Chapter 12

1.6K 38 0
                                    


Nang tulog na si Jefferson. Dahan-dahan siyang tumayo at tinanggal ang pagkakayakap nito sa kaniya. Marahan din siyang naglakad palabas ng kwarto. Nilibot niya ang paligid. Simple lang ang bahay ngunit may pagka spanish and italian twist ang mga funiture rito.

"Hello Ate!" Kumaway sa kaniya si Isay at lumapit ito sa kaniya. "Ayos na po ba ang pakiramdam ninyo po?"tanong nito.

"Hmm.. Oo. You are Isay right?" Nakangiting niya at hinaplos niya ang buhok nito. Tumango ito.

"Ako pala si Ate Sandra. Kaano - ano ka ni Miguel?" Sabi niya.

"Kapit bahay niya lang po ako pero ang sabi ni Kuya Jeff - Jeff parang kapatid na niya daw akong bunso " nakangiting sabi ni Isay. Hinawakan nito ang kamay niya. "Tara Ate Sandra. Sama ka sa akin, ipapakilala ko sayo sila Nanay Esmeralda at Tatay Emong sa may Esme Carenderiya sila ngayon t nandoon din si Nate"nakangiting sabi nito.

"Ah. Sige " sabi niya at nagpatangay siya sa bata. Natutuwa siya kay Isay kasi gusto niya noon magkaroon ng nakakabatang kapatid ngunit hindi nabiyaan ang mga magulang dahil sa hirap magbuntis ang Mommy niya kaya hindi na lang ito inanakan ng Daddy niya. Speaking of naalala niya tuloy ang mga ito. Kung ano na ang nangyari sa mga ito.

                       ...........................★ ††† ★............................

"Sandra!" Pagkamulat ng mata niya si Sandra agad ang hinanap niya. Wala ito sa buong kabahayan. Agad siyang lumabas ng bahay para hanapin ito at natagpuan niya ito sa Esme Carenderiya na pagmamay ari ng Nanay-nanayan niya at Tatay - Tatayan.

"Oh! Hijo. Kay Ganda pala nereng kasintahan mo at bagay na bagay kayo " sabi ni Nanay Esmeralda. Lumapit siya kay Sandra at niyakap ito.

"Kay lambing naman ng ating anak Mahal" sabi ni Tatay Emong nakakarating lang galing bukid.

"Akala ko umalis ka na. Nag alala tuloy ako sayo" sabi ni Jefferson kay Sandra at hinaplos niya sa mukha ito.

"Ah-Eh sumama lang ako kay Isay, dahil papakilala raw niya ako kila Nanay at Tatay " sabi ni Sandra na namumula at kinakabahan dahil sa lapit ng mukha ng binata sa kaniya.

"Next time, magpapaalam ka mo na ok?" Sabi ni Jefferson at inakay siyang umupo .

"Oo na po" sabi ni Sandra.

"Kuya Jeff - Jeff na saan po pala si Ate Lyn" tanong ni Isay at hinahaplos ang balahibo ni Nate.

"Ah, baka sa Sunday nandito siya. Busy kasi siya sa Modelling" sagot ni Jefferson. Napakunot noo si Sandra at pinagmasdan si Jefferson ng masama.

'Lyn? who is She. Ah? Baka babae na naman niyang bago? Hayst! Napakaplayboy talaga'she thought.

"Baka bumulagta na yan ang anak namin sa sama ng tingin mo anak " natatawang sabi ni Esmeralda.

"Nako! Hijo. Ipaliwanag mo sa kasintahan mo kung sino si Lyn at mukhang nag seselos. Naalala ko tuloy si Mahal kapag nag seselos noon" nakangiting sabi ni Tatay Emong.

"Hay! Nako mahal, wag mo na ngang ipaalala. Gusto mo na bang kumain?" Sabi ni Nanay Esmeralda.

"Oo, mahal at ako'y napagod sa bukod" sabi ni Tatay Emong.

"So are you jealous? Mi Amore" amuse na tanong ni Jefferson kay Sandra.

"Ha? Hello. Hindi kaya?" Deny niya.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon