Kabanata 4

9.8K 322 12
                                    



Kabanata 4

Before Anything Else


Nagising akong nasa kwarto at maayos na nakatulog sa aking kama. It was almost twilight when I woke up and realized I have slept inside Nixon's car. Nasapo ko ang aking noo at naramdaman ang pag-iinit ng mukha habang inaalala kung paano ako nakarating sa aking kwarto.

Pinukaw niya naman siguro ako nang makarating kami? Pero nakalimutan ko lang kasi sobrang antok na ako? Surely that was it. Hindi niya naman siguro ako bubuhatin nang hindi ako sinusubukang gisingin.

But it's possible! Baka hindi ko namalayan ay dinala niya ako dito!

With thoughts racing inside my head, I stood up from the bed and brushed my hair using my fingers. Suot ko pa ang aking uniform at medyas kaya agad akong nagpalit sa komportableng damit. I walked out of the room only to be greeted by a deafening silence. Maaga pa naman kaya alam kong tulog pa si Everly. I opened the glass door of the balcony and inhaled the fresh morning air.

Umupo ako sa upuan at tinanaw ang kalawakan ng Metro Manila. I can hear the chirps of the birds, the engines of the cars and busy chatters on the street. Hindi na ako naninibago sa ganitong scenario. Everything is expanding and evolving not just naturally but technologically. Kahit sa paghahanap ng trabaho ay hindi na kailangan pang pumunta sa mismong opisina para mag-apply, ngayon ay pwede ka ng magpasa ng application forms at interview via online. The whole world is becoming busy of everything—career, money, fame, business and everything that matters to them.

Ngunit ako, sa bawat pag-ikot ng mundo hindi ko alam kung saan ako nagbago. I kept going on and on for my life but I haven't seen my purpose. Siguro nga ganito kapag hindi talaga natin nasusubukan ang ibang mga bagay. I am monotonous. Kaya nga nasasabi kong hindi talaga nagbabago ang lahat dahil nanatili ako sa mga bagay na nakagisnan na noon. I've never even tried to explore adventurous things because they were dangerous. Itinatak iyon sa akin ng aking ina kaya hindi na mawala-wala.

And with everything changing everyday, hindi ko mahanap ang sarili ko sa lahat ng pagbabago.

I sighed and closed my eyes. So much thought for a beautiful morning, Forah. Lahat ng bagay ay napupuna mo pero bakit sarili mo ay hindi mo man lang magawang mapasaya?

Pumasok na ako sa loob bago pa ako makatulog ulit dahil sa simoy ng hangin. I located our kitchen and searched for something to eat. May naitabing pagkain sa ref si Everly na sa tingin ko ay inorder na naman niya sa labas. Kahiy kailan talaga ay tamad magluto.

Napailing na lamang ako. My friend doesn't really like to cook, sa pasta lang siya nagaganahang magluto. Everly's good at household chores. Magwalis, maglaba at mag-ayos ng mga gamit. She's also creative in designing kaya ewan ko ba kung bakit hindi siya kumuha ng kursong interior designing.

Ininit ko ang take out kagabi at inihanda iyon sa mesa. I heard the door opening and Everly's yawn. Nang makita akong naghahanda ay nagulat siya.

" Good morning, Forah!" was her cheerful greeting to me. Sabik na umupo siya sa upuan at ginalaw ang kubyertos.

" Good morning." ngumiti ako bago naupo. She recited a short prayer for our food at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. She seems happy and energetic today. I did not even expect it because I heard her yawning a while ago.

" Oh, you should thank Eion last night. Binuhat ka niya sa kwarto mo kasi nakatulog ka daw sa kotse niya." Everly blurted. Naibuga ko ang iniinom na tubig at napaubo.

Napangiwi si Everly sa akin bago natawa." Hindi ko ba dapat sinabi iyon?" she asked, half-laughing.

Matalim ang tinging iginawad ko sa kaniya. " Hindi. At ano? B-binuhat niya ako?"

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon