Kabanata 3

165 5 0
                                    

Kabanata 3:

JOHNREY'S POV:

*knock knock knock*

Tatlong beses na may kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang pinakamamahal kong babae sa balat ng lupa.

"Hi baby!" tawag ko kay Charlotte at inakbayan ito. Nakita ko ang pamumula nya kaya hinampas nya ako.

"Maaga pa para sa honeymoon, guys HAHAHAHA" biro ni Camille na ikinatawa naman ng mga tao sa loob ng kwarto at kaibigan namin.

"Don't worry mamaya pa naman yun. Kilig kilig muna ngayon" sabi ko kaya naman nakatanggap ako ng sapak sa braso galing kay Charlotte.

"Walangya ka! Hmp" sabi ni Charlotte na ikinatawa ko naman.

"Hey baby, sorry. Joke time ngayon alam mo yun?" tatawang tawa ko sakanya kaya naman sumama ang tingin nito sakin. "I love you, baby."

"I love you too."

"Joshua!!!!!!!! Bilisan mo dyan!!! Ano ba kasing ginagawa mo dyan!!" malakas na sigaw ni Camille.

Mala speaker e.

"Problema mo?" agad na bungad sakanya ni Joshua.

Bagong ligo.

"Libooooot mo kami dito!" agad na sagot ni Charlotte. Napatingin naman ako sakanya.

Tsk tsk.

"Para lumabas na naman ang kaignorantehan nyan." sabi ni Camille na itinuro naman si Charlotte. Ngumuso naman ang baby ko

Cuteeee

"Hahaha. Teka lang." aniya ni Joshua na agad namang nagayos ng gamit nya. "Tara na!" agad namang lumabas si Joshua at sumunod naman kami agad. Katabi nya si Camille. Habang nasa likod naman si Carla, Kane, Bea. At kami ni baby ang nasa likod.

Pumunta kami sa baba at kung titignan ang papasukin namin ito ang hapagkainan.

"Dito tayo kakain. Andun ang kusina. Dun naman ang cr sa bandang kaliwa." anunsyo ni Joshua. Agad naman akong napatingin kay Charlotte na naglilibot ang mga mata na halatang namamangha.

"Wow." agad na sambit nito at tuluyan ng bumagsak ang tingin nito sakin. Napaismid naman ito at umiwas ng tingin sakin.

Naglakad lakad ulit kami hanggang sa matunton namin ang likod na bahagi ng bahay. At tumambad sa amin ang pagkalawak lawak na pool.

Agad na tumakbo si Charlotte sa gilid ng pool at pinaglaruan ng kanyang kamay ang tubig dito.

"Ang lamig!! Ang lawak my ghad!" at nilarolaro lamang nya ang kamay dito.

"There she goes again" tatawa tawang sambit ni Camille.

Lumapit ako kay Charlotte at umupo sa tabi nya.

KANE'S POV:

Kitang kita namin kung paanong na nagiging sweet ang dalawa sa isa't isa. Halatang mahal na mahal din nila ang isa't isa.

"Mukhang date ata pinunta ng dalawang yan dito e." sabi ni Carla habang nakatingin sa dalawa. Oo nga, sila lang nageenjoy.

"I have a plan guys" sabi ni Joshua na nakangisi. Nagkatinginan kami na animo'y naguusap usap kami gamit ang mga tingin. Napangisi kami ng sabay sabay.

"One."

Lumapit si Camille sa dalawa pero mukhang di nila napansin ang presensya nito.

"Three!!"

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now