Kabanata 2

226 7 0
                                    

Kabanata 2:

Joshua's POV:

Saturday...

Nauna akong nakarating dito sa classroom. Maaga aga pa naman. Naupo ako habang naghihintay. Masyado akong nae-excite para sa bonding naming ito. Sa sobrang aga ko, ay nakatulog ako. Na gising lamang ako ng may tumawag ng pangalan ko.

"Joshua"

Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong nakita. "SINO KA!?" ngunit tanging halakhak lamang nya ang aking narinig.

"Hindi mo gugustuhing malaman kung sino ako. Di ako magpapakilala, unless makita pa kita hanggang dulo."

"JOSHUA! Joshua! Gumising ka!!" agad akong napatayo sa gulat ng marinig ang tawag ni Camille.

Panaginip lamang ba yun?

"Hoy Joshua! Anong nangyayari sayo? Kanina ka pa pinagpapawisan at sigaw ng sigaw dito parang tanga." sambit ni Camille kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"W-wala. Kumpleto na ba tayo?" tanong ko.

"Yeah. Andyan na din yung bus, buti nga gumising ka na. Kundi, iiwan ka namin." aniya ni May.

"Wag kang pabibo. Wala ka nung nagplano kami. Mas maganda kung maiiwan ka dito. Walang hiya. Tss" agad na sagot ni Camille na nagpatikom naman sa bibig ni May.

"Hepp!! So, ayun guys! Andun si Bea sa pintuan ng bus. Give her your weaver. Let's enjoy this week!!" masayang sambit ni Carla.

Nagsimula na silang pumila at nagbigay ng mga weaver kay Bea. Huli kaming pumasok para masigurado.

"Lahat ba nandyan?" tanong ni Camille.

"Yes. You don't have to worry, miss Vp" agad na biro ni Bea.

"Whatever" umakyat sya at agad naman kaming nakipagsunuran sakanya. "So, hi guys. Let's enjoy this trip and let's enjoy the view. Be alert." anunsyo nito at umupo sa tabi ni Carla na malapit sa bintana.

"oyyy!! Charlotte ano yaaan!!" biro ko kay Charlotte habang naghaharutan sila ni Johnrey.

"Oyyyy!! Bawal yaaaaan!" sigaw naming lahat. Nakita ko kung paano namula ang mga pisnge ni Charlotte.

Agad namang umandar ang sasakyan. Wala akong ibang tinuunan ng pansin kundi ang daan.

CARLA'S POV:

Tahimik ang lahat habang tinatahak namin ang daan. Itong katabi ko naman ay busy sa kanyang selpon.

"Camille" tawag ko sakanya na kanyang ikinalingon habang nakakunot ang noo.

"Excited ka ba?" nakangiting aniya ko.

"Oo naman. Ang tagal kaya natin nitong plinano." nakangiting sagot nito.

"Kyaaaah!! Oo nga! I can't waiiiit!" sigaw ko. "Kaneeee!!!"

"Poooooo?" sagot naman agad ni Kane.

"Swimming agaaaad tayo dun!!" sigaw ko sakanya.

"waaaah! Aym su exciteeed"

Natahimik naman na agad kami at pinagtuunan ko agad ang daan. Ilang oras na ang byahe namin at maghahapon na din. Biglang tumayo si Joshua

"Welcome to our vacation house. Medyo liblib sya hindi ba? Wooh. You know, scaryyyy haha. Joke. Medyo wala din tayong signal dito. Walang sense ang phone para sa data. So, took pictures as you can. Then, post it when we got home. Clear?" aniya nito.

"Yes!!"

"Kunin nyo na ang lahat ng gamit nyo at pumunta na tayo sa bahay na pag i-stay-in natin." sagot ni Joshua.

Agad naman kaming sumunod at bumaba sa bus. Agad kaming namangha sa bahay na nasa harapan namin ngayon.

"Wow!" sabi ko habang nakatingin pa din sa bahay.

"Hey. Wag kang ngumanga baka mamaya mapasukan ka ng langaw nyan." tinaasan ko naman agad ng kilay si Marcelo.

Papansin.

Pumasok kami sa loob at mas lalong namangha.

"There's only 6 rooms.  3 rooms sa left for boys and three rooms for the girls on the right. First room for boys are the grade three's. You know who you are. Second room is for the siga boys. Third, are for the left boys." mahabang anunsyo ni Camille na agad naming sinunod ng mga boys.

"For girls. First room Kyla, Murel, Mylin, Krisha, Nympha, Kimberly, May and Joy. Second room, Jilyn, Lynn, Shela, Van, Krisel, and Jane. For the last room, Carla, Kane, Bea, Stepanie, Charlotte and I.  Go to your rooms now. There's only one bathroom on each room. Enjoy. We will call you if the dinner is ready. Boys ang magluluto HAHA" anunsyo ulit nito.

Agad naman kaming pumasok sa kwarto namin.

"Grabe!! Ang ganda dito!" sambit ni Bea. Na agad namang lumabas sa veranda.

"Hindi ko alam na ganto 'to kalaki." sambit ko.

"Si Joshua walang sabi sabi e HAAHAHA. Gustong gusto nya ng surprise." agad na sabi ni Kane

"Wow. Ang ganda. Tignan nyo yung mga kabinet. Ang lambot pa ng kama at unan. Woww!" ignoranteng sabi ni Charlotte. Agad naman kaming natawa sa ka-ignorantehang taglay nya.

"Ayusin na natin ang mga gamit natin. At bumaba na tayo. Katukin natin sina Joshua sa kwarto nila para ilibot tayo!" sabi ko.

Agad naman kaming nagsipagkilusan. Nagbihis na din kami.

"Parang ayaw kong tantanan kakahiga dito sa kama! Ang lambot lambot talaga!" sabi pa ni Charlotte habang niyayakap yakap at gumugulong gulong sa kama nya.

"Tigilan mo yang kaignorantehan mo at katukin na natin sila Joshua." sambit ni Camille kaya agad namang napabangon si Charlotte at nagsilabasan kami sa kwarto namin.

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now