Kabanata 8

8K 273 38
                                    

Kabanata 8

Before Anything Else

"We're here." Alger announced as he parked the car. Ginising ko si Kazuna na nakasandal sa akin at si Ava na nakatulog kanina. Alger woke Avi. Mahina lang iyon pero nagising agad si Avi at hindi umimik. Usually she would ask any questions pero ngayon ay naninibago na naman ako.

"Ito yung Louvr Hotel?" Ava asked.

"Yep. But there are taller Louvr hotels in Batangas City and Manila." paliwanag ni Alger bago lumabas ng sasakyan. Lumabas din ako ng sasakyan at tumulong sa paglalabas ng gamit namin. The last to come out of the vehicle was Avi. Sobrang tamlay niya kahit may kulay naman ang kaniyang mukha.

Avi carried her bag. Wala siyang kinausap ni isa sa amin. Pinagmasdan ko siyang nauna nang pumasok ng hotel at binati ng bellboy. I sighed.

Sumunod kami sa loob. Nandoon na ang mga kamag-anak namin at nagche-check in. Avi sat beside Faigel. Narinig ko pang biniro siya ni Faigel ngunit tipid lamang siyang ngumiti at sumandal dito.

Kasama ko si Avi at Kazuna sa kwarto. Kaedelle and Ava will share the room beside ours. Ang mga lalaki naman ay nasa tapat lang ng room namin. Hinayaan ko si Avi na mamili ng kamang kaniyang tutulugan. We have to beds in here. Okay lang naman sa akin na tumabi kay Kazuna para komportable si Avi dahil alam kong ayaw niya ring may mga taong nakapaligid sa kaniya. She's here with us because she doesn't want to ruin the fun. Mas okay na rin iyon kaysa maiwan siya sa bahay.

I tried to cheer her up when we were both alone in the room. Si Kazuna ay nandoon lang naman sa kabilang kwarto at nakikipagkuwentuhan sa kapatid na si Kaedelle. The boys went out earlier. Hindi ko alam kung anong gagawin. Probably go girl hunting.

"Please Avi, just for the family, bumalik ka na sa totoong Avi..." I pleaded her. Yumakap pa ako nang mahigpit at kinulit siya dahil hindi ako lalabas dito nang hindi siya kasama.

I heard her sighed. A heavy one. "Fine, Forah. Pero hayaan niyo lang ako sa gagawin ko, okay?" she said labas sa ilong. Ngumisi ako at hinila ang buhok niya. Sinamaan lamang niya ako ng tingin ngunit ngumiti lang ako.

We'll be here for two days. Ang sabi no Faigel sa akin ay pwede kaming mamasyal sa kahit saan dito sa Batangas habang nakacheck in sa hotel. Well I'm planning to visit Taal. Maganda kasi ang heritage houses nila doon at gusto kong mabisita ang Taal Basilica. Kung kakayanin namin ay baka sa ikaalimang araw na kami makakapunta ng Rizal. Ayos lang naman iyon dahil two weeks ang semestral break namin. Next week pa naman ang Araw ng mga Patay.

Magkasama kaming bumaba ni Avi. She was wearing a white bandeau top that revealed her toned flat stomach and curves. Kahit gusto ko mang pigilan siya sa paglalabas nang mas maraming balat ay nangako akong papayagan ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin.

"Nasa diner sila. Doon daw tayo manananghalian." sabi ko.

We located the diner. Una kong namataan si Kazuna na kinukulit si Alger. Ang katabi naman ni Alger ay Dridge. Nasa magkabilang kabisera sina Faigel at Kaedelle. Ava sat in front of Kazuna and then there are only two seats left. Magkahiwalay kasi ang lamesa ng elders sa amin. Nandoon sina Abuelo at Abuela, Auntie Mal at Eloise, Uncle Terry, Fred and Mark.

Lumapit ako sa table naming magpipinsan. Una akong nakita ni Kazuna at sumunod ang tingin niya kay Avi na ngayon ay nakangisi lang habang nagmamasid sa paligid.

"Tangina. Octavia wala ka na bang masuot na matino?" Kazuna cursed. Nagulat din ako dahil sa pagkalakas-lakas na boses niya na pati ang elders na nag-uusap ay napatingin sa amin. Sinuway agad ni Auntie Mal si Kazuna dahil sa pagmumura.

Avi smoothly sat on the chair beside Ava na kaharap naman ni Alger. Basically, magkatapat pa rin naman sila ni Dridge na ngayon ay malamig ang titig sa aking pinsan.

Before Anything Else (Absinthe Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon