Kabanata 13

107 1 0
                                    

Kabanata 13:

BEA'S POV:

Hindi pa din kami makapaniwala sa kung paanong pinatay sina Laurence. Lahat ay takot na takot at wala ng balak maghanap ng daan.

Papalubog na din ang araw at eto sila nagiiyakan. Kahit ako natatakot ako sa kahihinatnan ng mangyayari ngayon, bukas o makalawa. Hindi ko alam kung kailan kami mamamatay. Hindi namin alam kung sino ang pumapatay. Hindi namin alam kung bakit nya ginagawa ang mga ito.

"Natatakot ako... Sobra... Hindi ko na alam ang gagawin ko." sambit ni Carla at magang maga na ang mata.

"Ni kahit ako. Ni kahit sino dito sa atin hindi alam kung buhay pa ba tayo bukas o sa makalawa." tugon ko at inalo si Carla ng magsimula na naman syang umiyak.

Hindi ko na alam..

SOMEONE'S POV:

Kitang kita ko ang tatlong mga lalaki na naglalakad.

Joshua, Johnrey, Artjay

Inilabas ko ang baril ko at tinapat ito kay Artjay. Pinutok ko ito.

Bang!

Kitang kita ko naman kung paanong nagulat ang tatlo sa nangyari. Agad nilang nilibot ang mata nila sa paligid. Agad naman akong nagtago sa malaking puno.

Lumapit ako sa mas malapit sakanila upang mapakinggan sila.

"A-artjay, bro. Kaya mo pa?"  tanong ni Johnrey. Umiling naman ang binata at napapikit na ito. Niyugyog ni Johnrey ang patay na katawan ni Artjay.

Kitang kita ko kung paanong lumuha ang dalawang binata dahil sa sinapit ng kaibigan nila.

"Dito ka lang, Johnrey bantayan mo si Artjay. Hahanapin ko ang iba at hahanap na din ako ng gamot na pwede sakanya." sambit ni Joshua at tumakbo na papalayo upang maghanap.

Lumabas naman ako sa likod ng puno. Lumapit ako sa likuran ni Johnrey at itinapat ang baril sa ulo nito. Agad naman syang natigilan.

"Isang maling galaw.. Mamamatay ka."  sambit ko dito.

Humarap ito sa akin at ganun na lang kalaki ang gulat nya. "B-bakit? Akala ko kaibigan ka namin?" nangingilid na ang luha nito.

"Kung tinulungan nyo ako nyan ni Artjay hindi ko naman kayo gaganituhin hindi ba?" nakangising tanong ko. "Alam mo ba kung paano ako naghirap dahil tinaggihan nyo akong patuluyin sandali sainyo? Humarap ako sa napakadaming proseso para lamang maampon ng isang mayaman. Alam mo ba yun?!" sigaw na tanong ko dito. Nararamdaman ko na din ang mainit na likido sa pisnge ko.

Luha...

"H-hindi namin alam s-sorry.." sambit nito habang umiiyak.

"Walang sorry sorry! Patayan 'to!" sambit ko at pinutok ng tatlong beses ang bala ko sa ulo nya. Agad naman syang napahiga sa puno na kung saan nandun din ang katawan ni Artjay.

Magbabayad kayong lahat..

JOSHUA'S POV:

Hingal na hingal na ako sa pagtakbo ng matanaw ko ang mga babae sa isang malaking puno. Lahat ay nakaupo.

Lumapit ako dito. At ganun na lang din ang gulat ko ng makita ang sako na naglalaman ng katawan ng tatlong binata.

Lumapit sakin si Charlotte. "Nasan si Johnrey! Nasaan! Bakit di mo sya kasama!" umiiyak na tanong ni Charlotte.

"Sundan nyo ako.. Dun ako magpapaliwanag."

Sambit ko at naglakad pabalik kung nasaan sina Johnrey sumunod naman ka agad ang mga babae sa likod ko. Lahat ay tahimik na umiiyak dahil sa mga sinapit siguro ng tatlo at sa takot na din nilang mamatay sila.

Malapit na kami ng matanaw ko si Johnrey na nakahiga na din sa tabi ng bangkay ni Artjay. Tumakbo ako papalapit at ganun na lang ang gulat ko ng makitang binaril ito ng tatlong beses sa mukha.

Fuck!

Agad namang lumapit ang mga babae at ganun na lang ang gulat sa mga mata ni Charlotte. Natigilan ito at hindi alam ang gagawin. Nilapitan nya si Johnrey at niyakap ito.

"Johnrey? Sabi m-mo walang iwanan?" umiiyak na sambit ni Charlotte. Walang umimik samin ni kahit isa. "S-sabi mo di ba? Lalaban ka? B-bakit nangyari 'to?"

Agad namang lumapit sakanya si Carla na umiiyak din upang aluhin ito. Umiyak sila ng umiyak habang tinitignan ang bangkay ng dalawa.

"Kayo ang may kasalanan ng lahat..." sambit ni Nympha habang tinuturo kaming lahat.

"Walang may kasalanan wag kang manisi!" sambit naman ni Bea dito.

"Meron! At KAYO! Kayong mga nagplano!"

"Bakit!? Plinano din ba naming magpatayan tayo dito!? Sinabi ba naming sumama ka! Walang may alam na mangyayari ang lahat ng ito!" sabi ko kay Nympha.

"KUNG HINDI KASI KAYO NAGPLANO E DI SANA BUHAY PA TAYO! KUNG HINDI NYO SANA TAYO PINUNTA DITO E DI SANA MASAYA PA KAMING KASAMA ANG MGA PAMILYA NAMIN! DAHIL SA PUTANGINANG BONDING NA ITO NAMAMATAY NA TAYONG LAHAT! KAYO ANG MAY KASALA—"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin ng may pumana sakanya sa ulo. Agad naman kaming nagulat ng kung sino ang nasa likod nito...

H-hindi..

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now