Kabanata 5

128 3 0
                                    

Kabanata 5:

CHARLOTTE'S POV:

Kitang kita ko kung paanong kumalat ka agad ang dugo ni Jayme sa pool. Pinagtulungan syang ahunin nila Wendel, pero wala na talaga itong buhay.

"Sinong may gawa nun?" tanong ni Johnrey. Lalo akong naiyak ng makita muli ang mga saksak at ang dila nyang pinutol na sadya ng may gawa nito sakanya.

Niyakap ako ng mahigpit ni Johnrey at inalo ang likod ko.

"Shh. Stop crying baby" pagpapatahan nito sa akin.

"Kailangan na talaga nating umalis dito ngayon na." sabi ni Bea na kabadong kabado.

"Ngunit paano? Walang signal ang bawat sim natin. Masyadong liblib ang lugar. Malayo sa city. Walang bus. Walang tayong magagamit na transportasyon" mahabang sabi ni Jilyn na ikinaiyak nya ng lubusan. Agad namang lumapit sakanya ang kanyang mga kaibigan upang patahanin.

"Hindi mo ba talaga alam ang palabas sa gubat na ito?" takang tanong ni Kane.

"H-hindi. Pasensya na kayo." sagot nito na ikinatahimik naming lahat. 

SOMEONE'S POV:

Habang abala ang lahat sa pagtitingin sa walang kwentang katawan ni Jayme ay pinasok ko ang kwarto na kung saan nandito si May.

Hindi nya naramdaman ang paglapit ko dahil sa nakasalpak ang kanyang earphones sa tenga nito. Kumukuha din ito ng litrato ng kanyang sarili. Kaya nakita nya ako sa camera.

"Oh, anong–" hindi na nya natuloy ang sasabibin nya ng sabunutan ko sya na kanyang ikinasigaw.

Pinutol ko ang dila nito upang hindi na makapagingay. Kinuha ko ang cellphone nya at binasag ito. Kinuha ko ang bubog. Binuka ko ang kanyang bunganga at ibinuhos ang bubog dito. Agad na tumirik ang mata nito at kitang kita ko kung paanong dumagos ang dugo  mula sa kanyang leeg. Kinuha ko ang kutsilyo at iniluwal ang kanyang mata gamit ito.

Walang kwentang mata.

Hindi pa ako nakuntento at binalatan ko ang mukha nito. Kinuha ko pa ang ilan sa kutsilyo ko at pinagsasasaksak ito sa kanyang boobs. Ibinuka ko kanyang hita at ibinaon ang tatlong kutsilyo sa ibabang maselang parte nya. Kitang kita ko kung paano sya maligo sa sariling dugo.

Malandi, higad, garampingat. Mamatay ka na.

CARLA'S POV:

Halos lahat ay di pa din makamove on sa nangyari kay Jayme. Kaya pinaakyat na lamang namin ang lahat sa kani-kanilang kwarto.

"WAAAAAAH!!!!!" malakas na sigaw ni Murel na nandun sa kwarto nya.

Agad kaming nagsipagakyatan at dumertso sa silid nila. At ganun na lang ang pandidiri at gulat namin.

Pinatay nya si May. Nagsisimula na sya.

Halos tumakbo ako pabalik sa kwarto namin at dun umiyak ng umiyak.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag naubos na kami dito. Pero paano?

Natatakot ako sa kapakanan ng bawat isa samin. Pero pag nagsalita ako ay wakas ko na din. Wala na naman kaming matatakbuhan dahil alam kong naplano na nya ang lahat.

"Carla? Ayos ka lang?" tanong sakin ni Bea.

"Nagsisimula na sya.." hindi ko namalayang lumabas sa bibig ko yan kaya agad kong natakpan ang bibig ko.

"Ha? Nagsisimula? S-sino? Kilala mo ang g-gumagawa nito?" kabadong tanong ni Bea sakin umiling ako at tumungo.

"Nababaliw lang s-siguro ako" utal utal kong sambit.

Sorry Bea, hindi ko pwedeng sabihin sayo. Mapapahamak lang tayong lahat pag nangyari yun, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Patawadin nyo ako.

JILYN'S POV:

Hindi namin alam kung paanong makakaalis sa lugar na ito. Buong akala namin saya ang naghihintay dito, pero mukhang kamatayan pala.

Walang ligtas ni isa sa amin. Hindi namin alam baka mamaya isa na sa mga kasama namin ang pumapatay.

Hindi ko alam kung anong dahilan nya.

Mabilis na natapos ang hapunan at bumalik kami sa kanya kanyang kwarto. Lahat ay nakahiga na at patay ang ilaw. Tanging ang liwanag galing sa buwan ang naaaninag.

Lahat ay kinakabahan. Lahat ay may iniisip. Lahat ay nangangamba. Lahat ay kasama.

Mama. Gusto pa kitang makita ayaw ko pang mamatay ng ganito kaaga.

JAYSON'S POV:

"Sino sa tingin mo ang pumapatay?" tanong sakin ni Kelly.

"Hindi ko alam. Pero malakas ang pakiramdam ko na nasa paligid lang natin sya nagmamasid." sagot ko sakanya. Nandito kami sa kwarto at mukhang di kami papatulugin sa lahat ng nangyari ngayong araw.

"Gusto nyo na bang mamatay?" kinakabahang tanong ni Clarence.

Duwag.

"Hindi pa. Ayaw ko pa hangga't di pa ako sinasagot ni Camille." nakangising sagot ko.

"Di ka na sasagutin nun dude. Halata namang wala syang gusto sayo." sambit ni Dave habang humihithit ng kanyang sigarilyo.

"Gagawin ko lahat." seryosong sagot ko habang nakatingin sa kisame.

Kahit patayan pa yan.

BEA'S POV:

Hindi pa din ako makapaniwalang dalawa na ang namatay.

May isusunod ka pa kaya? Anong dahilan mo?

"Bea.." tawag sakin ni Carla. Kaming dalawa na lamang ang gising. Mukhang napagod ang lahat sa buong nangyari nangyari ngayon.

"Kung ikaw ang tatanungin, handa ka na bang mamatay?" tanong nya sa akin. Napalunok ako sa tanong nya. Ang totoo ay hindi ko alam na ganto na pala kaaga ang pagkuha sa mga buhay namin.

Masyado pa kaming bata at madami pa kaming gustong makamit sa buhay.

"H-hindi. Hindi ko aakalaing sa isang bonding na ito ay mamamatay tayong lahat. Ikaw? Sa tingin mo? Anong dahilan ng taong nasa likod nito?" tanong ko sakanya. Naramdaman ko ang paglingon nya sa akin ngunit napatitig na lamang ako sa kisame.

"H-hindi ko din alam." aniya. At narinig ko naman ang malalim na paghinga nya. "Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas." dugtong nya kaya napapikit na din ako.

Sana pagkagising ko wala na. Sana lahat panaginip lang.

SPECIAL CLASSWhere stories live. Discover now