Epilogue

1.4K 28 7
                                    

A/N: Hello thank you sa pagsubaybay nito hanggang dito. I hope in my future stories ay babasahin nyo parin hehe.

Sa akin lang ba nagluko. Yong nalipat yong chap 38 sa unahan ng chap 37. Comment nga kayo para ayusin ko hehe.

.....................

"Ate Sandra! Ate Sandra!" sabay na sabi nila Lenlen at Isay.

Napadilat ng mata si Sandra. Good thing na lang at nakasuot na siya ng matinong damit.

"Bakit?" tanong niya at umupo sa kama.

"Kailangan nyo na po maligo at magbihis" sabay na sabi ulit ng mga ito.

Napangiti si Sandra ng mapansin ang suot ng mga bata. Nakasuot ng carnation pink na dress ang mga ito na may burda na dilaw at puti na bulaklak. May mga flower crown din ang dalawa.

"Saan ba lakad nyo at para kayong flower girls" nakangiting sabi ni Sandra. At nilibot ang paningin. "Si Mamà Jessie? " tanong ni Sandra at tumayo.

"Nauna napo sila Nanay" sabi ni Lenlen.

"Diba sabi ni Mama Jessie. Dapat tawag mo sa kaniya ay Mamà rin para parehas ang tawag kila Kuya Jeff-Jeff" nakapamewang na sabi ni Isay.

"Ay oo nga no?" kumamot pa sa batok si Lenlen.

Napangiti si Sandra.

"Sige, maliligo na ako. Hintayin nyo na lang ako sa sala" sabi ni Sandra at napaisip. "Na saan pala si Miguel?" dagdag niya.

Nagkatinginan ang dalawang bata.

"Ahmm.. Kasama po ni Mama Jessie" si Isay ang sumagot.

"Saan ba talaga tayo pupunta ah?" curious na tanong ni Sandra at nag hanap ng susuotin na underwear.

"Secret po!" sabay na sabi ng dalawa.

Natawa si Sandra bago pumasok sa shower room. Halos one hour siyang naligo. Paglabas niya nakatapis lang.

"Lenlen at Isay, ano pala susuotin ko?" sabi ni Sandra.

Sakto namang may nag datingang make up artist at may bitbit itong gown na wife. Pa-heart ang neckline. Kulay white ito at may burdang bulaklak na rosas.

"Mader, bihis na po kayo para maayusan na po namin kayo" sabi ng baklang make-up artist.

Naguguluhan man si Sandra sinunod niya ang bakla. Pinasuot na sa kaniya ang gown. Its actually fit on her body. Nakaharap siya sa salamin habang inaayusan siya nito.

"Ayieee ang ganda ni Ate Sandra!!" sabi ni Lenlen.

"Siyempre! kaya nga lalong naiinlove si Kuya Jeff-Jeff eh" sabi ni Isay.

Napangiti si Sandra at hindi mapigilang kabahan. Wala man umaamin sa kaniya. Pero alam na niya ang nangyayari. She is getting married.

"Wow ang ganda mo Madam!" sabi ng Make up artist. Nang matapos siyang ayusan sa mukha at buhok.

Ngumiti lang si Sandra.

"Thank you" sabi niya.

"Ate Sandra, sabi pala ni Kuya Jefferson. Suot mo raw po ito" sabi ni Lenlen at inabot kay Sandra ang kwintas.

The Precious Necklace.

"Wow mas lalong gumanda ka Madam!" sabi ng make up artist.

Bumagay sa reflection ng kulay ng balat niya ang kwintas.

"Mga bata pakisabi na sa driver na ayos na si Madam. Kailangan na lang niya madala sa church" sabi ng bakla.

Dali-daling tumakbo ang dalawang bata.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon