Kabanata 12

98 1 0
                                    

Kabanata 12:

GLEN'S POV:

Tirik na tirik ang araw ngunit kahit bakas man lang ng daan palabas ay wala pa din.

Pagod na pagod na kami. Wala na din kaming balita sa kahit na sino sa amin. Hiwa-hiwalay kami.

"Sa tingin nyo may mahahanap pa tayong daan palabas?" tanong ni Jimson habang nakaupo.

"Ilang oras na. Pero wala pa din. Sa tingin ko ay wala na." sagot ni Laurence.

"Hindi dapat tayo sumuko agad. Sa tingin nyo ba sumuko na ang mga kasama natin?" tanong ko sakanila.

Agad naman silang umiling. Hindi dapat kami agad na sumuko dahil lang sa pagod na nangunguna sa katawan namin.

SOMEONE'S POV:

Kitang kita ko ang tropang grade 3 habang naglalakad. Halata na din ang pagod sa kanilang mga katawan.

Bahagyang nakalayo si Jimson sakanila. Kaya naman ito ang nilapitan ko. Binali ko ang leeg nito na nakagawa ng ingay.

Tinignan ako ng dalawa at ganun na lang ang takot nila ng makita nila kung paanong umikot ang ulo ni Jimson. Tatakbo na sana sila ng barilin ko ang mga paa nila dahilan upang sila'y mapatumba.

Kinuha ko ang palakol at pinaghahati ang katawan ni Jimson.

"Anong g-ginagawa mo?" tanong ni Laurence sakin.

Obvious ba?

"Tanga. Kahit kailan!" pasigaw na sambit ko dito at agad syang nilapitan at pinagsasaksak sa kismong tapat ng puso nya.

"A-anong kailangan mo?" natatakot na tanong ni Glen habang papaatras na nakahiga sa lupa. Palaki ng palaki ang mga mata nya habang tinitignan ang palakol na sinadya kong hilain upang takutin sya.

"Masyado kasi kayong maingay. Magulo. Pampagulo kayo ng plano. Alangan namang iwan ko kayong squad kayo hindi ba? Mas maganda na lang na magsama sama kayo!"

Sambit ko at pinutol ang dalawang paa nya. Napasigaw naman ito. "Tanginamo!!" sigaw nito ngunit hindi ko na ito pinansin. Pinutol ko ang katawan nya. Lahat ng parte ng katawan nya ay pinaghahati ko.

Kinuha ko ang sakong dala ko at inilagay ang mga chop chop na katawan nila dito. Hinanap ko kung nasaan sina Kimberly.

Nang makita ko sila sa di kalayuan na nagpapahinga. Pumunta ako sa likod ng puno at itinapon doon ang sakong naglalaman ng mga hating katawan ng tatlo at tumakbo paalis.

JILYN'S POV:

Nagulat kami ng biglang may bumagsak galing sa likod namin. Nakita naming isa itong sako at ang baho baho.

May nakadikit na papel dito. "Open." ang nakasulat sa papel. Agad naman kaming tumayo. Hinila namin ang sako at binuksan iyon.

Ganun na lang ang pandidiri namin ng biglang lumabas ang mga hati hating katawang ng tatlong magkakaibigan.

"PUTA!!!" sigaw ni Nympha at umiyak habang pinagmamasdan ang katawan ni Laurence. "Hindi!! PUTANGINA NG GUMAWA NITO!!!" sigaw nito at umecho sa buong kagubatan. Napaupo ito at doon humagulgol.

Napalunok naman ako ng makita ang mga matang nakalagay sa sako at may butiking kasama.

Tangina.

Agad akong tumayo at lumapit kila Nympha at nakiiyak din.

Iniisa isa na talaga nya tayo.

CHARLOTTE'S POV:

Agad kaming napabalikwas ng marinig ang malakas na sigaw ni Nympha at halatang umeecho ito.

"Tara! Hanapin natin sila!" kabadong sambit ni Stepanie.

Agad kaming gumalugad sa lugar kung saan pwede namin silang makita. Halata ang kabang napapangibabaw sa katawan ng mga kasama ko.

Agad akong nilapitan ni Bea at jmiyak ito sakin.

"Hindi k-ko na kaya ang mga nangyayari." humihikbing sambit nito. Agad ko naman syang inalo habang pinagmamasdan ang mga kasamahan ko sa paghahanap.

Kahit ako, Bea.

"Shhh... Kailangan nating maging matatag at maging malakas. Dahil nasisigurado kong nasa paligid lang natin sya at nakamasid sa atin." pagtatahan ko dito.

Tumakbo samin papalapit si Carla na hingal na hingal.

"D-doon! Doon tayo. Tara!" sambit nito at nauna sa amin. Sumunod kami ni Bea sakanya.

Sa di kalayuan ay nakikita na namin ang tatlo na nakaupo at hakatang nagiiyakan. Nahalata din namin ang sakong nasa harapan nila na halatang may laman ngunit natapon.

Nilapitan namin ito at ganun na lang ang diring bunalot sa mga katawan namin. Ang iba ay nasuka dahil sa nakitang mga hating katawan ng tatlo.

Shit!

Bakaang isunod nya sila Johnrey! N-no!! HINDI PWEDE!

Johnrey! Lumaban ka!

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now