Part 24

8.5K 290 1
                                    

SANDALI lang nakabawi rin agad sa pagkagulat si Gray. Ibinaba nito ang kamay na may hawak na cellphone at malawak na ngumiti. Iyong ngiti ni Gray na gustong gusto niya at kahit ilang araw pa lang ang lumipas mula nang huli niyang makita ay na-miss niya nang husto. Natagpuan tuloy ni Arci ang sarili na gumaganti ng malawak na ngiti. Hindi pinuputol ang eye contact nila na naglakad palapit ang binata.

"What are you doing here? Kasama ba ang pagkakaraoke sa mga hindi mo nagagawa dati na gusto mong gawin ngayong birth month mo?" amused na tanong nito nang makalapit.

Natawa siya at umiling. "Hindi. Naaya ako ng pamangkin ko na lumabas. Saka, dito nagtatrabaho ang kapatid ko. Hihintayin na namin siya para sabay-sabay kami uuwi."

"Kapatid?"

Tumango siya at nilingon si Melissa. Saka lang nakita ni Arci ang pagkamangha sa mukha ng kanyang kapatid habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Gray. Natigilan siya. "Ah. Mel, siya ang boss ko. Si sir Gray. Client ng Innovation Media itong Slade House at kaibigan niya ang..." Sinulyapan niya sina Dominic at Dean na curious na pinapanood lang sila. "boss mo." Tumikhim siya uli at pagkatapos tipid na ngitian ang kapatid ay hinarap niya uli si Gray. "Si Melissa, nag-iisa kong kapatid at mommy ng pamangkin ko na isinama ko rito. Nasa isang room na siya, kumakanta. Pupuntahan ko na."

Umangat ang mga kilay ng binata. "Agad? Ayaw mo na akong kausap?"

"Gusto kaso mag-isa lang ang pamangkin ko ngayon 'don," mabilis na sagot ni Arci bago pa niya ma-realize kung ano ang lumalabas sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata niya at uminit ang mukha kasi nag-echo pa nga ang boses niya sa buong lobby. Rinig na rinig ng kapatid niya at mga kaibigan nito.

Pero nawala ang pagkapahiya niya nang sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi ni Gray. Para bang tuwang tuwa ito sa naging sagot niya. "Fine. Sige na, puntahan mo na ang pamangkin mo. Kailangan ko na rin sunduin si Demmy sa school. Contact her, okay? She misses you. Wala siyang bukambibig sa nakaraang mga araw kung hindi ikaw."

Napangiti si Arci. "Sige. Tatawagan ko siya mamaya."

Ilang segundo pang nakangiti lang sila pareho habang nakatingin sa isa't isa bago ito humakbang paatras. "I have to go now. Enjoy your vacation."

Tumango siya. "Ingat ka."

Ngumiti ito bago tuluyang naglakad palayo sa kaniya. Sinundan niya ito ng tingin kaya nakita niya nang umagapay kay Gray sina Dominic at Dean. Parang may sinasabi ang boss niya kay Dominic kasi ngumisi ang huli at tumango-tango. Pagkatapos tuluyan nang lumabas ang mga ito kaya nawala na sa kanyang paningin.

"Ate." Napakurap si Arci at nilingon si Melissa na nakanganga pa rin at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa kaniya. "Siya ba 'yung boss mo? Iyong may-ari 'nung instagram na fina-follow ni Maja? Iyong mayabang, masungit, bilib sa sarili at masama ang ugali?"

"Oo siya ang boss ko at hindi siya ganiyan ha? Mabait siya at mukha lang siya masungit pero hindi masama ang ugali niya. Grabe ka naman," pagtatanggol ni Arci kay Gray.

Lalong nagmukhang surprised si Melissa. "Ikaw kaya ang nagsabi ng mga 'yon kaya iyon ang alam ko tungkol sa kaniya. Kaya nga gulat na gulat ako na ganoon kayo mag-usap. Kailan pa kayo naging close? Bakit kayo nag fi-flirt sa isa't isa?"

