Epilogue

183 6 0
                                    

Epilogue:

CARLA'S POV:

A few year later...

"Oy! Gumaganda tayo Carla ah?" sambit ni Kane sa akin.

Nandito kami sa resort nila upang magreunion ng nga natitirang nabuhay.

"Alam mo na. May pera kaya may pampaganda! HAHAHA" natawa naman kaming parehas.

Ilang taon na din ang nakalilipas ng mangyari ang patayan sa vacation house nila Joshua. Ipinasara na ito. Lumipad namn sa America si Camille at wala na kaming balita tungkol dito.

"Wala pa ba sila?" sambit ko habang tinutulungan si Kane na magprepare.

"Alam mo naman ang filipino time HAHAHA." tatawang sambit nito.

*ding dong ding dong*

Tunog ng doorbell nila Kane. "Ako na magbubukas." sambit ko at lumapit sa gate nito. Agad naman akong niyakap ni Bea at kinawayan ni Joshua.

"I miss you!!" sambit ni Bea.

"I miss you all! Pasok na nandun si Kane naghahanda." sabi ko. Lumapit naman ako kila Joshua upang makipag beso.

Lumapit kami kung saan nandun si Kane na naghihintay. Nagkamustahan ang lahat.

"Grabe talaga yung naranasan natin nun no." sambit ni Stepanie habang umiinom

"Hindi ko expected na magagawa yun ni Camille. I mean, she's too innocent." sambit ni Kane.

"Vengeance can lead you to kill." seryosong sambit ni Joshua.

"Sabagay. May mga bagay syang pinaghihiganti. Napakahirap ng buhay nya bago nya nagawa yun. Tsk." sambit ni Bea.

*ding dong ding dong*

Lahat ay nagulat ng may magdoorbell.

"Ako na magbubukas." nakangiting sambit ni Kane.

Naglakad ito papalapit sa gate at ganun na lang tuwa at saya ng mukha kung sino ang nakita nito.

"Akala ko hindi ka makakapunta! Tara pasok!" sambit ni Kane.

Lahat naman ay nagulat ng makita kung sino ang babaeng nasa harapan namin.

Malaki ang pinagbago ng katawan at itsura nya. Halata sa pustora nya na belong sya sa mga mayayaman. Nakangiti nya kaming tinignan.

"Hi guys." nakangiting sambit nito.

"Camille..." sambit ko. Agad naman akong lumapit dito at yumakap ng mahigpit.

"Carla. Kumusta na?" tanong nito ng maghiwalay kami.

"Ito hindi makapaniwalang kaharap ka ngayon! Kane bat di mo sinabi sa amin!" sigaw ko kay Kane.

"HAHA. Surprise alam mo yun? Nagkita kami last week sa America. Hindi din ako makapaniwalang ganyan kalaki ang pagbabago nya. Eh sa uuwi din naman pala sya dito sa Pilipinas ininvite ko na sya." nakangiting sambit ni Kane.

Agad namang lumapit si Bea kay Camille at niyakap din ito.

"Galing America... Walang pasalubong..." parinig na sambit ni Bea.

"Meron kaya. Ito oh. Tigiisa kayo." nakangiting sambit ni Camille ng ilabas ang mga regalo namin galing sakanya.

"Mamaya na namin yan bubuksan! Kumusta ang buhay sa America?" tanong ni Charlotte dito.

"Ayun. Kailangan talaga gumagalaw ka lagi. Dahil kung hindi mo gagawin ang mga naka assign sayo ay matatanggal ka. Walang oras ng selebrasyon don. Lahat ay busy at seryoso sa buhay."

Ilang oras din kaming nagkuwentuhan. Ginabi na kami ng magkayayaang umuwi.

"Sorry guys for all. Sana magkita kita pa tayo."

THE END.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now