Kabanata 14

107 1 0
                                    

Kabanata 14:

JOSHUA'S POV:

"Hi.." nakangising sambit ng babaeng nasa harapan namin. Walang bumati pabalik sakanya at wala ni isang gumalaw.

Kitabg kita ko naman na tumakbo si Kimberly at ganun na lang kabilis na pumana ng babaeng ito at natamaan ng pana nya sa likod si Kim.

"Wag nyo nang tangkain na lapitan sya. Dahil ang bawat pana nito ay may kasamang lason which means patay na agad kung sino man ang matatamaan." nakangising ngunit sinserong sabi nito.

Agad namang nagtaasan ang mga balahibo ko.

"Hi Jilyn. Remember me?" nakangiting sambit nito at tinitignan ang kabuuan ni Jilyn na halos mahimatay na sa takot. Kitang kita ko naman ang galit sa mga mata ng babaeng ito.

"A-akala ko kaibigan ka namin?" nauutal kong sambit dito.

"Oo nga. Bakit may nabawas ba sa tropa natin? Wala naman di ba?" nakakalokong sagot nito. "Oh, Jilyn. Bakit nanginginig ka na dyan? Ayaw mo bang sumunod sa mga kaibigan mo? Happy happy na pag nakita ka nila sa impyerno. Kita na lang tayo dun! byeee" matamis na sambit nito at isang kurap namin ay nakita na naming nakahilata na si Jilyn sa sahig.

Agad namang nagsipaglakasan ang iyak ng mga babae.

"Hi Josh.." nakangiting sambit nito. "Maaari na kayong umuwi. Tapos na." naluluhang dagdag nya.

"P-pero bakit?" sambit ni Kane.

"Naghihiganti ako. Sa ginawa nila sa pamilya ko at sa akin. Yung iba naman ay sagabal sa plano ko kaya nadamay sila." seryosong sagot nito.

"Bakit ka naghihiganti?" sabi ni Bea.

"Sila Van. Kung hindi dahil sakanila buo pa kami! Kung hindi inagaw ng nanay nila ang tatay ko hindi ako aabot sa ganito. Kitang kita nila Van kung paanong nagmakaawa kami sa kanila upang manatili sa buhay namin si daddy pero wala. Ni kahit pigilan man lang nila ang nanay nila hindi nila nagawa. Pinatapon kami sa labas at basang basa na umuwi. Dahil sa pagkawala ng tatay ko sa buhay namin pumasok sa masamang paraan si mama. Hanggang sa umabot na nagkahulian. Napatay nila si mama. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako at kung saan saan napadpad. Lumapit ako kila Johnrey ngunit tinanggihan nila ako. Nagmakaawa ako kahit isang pagkain hindi nila ako binigyan. Napunta ako sa isang ampunan at doon tumira. May isang mabait at mayamang pamilya ang kumupkop sa akin at itinuring nila akong anak. Pumasok ako sa eskuwelahan natin. Alam nating nalalamangan ko si Nicole. Dahil sa sobrang inggit at selos ni Nicole ay inutusan nila sila Jayson. G-ginahasa nila ako... Hindi ko alam ang gagawin sa sobrang galit ko ay sa ganito napunta ang lahat. Grade 3 squad. Hindi naman sila kasali ngunit dahil malapit sila sainyo ay sinama ko sila para naman makaramdam kayo kahit minsang takot at kaba. Kahit na wala akong intensyong patayin kayo." umiiyak na sambit nito. "Lahat ay plinano ko. Nung time na nagpakamatay si Jane ay lumabas ako hindi ba? Doon ko na sinimulan ang plano ko. Ako ang pumatay sa driver at ako din ang nagbutas sa mga gulong ng sasakyan." dugtong nito.

"Y-yung sa pool? Ikaw din? Ang galing mong aktres!" sarkastikong sambit ni Stepanie.

"Oo. Sa lahat ako ang pumatay. Nakiki iyak lang ako upang hindi ninyo ang mahalata. LAHAT AY PLANADO."

"Paano namin maipapaliwanag ang lahat na nangyari sa mga magulang ng pinatay MO?" sambit ni Carla.

"Hindi na kailangan. Ipapadala ko lahat ng bangkay nila sa sari-sarili nilang bahay. Tatawagan ko din ang driver namin upang ihatid kayo sa mga bahay ninyo. Sana magkita pa tayo. Kaibigan ko talaga kayo kaya hindi ko magawang mapatay kayo."

Sinimulan na nitong makipagusap sa driver nya. Lahat naman ay tahimik at nanatiling umiiyak ang mga babae.

"Padating na sya. Maghintay na lamang kayo." akmang aalis na sana sya.

"Camille.."

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now