Kabanata 6

130 3 0
                                    

Kabanata 6:

VAN'S POV:

"Bilisan nyo!" sigaw samin ni Shela. Nandito kami sa kalagitnaan ng gubat. Hindi namin alam kung saan kami pupunta.

Gusto lang namin makatakas.

Lahat ay natigilan ng biglang may nagpaputok ng baril sa lahat sa amin. Natamaan sa paa si Lynn.

"Where do you think you're going? Sa tingin nyo makakaalis kayo ng buhay dito?" tanong nito sa akin.

"A-anong bang kailangan mo?" kabadong tanong ko sakanya. Nakita kong ikinasa nya ang kanyang baril at itinutok ito sa ulo ni Shela kita ko naman kung paanong natigilan ito.

*bang!*

Tunog ng malakas na pagbaril nya. Binaril nya sa ulo si Shela at binaril nya din ako sa paa.

"Alam mo, Van. Buhay kapalit ng buhay. Dahil sainyo, nasira pamilya ko. Dahil sa nanay mo iniwan ng tatay ko ang nanay ko." matigas na sabi nya habang hawak hawak ang panga ko. Nakita ko kung paanong nangilid ang luha nya.

"Pero w-wala naman kaming alam.." sabi ni Lynn.

"Wala? Nandun kayo. Hindi nyo man lang silang pinigilan. KAYA DAPAT SAINYO MAMATAY!" sigaw nya sa amin at pinutok ang baril sa bunganga ni Lynn. Nakita ko kung paanong tumulo ang dugo sa bibig nito.

"Lyn!! No! Wake up!!" sigaw ko habang niyuyog-yug sya. Sinamaan ko ng tingin ang taong nasa harapan namin. Nagulat ako ng nakatapat na sa akin ang baril na hawak nya. "Walang kang puso! Animal!" malakas na sigaw ko dito.

"Kung animal ako anong tawag sainyo? Demonyo? May puso ako pero wala kang kwenta. Hindi na mabubuo ang pader dito sa puso ko dahil sa ginawa ng nanay mo. Hayaan mo pagkapatay mo ipapadala namin sa magulang mo ang patay na bangkay mo." mahabang sambit nito at tuluyan na ngang pinutok ang baril sa ulo ko.

SOMEONE'S POV:

Tinignan ko ang paligid at nakita kong nasa loob ang lahat. Panay takot at kaba ang lahat. Hinila ko ang bangkay ng tatlong magkakaibigan at nilagay sa tapat ng pintuan.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan at tumakbo papalayo. Nagtago ako sa mamalaking puno.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Jilyn habang nakatingin sa tatlong kaibigan nya.

Poor you, Jilyn.

STEPANIE'S POV:

Hindi ako makapaniwala sa nakita naming bangkay ng tatlo sa harapan ng pinto ngayon.

"P-patayan na ba?" tanong ko sakanila.

"Tanga ka talaga! Malamang! Sana sa susunod ikaw ang mamatay!" malakas na sigaw sakin ni Joy.

"Ikaw! Bakit mo pinagsasalitaan ng ganyan si Step!? HA?! Sabihin mo nga! Nasaan ka kanina!? Nasaan ka?! Baka ikaw ang lahat ng may gawa nito! Anong gusto mo!" malakas na sigaw ni Kane dito at akmang lalapitan ng may umawat sa kanila.

"Bakit ako? Ako ba dapat ang sisihin!?" galit na tanong ni Joy.

"Oo! KAYA SIGURO GANYAN KA MAGALIT AT HUMARANG SA MGA DINADAANAN NAMIN DAHIL IKAW! IKAW MISMO ANG PUMAPATAY!" malakas na sigaw ni Kane na mahahalata mo din ang galit. Umiiyak na halos ang lahat na nandito dahil sa takot at kaba.

"ANO BA! WALANG MAGAGAWA ANG GALIT NYO AT AWAY NYO! TUMIGIL NA KAYO!" galit na galit na sigaw sakanila ni Joshua na ikinatahimik ng dalawa. Agad umakyat sa taas si Joy habang umiiyak naman si Kane.

"Walang mangyayari kung magaaway away tayo. Dapat nga ay nagkakasundo sundo tayo. Wake up guys. Di na tayo mga bata." sabi ni Kimberly.

Tama sya.

"Nagsisimula na talaga sya. Wala syang ititira sa atin. Malaking kasalanan na talaga ang nagawa natin sakanya..." tulalang sambit ni Carla.

"Sino?" tanong ng lahat sakanya.

"H-hindi ko pwedeng sabihin. Sorry." umiiyak na sabi ni Carla.

SOMEONE'S POV:

Nandito sila Murel, Mylin, Krisel, at Krisha sa basement. Madilim ang paligid. Dumadaan lamang ako sa madilim na parte upang hindi ako makita. Unang nilapitan ko ay si Mylin.

"Murel? Ikaw ba yan?" tanong nya ng hawakan ko ang leeg nya. At pinugutan ko sya ng ulo.

"Ha? Nandito ako." sambit ni Murel. Sumunod naman ako sa tabi ni Murel at binali ang leeg nito. Ibinaon ko ang kutsilyo ko sa dalawang mata nya.

"Murel? Mylin?" tawag ni Krisha sa dalawa. Ngunit walang sumagot. Pumunta naman ako sa tabi nito at hinawakan ang ulo at inuntog sa tuhod ko. Pinutol ko ang tenga nitong dalawa habang ang dalawang mata nya ay tinanggal ko. Pinugutan ko din ito ng ulo.

"K-krisha? M-murel?" takot na takot na sambit ni Krisel.

"Wala na sila. At ikaw na ang susunod." sambit ko at kinuha nya at inuntog sa pader ng ilang beses hanggang sa nakita ko na ang dugo mula sa kanyang ulo. Sumigaw ito ng sumigaw. Ibinaon ko ang kutsilyong hawak ko sa kanyang bibig. At lumabas ako sa bintana ng maramdaman kong papasok na ang lahat.

JOY'S POV:

May kung anong ingay akong narinig na galing sa basement. Lahat kami ay patakbong pinuntahan ito. Binuksan ko ang pintuan at tumambad samin ang madilim at mabahong basement.

Binuksan namin ang ilaw at ganun na lang ang pandidiri namin sa nagkalat na dugo ng mga kasamahan namin. Kitang kita namin ang naputol na ulo nila Krisha at Mylin sa sahig. Kitang kita rin namin kung paanong binaon ang kutsilyo sa dalawang mata ni Murel. At ang isang kutsilyong nakabaon sa bibig ni Krisel.

"Walang puso ang gumawa nito.." sambit ko at sinimulang lapitan sila Murel at umiyak.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sila na lang ang natitira sakin pero nawala pa sila. Tumingin ako sa paligid na animo'y nandito pa din ang gumawa nito.

"LUMABAS KA! ALAM KONG NANDYAN KA PA! ANONG KAILANGAN MO! SABIHIN MO SAMIN!!" sigaw ko at napaupo ng tuluyan at umiyak ng umiyak. Nakita ko ang lahat ng kasama namin na pulang pula na ang mata.

Lumapit sa akin si Kyla na umiiyak din at inalo ako. "Tahan na.." sambit nito sa akin at niyakap ako.

"Wala syang puso.. Wala.. Pinatay nya sila Murel. Sila na lang k-kasi e." utal utal kong sambit at umiyak na ng umiyak sa balikat ni Kyla.

"Nandito pa naman ako. Hindi kita i-iiwan." nahihirapang sambit din ni Kyla sa akin.

Sana hindi ka din nya kunin.. Hindi ko na kakayanin pa..

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now