging busy na kasi ito sa school organization nito at part time jobs sa darating na mga araw.

Gumanti ng mahigpit na yakap si Chichi. "Masaya rin ako na nakasama kita, ate. Saka si kuya Gray at Demmy. Nanghihinayang ako na hindi kita masasamahan bukas at hindi mahahatid sa airport kapag uuwi ka na pero mag cha-chat pa rin tayo, lagi ha?"

"Oo naman. Saka kapag nagbakasyon kayo ng pamilya mo sa Pilipinas, magkikita tayo. Okay?"

Kumalas sa yakap niya si Chichi at ngumiti. "Okay. Bye ate Arci."

"Bye," pasinghot na sagot niya kasi hindi pa man nami-miss na niya kasama ang babae.

Nagpaalam na rin ito kina Gray at Demmy bago tumakbo papasok sa dormitory building nito. Saka lang sumakay uli si Arci sa kotse at siya naman ang hinatid ng magkapatid pauwi.

"Paano, dito na ako. Salamat sa two days na pagsasama natin. Sa manila ko na kayo uli makikita," paalam niya sa magkapatid nang huminto sa harap ng hostel niya ang kotse makalipas ang ilang minuto.

THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon