Kabanata 8

102 2 0
                                    

KABANATA 8:

SOMEONE'S POV:

Kitang kita ko ang pagtakbo ni Nicole habang umiiyak.

Pfft.

Nagtatakbo sya hanggang sa maapakan na nya ang patibong ko. Nakita ko kung paanosya nahulog dito.

"Ahh!! Tulong!" nahihirapang malakas na sigaw nito. Lumapit ako dito at nakita ko ang bawat kahoy na nakatusok sa katawan nya. "T-tulong.." umiiyak na sambit nito.

Umiling ako at inilabas ang baril ko. "Nung may time na kaya mo akong tulungan, tinulungan mo ba ako? di ba hindi? Ganun din ang gagawin ko." kinasa ko ito at ipinutok sa noo nya.

Kitang kita ko kung paanong naguunahan ang dugo galing sa kanyang noo.

Dapat kayong mamatay.

KINAUMAGAHAN

"Bakit ba kasi hindi mo na lang kami patayin ng sabay sabay!?"galit na galit na sigaw ni Carla sa akin.

"Bakit ba atat na atat ka? Gusto mo na bang mamatay?" sarkastiko kong sagot dito. Agad na napatikom ang bibig nya ngunit halata pa din ang inis sa kanyang mga mata.

"Ano ba kasing kailangan mo?" madiin na sambit nito.

"Buhay kapalit ng buhay. Wag ka ng magsalita dahil naiirita na ako!", sigaw ko dito at hiniwaan ang pisnge nya. Agad naman itong umiyak at hinawakan ang sugat nya. "Wala kang pagsasabihan maliwanag?" sabi ko dito at lumabas na ng kwarto.

KELLY'S POV:

"Nakakatakot na talaga ang mga nangyayari sa loob ng bahay na ito. Tao ba talaga ang pumapatay o may sumpa dito?" tanong ko sakanila habang nililibot ang buong bahay.

"Tanga. Kung may sumpa 'to e di dapat matagal ng patay si Joshua. Di mo ba nahahalata? Mukhang planado ang lahat. Ang clue na nakuha sa cr. Alam ng killer kung kailan tayo magsasaya o hindi. At alam ko na kahit anong oras ay pwede na tayong isunod nito." mahabang sambit ni Dave sa akin habang umiinom ng alak.

"Ibigsabihin kasama lang natin sya? Kaklase pa natin?" takang tanong sakanya ni Clarence lahat ay napatingin sa gawi ni Dave.

Maaari nga.

"Oo. Hindi ko alam. Pero malakas ang pandama kong kasama lang natin sya. Pero di ko maramdaman kung sino sa ating natitira na lang." kunot noong sagot nito sa amin.

Sino nga ba? Bakit? Anong kailangan nya? Anong kasalanan namin?

*knock knock knock*

May tatlong beses na kumatok sa pinto at bumungad sa amin si Camille na nakangiti. Lahat naman ay napatingin kay Jayson.

"Yes love? May kailangan ka?" hokageng sabi ni Jayson habang papalapit ito sa dalaga. Agad namang inirapan ng dalaga ang binata.

"Bumaba na daw kayo. Kakain na." sambit nito at nauna ng bumaba.

"Love! Wait for me!" sigaw ni Jayson at sinenyasan kaming sumunod.

Akala mo naman talaga.

Agad kaming bumaba at bumungad sa amin ang masasarap na pagkain.

"Sinong nagluto?" tanong ni Wendel. Naupo kaming lima. Kami na lang pala ang hinihintay.

"Artjay. Masyado na kasi tayong nalulungkot sa mga nangyayari. So, why don't we have a lunch na masarap hindi ba? Para naman makalimutan natin kahit sandali ang mga nangyari sa atin." nakangiting aniya ni Camille at pinaghandaan kami.

Habang nasa kalagitnaan ang lahat sa pagkain ay walang umiimik.

"Umiinom pa din ba kayo?" tanong ni Joshua sa amin. Tumango naman kami. "Tara inom tayo. Pagkatapos nating kumain ay doon tayo sa sala ibaba ninyo ang alak ninyo." nakangiting utos nya sa amin. Napatango na lang kami bigla sakanya.

