Kabanata 7

115 3 0
                                    

Kabanata 7:

KYLA'S POV:

"Maligo ka na Joy dyan ka na lang sa CR dun ako sa may cr sa kusina. Babalik ako." sabi ko kay Joy. Dahil punong puno kami ng dugo dahil sa mga bangkay na aming inilabas. Papalabas na sana ako ng bigla akong pigilan ni Joy.

"Kyla.. Hintayin mo na lang akong matapos.. Please.." pagmamakaawa nya.

"Mabilis lang ako. Promise. Babalik. Kakausapin ko din pagkatapos ko sina Joshua. Maligo ka na. I-lock mo ang pinto, kakatok ako ng apat na beses para hudyat mo itong bubuksan. Okay?" malumanay na sambit ko sakanya. Masyado na syangna trauma sa nangyari. Nakita ko namang tumango ito kaya lumabas na ako. Sinarado nya ang pinto.

Bumaba ako at wala akong nakitang tao sa baba. Binuhay ko ang ilaw sa kusina at dumeretso na lamang sa cr. Malawak ang cr dito. May salamin din.

SOMEONE'S POV:

Nakita ko ang pagpasok ni Kyla sa CR. Walang tao sa paligid maliban sa aming dalawa. Kinuha ko ang timba ng palaka. Pumasok ako ng dahan dahan sa loob ng CR at pinatay ang ilaw. Ibinuhos ko dito ang mga palaka.

"J-joy?" sambit nito. Sinabunutan ko sya at agad na sinaksak ang lalamunan nya.

Kitang kita ko kung paanong nanlaki ang mata nya ng makita nya ako. Hinila ko ang ulo nya at inuntog sa sink ng lababo ng paulit ulit. Hinawakan ko ang bunganga nya at pilit na pinapanganga ito hanggang sa mapunit ang mukha nya. Hiniga ko sya sa bath tub at kinuhaang kutsilyo ko. Binutas ko ang tyan nito at doon ko sinimulang ilabas lahat ng laman loob nya. Kinuha ko ang palaka at ipinasok ito sa tyan nya at sa bunganga nya. Nilagay ko din ang isang timba ng palaka sa bath tub. Kitang kita ko kung paanong nahahaluan ng palaka ang dugo nya. Ikinalat ko sa buong banyo ang laman loob nya. Linisan ko ang lugar na iyon ka agad.

Iilan na lang kayo. Malapit na. Malapit na malapit na.

JOY'S POV:

Ilang oras na din akong naghihintay sa pagbabalik ni Kyla. Wala akong kasama dito sa kwarto dahil sila Nympha ay nandun sa kwarto nila Jilyn.

*knock knock knock knock*

Apat na beses na may kumatok at hudyat na ayan na si Kyla. Pagkabukas ko ng pintuan at tumambad sa akin ang madilim na pasilyo. Agad naman akong kinabahan.

May takot na ata ako sa dilim.

"Kyla? Wag mo akong pinaglalaruan." sabi ko at tumalikod. Hahayaan ko na lang na bukas ang pinto.

Agad naman itong sumara at napatingin ako dito. Agad na tumama sa tyan ko ang kutsilyong hinagis ng taong nasa harapan ko ngayon. Agad na lumabas ang dugo sa bibig ko.

"B-bakit?" pinipilit ko pa ding magsalita kahit na nahihirapan na ako.

"Nakakatamad ng sagutin ang mga tanong nyo. Nakakainis na. Nakakairita." sabi nito. Agad naman syang lumalapit sa akin at umaatras atras ako. Hanggang maabot ko na ang veranda. Isang maling kilos ko na lang ay mahuhulog na ako.

"T-tatalon ako dito. W-wag kang lalapit" pananakot ko sakanya. Ngunit agad na gumuhit sa mukha nya ang ngisi.

"Go on. On a count of three mahuhulog ka." sambit nya at tinitigan nya lamang ako habang nilalaro ang kutsilyo sa kamay nya.

"one.."

Simulang bilang nya. Agad kong tinignan ang posible kong bagsakan. Mababaw lang ito.

"Two..."

Lilingon na sana ako ng maramdaman kong tumarak ang kutsilyo sa aking noo na kanina lamang ay pinaglalaruan nya.

"Three. Head shot."

Huling salitang narinig ko at tuluyan ng nahulog sa ikalawang palapag ng bahay.

NYMPHA'S POV:

"Kim! Samahan mo na kasi ako sa CR sa baba!" tawag ko kay Kimberly dahil ihing ihi na ako.

"Uunahin mo talaga yang pantog mo e. Tara na nga!!" sabi nya at nanguna sa daan. Ganun na lang ang gulat namin na madilim ang pasilyo na dadaanan namin. Kaya agad kaming pumunta sa malapit na switch at binuhay ito.

Bumaba kaming dalawa at ganun na lang ang pagtataka namin ng makita namin na buhay angilaw sa kusina.

"Di ba pinatay natin yan?" tanong sakin ni Kim. Agad naman kaming nagtungo sa CR. At ganun na lang ang pandidiri at gulat namin ng buksan namin ito.

Tumambad sa amin ang mga nagkalat na dugo at palaka sa CR. Lumapit kami sa bath tub at ganun na lang ang pandidiri namin na aming ikinasigaw.

"WAAAAAAH!!!!!!!" sigaw naming dalawa Ni Kim. Narinig namin ang pagbaba ng ilan sa mga natitirang kasama namin.

Kitang kita namin kung paanong nagkalat ang laman loob ni Kyla sa palibot ng buong cr. At ang palakang nagkalat sa bath tub at animo'y naglalaro at naglalangoy sa dugo nya. Ang kanyang nahating mukha.

"Guys. Tignan nyo may sulat sa salamin, gamit ang dugo." sabi ni Johnrey at napalingon ang lahat dito.

"ONIECL" ang nakasulat sa salamin na gamit ang dugo.

"Nicole..." agad na sambit ni Joshua. At lahat kami ay napatingin kay Nicole na halatang kinakabahan. "Maaaring ikaw ang isusunod o ikaw ang gumagawa nito. Alin ka sa dalawa?" dugtong ni Joshua.

"B-bat ko naman kayo papatayin!?" sigaw nya sa amin at tumakbong palabas sa bahay.

"WAAAAH!!" sigaw nya paglabas nya sa pintuan. Lahat kami ay nagtungo doon.

Lahat ay napatakip sa kanilang mga bibig habang tinitignan ang patay na katawan ni Joy. May nakatarak na kutsilyo sa noo at tyan nito.

"NICOLE!!" sigaw ni Joshua ng makitang papalayo na si Nicole. Ngunit walang sumunod sakanya. Lahat ay natulala sa mga nangyari.

H-hindi maaari ito. No.

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now