Kabanata 4

131 4 0
                                    

Kabanata 4:

BEA'S POV:

Gabing gabi na pero na nandito pa din kami sa sala. Hinihintay ng lahat ang pagbalik ni Camille.

"Guys, tignan nyo. May letter" sabi ni Joshua kaya agad naman kaming nagsipaglapitan sakanya.

Kinuha ni Joshua ang letter at sinimulang basahin ito.

"Hi guys, walang pumatay sakin baka yun ang isipin nyo. Matagal na akong may kinikimkim na galit dito sa puso ko. Family problem, school problem and health problem. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kaya mas mabuting tapusin ko na lamang ang buhay ko. Masaya ako kasi nakasama ko pa kayo kahit na last na na buhay ko ito. Masaya akong naging parte ng section na ito. Paalam."

Naiyak kami. Sa buong akala namin ay namatay sya. Nagpatiwakal sya dahil sa mga problema nya. Walang nakinig sakanya tungkol dito.

Pasensya ka na, Jane. Alam naming masaya ka na kung nasaan ka.

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwal nito si Camille na basang basa at hingal na hingal.

"Kuhanan nyo sya ng tuwalya" sabi ni Joshua. Kumuha naman si Kane ng tuwalya at binigay ito kay Camille.

"What happened?" tanong ko. Pinainom sya ng tubig bago sumagot.

"Bad news. Butas ang lahat na gulong. At ang malala pa... Patay ang driver.." umiiyak na sabi ni Camille.

"Camille, hindi pinatay si Jane. Nagpakamatay sya." agad na balita ni Carla sakanya.

"Buhatin na lamang natin si Jane at ilibing." sabi ni Joshua.

Binuhat ng mga lalaki ang katawan ni Jane at inilibing ito sa ginawa nilang hukay. Lahat ay umiiyak sa sinapit ng dalaga.

"Pumasok na tayo sa loob. Nandito tayo para magsaya. Alam kong masaya na din si Jane kung nasaan man sya." sabi ni Camille. Agad naman kaming nagsipasukan at dumeretso sa sari-sarili naming kwarto.

"Hindi ko aakalaing hahantong sa ganito ang buhay ni Jane." malungkot na aniya ni Carla.

Hinding hindi namin inakala.

"Maglinis na kayo ng katawan nyo at matulog na tayo. Madami pa tayong gagawin bukas." pampalakas ng loob samin ni Camille.

SOMEONE'S POV:

Nakakalungkot naman ang sinapit ni Jane. Di pa ako nagsisimula pero sumuko na sya.

Tsk tsk tsk.

Pero mas mabuti na ding tinapos na nya ang buhay nya. Dahil hindi nya magugustuhan pag saking kamay sya namatay.

Tatlong araw.. Tatlong araw ang ibibigay ko upang magsaya kayo. May dalawang araw pa.

UMAGA

"Anong binabalak mong gawin sa amin?" kabadong tanong ni Carla habang tumitingin sa kutsilyong hawak ko.

"Matitira ka. Kung hindi ka magsasalita. Pero sa oras na may pagsabihan ka. Uunahin na kita. At subukan mong sumigaw, tatama agad sayo itong hawak ko." matapang na sagot dito. Nakita ko kung paano sya pinagpawisan at lumunok pa ng ilang beses.

"B-bakit mo ginagawa 'to?" tanong nya muli.

"Malalaman mo ang lahat pag hindi ka nagsalita. Dalawang araw pa ang palugit ko upang magsaya kayo. Pero pag nagsalita ka, kahit wala pang dalawang araw. Mamamatay ka na." sagot ko dito.

JOSHUA'S POV:

"Joshuaaaa!" malakas na sigaw sa akin ni Camille. Tumingin ako dito. "Yayain mo silang magswimming!" masayang aniya nito.

Agad naman akong nagsipaglapitan sa mga kasama namin. "Guys, go get your swimsuits. Lets have a pool party!!" sigaw ko sakanila. Agad na sumilaw ang magagandang ngiti nila at nagunahan sa pagpunta sa kanilang kwarto upang kunin ang swimsuits nila.

Lumapit sa akin si Camille at nginitian ako. "Sabi sayo magiging masaya sila e." iniwan nya ako.

Lahat ay nagsasaya sa pool. May drinks din. Tirik na tirik ang araw pero masayang lumangoy. Naglalakasan ang speaker.

"Woooohohhh!!" sigaw ni Jayme at tumalon ito sa pool.

Nakaupo kami ni Johnrey dito sa gilid ng pool habang nakatingin sa mga nagsasayang tao.

"Josh, yung sinabi ni Camille kagabi. Paano tayo makakaalis?" tanong nito sakin. Nawala na pala sa isip ko tungkol dito.

"1 week ang sinabi natin sa mga magulang natin. Panigurado pag hindi pa tayo makakauwi ay nandito na sila. Yun na lamang ang paraan natin upang makaalis dito." sagot ko.

"Hindi mo ba alam ang daan palabas?" tanong nito. Napatungo ako at umiling.

"Hindi ko alam."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"Sana lang. Hayaan mo na nga. Magsaya na lang tayo." masayang sabi nya sakin. At pinag cheers ang mga baso namin.

"WAAAAAH!!" sigaw ng lahat.

SOMEONE'S POV:

Nandito kami ngayon sa pool. Kitang kita  sakanila na masasaya sila.

Sumisid ako at kinuha ang kutsilyo sa gilid ko. Agad akong nagtungo kung saan nakatayo si Jayme. Hinila ko ito pababa at kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata nito.

Hinila ko ang buhok nya at pinagsasaksak ang ulo nya. Hindi lang isa kundi sampu. Binuka ko ang bunganga nito at pinutol ang dila nito.

Umahon ako at muling sinaksak ang ulo nito. Walang nakakita sa ginawa ko. Sumisid ako at lumayo kung saan lumilitaw ang katawan ni Jayme.

"G-guys!! Tignan nyo! D-dugo!" sigaw ko at nagsimula ng umahon sa tubig. Agad naman silang sumunod at umiyak habang tinitignan ang katawan ni Jayme. Napangisi ako ng palihim.

Nakita ko naman kung paano akong sinamaan ng tingin ni Carla. Mas sinamaan ko sya ng tingin at tumungo ito at umiyak.

Palatastas pa lamang iyan. Hindi pa nagsisimula ang lahat.

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now