Seriously?

Agad na natapos ang pagkain at dumeretso ang lahat sa sala. Umakyat ako sa taas upang kunin ang wine at hard drinks na dala namin. Bumaba ako at ibinigay ang wine sa mga babae.

"Naks. Naka wine kami ah" sambit ni Kane habang tinitignan ang wine na ibinagay ko.

"Para naman maalagaan nyo pa din kami kahit malasing kami dito." sambit ni Marcelo habang nakatingin kay Carla, agad namang namula ang dalaga.

Tumayo si Camille at kumuha ng mga baso namin. Kinuha din ng mga babae ang pwede naming pulutanin.

"Let's play. Drink or consequence." lasing na sambit ni Timothy. Lahat naman kami ay sumangayon. Bumuo kami ng bilog at inilagay sa gitna ang boteng walang laman.

"Ikot mo na, Camille." sambit ni Jayson sa dalaga. Lumapit ito dito at inikot. Tumapat ito kay Kane at kay Johnrey.

"Drink or consequence." nakangising sagot ni Kane sa binata.

"Drink." sambit nito. Agad namang inihalo ni Kane ang wine sa hard drink.

"Ohh!!" kantsaw ng lahat sakanya. Kahit na nangangamba ito ay ininom nya pa din.

Malakas.

"Okay ka lang baby?" nagaalalang tanong ni Charlotte dito. Agad namang tumango ang binata. Inikot muli ang bote at tumapat naman ito kay Joshua at Bea.

"Drink or consequence?" tanong ni Joshua.

"Consequence" matapang na sagot ni Bea dito.

"Sayawan mo sa lap si Jilyn." nakangising sambit ni Joshua dito.

Agad namang tumayo ang dalaga at nag twerk ito sa lap ni Jilyn kaya agad namang naghiyawan ang mga lalaki habang ang mga babae naman ay halos mamatay na kakatawa.

"Okay. Done." natatawang sambit ni Bea at inikot muli ang bote. Tumapat ito kay Nympha at Kimberly.

"Drink or consequence?" tanong ni Kimberly sa kaibigan nito.

"C-consequence" kinakabahang sagot ni Nympha.

"Kiss mo sa cheeks si Laurence." sambit nito. Agad namang namula ang mukha ni Nympha.

"BAWAL Y-YUN!!" sigaw nito.

"Pag samin pwede sayo bawal? Hampas ko kaya sayo yang bote?" sagot ni Camille sakanya na ikinatawa naming lahat. Ngumuso muna ang dalaga bago tumayo. Lumapit ito kay Laurence at hinalikan sa pisnge. Agad na namula ang dalawa.

"Naksss!" hiyaw ko sakanilang dalawa.

"Tama na. Masyado na tayong ginabi. Masyado na tayong nagsaya at hindi na natin namalayan ang oras. Ayusin na natin ito. Girls ang maghuhugas. Tumayo na at magsimula." nakangiting sambit ni Charlotte.

Agad na sumunod ang lahat sa sinabi nito. Iniwan na namin ang babae sa hugasin nila at dumeretso sa bawat kwartong nakaassign sa amin.

KIMBERLY'S POV:

"Ang samaaaa mo sakin!" nakangusong sambit ni Nympha sa akin habang naghuhugas kaming dalawa.

"Masama? Pero ginusto mo? Di ba Kim?"nang aasar na sabi ni Carla dito.

"Oo nga. Namumula ka pa nga e." sabi ko at natawa kaming mga babae ng sabay sabay.

"E-ehh-" hindi na naituloy ang sasabihin nya ng biglang mabasag ang hawak ni Bea na plato.

"S-sorry di ko sinasadya" sabi ni Bea At kinakabahang hahawakan na sana ang nabasag na plato ng biglang hinawakan ni Carla ang kamay nito.

"Kami ng bahala dito. Doon ka na sa taas. Charlotte, samahan mo na." sambit ni Carla dito. Agad namang sumunod ang lahat.

Sana hindi. Mali ang iniisip ko.

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now