Napanganga si Arci. "H-hindi kami nag fi-flirt! Anong sinasabi mo diyan?"

"Oh my God, ate. Hindi ka aware?" Pagkatapos natigilan si Melissa bago may kumislap na pag-unawa sa mga mata na nagpakaba sa kaniya. Bigla siyang natakot sa sasabihin nito kaya naduduwag na tumikhim siya.

"Pupuntahan ko na si Maja baka naiinip na siya mag-isa. Anong room number niya?"

"Ate –" Nahinto si Melissa kasi may bagong dating na mga customer. Bumuntong hininga na lang tuloy ito at sinabi kung saang room naroon ang pamangkin niya bago bumaling sa mga bagong dating at nakangiting binati ang mga ito. Sinamantala ni Arci ang pagkakataon. Tumalikod na siya at mabilis na naglakad palayo.

KINABUKASAN tinawagan ni Arci si Demmy para mangumusta at naaya siya ng teenager na mag lunch. Wala pala kasing pasok sa school ang babae kapag martes. Kaya maaga siya umalis ng bahay kasi sa tindi ng traffic, lunch time na siya makakarating sa megamall kung saan nila napagdesisyunan na magkita.

Pagdating niya sa coffee shop sa loob ng mall, nandoon na si Demmy. May suot itong earphones, nakatitig sa nakabukas na ipad sa harap nito habang sumisipsip sa hawak na iced coffee. Malapit na si Arci sa lamesa nito nang biglang pigil na tumawa ang teenager kaya muntik na mahirinan sa iniinom. Natawa siya kaya napatingala ito sa kaniya.

"Hi ate!" Tumayo si Demmy at sandali silang nagyakap bago siya umupo sa katapat nitong upuan.

"Anong pinapanood mo?"

Ngumiti ang teenager. "Hindi ako totally nanonood pero nag ii-scan ako ng puwede i-marathon na idol reality shows. May inoorganize po kasi akong event para sa mga ka-close kong fangirls din. I do this once every few months. You know how there are lots of new groups debuting in a year, right? Ayoko na mag focus lang tayo sa sikat na katulad ng ginagawa ng iba. I like to look for the hidden gems. Gusto ko makita ang growth ng isang group mula sa panahong wala pang nakakakilala sa kanila hanggang maging successful sila."

Napangiti si Arci at mabilis na tumango. "Na-ge-gets kita. Ganiyan din ako. Alam mo 'yan kasi sa survival show ako nagsimula maging kpop fan."

Ngumisi si Demmy. "Kaya nga po nagkasundo tayo. Anyway, nabanggit sa akin ni kuya kahapon na nakabakasyon ka pa rin ngayong week na 'to kaya naisip ko na imbitahan ka rin. It's going to be fun, ate."

Natigilan si Arci. "Nabanggit niya ako?"

"Yes. Palagi naman. Hindi pa tayo umaalis ng Taipei, bukambibig ka na niya. I'm sure napansin mo na pero mukha lang tahimik at suplado si kuya pero madaldal 'yon at palangiti kapag close na siya sa tao. Iyon lang, konti lang ang taong nakakakuha ng interes niya kaya masungit pa rin siya sa general human population," natatawang sagot ni Demmy.

"Anyway, look ate. Here is the list of underrated and rookie groups na gusto ko i-check para sa marathon. Bukas 'to ng gabi ha? Overnight. Tapos Thursday morning na ang uwi natin."

Hinarap nito sa kaniya ang screen ng ipad, nag gush na tungkol sa mga rookie groups na may reality shows na gusto nitong panoorin nila. Interesado siya sa plano nito at pumayag na sumali sa overnight reality show marathon nito bukas ng gabi. Pero sa likod ng isip ni Arci, nag e-echo pa rin ang mga sinabi nitong bukambibig siya ni Gray. Bakit ang saya-saya niya nang marinig iyon? Siguro kasi sa loob ng isip niya, palagi rin niya binabanggit ang pangalan nito.

THE LATE BLOOMER (book version now available in bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon