Chapter 31

2.2K 57 22
                                    


Ilang linggo ang lumipas ng magising si Elena. Ngunit tulala lang ito at minsan nagwawala. Kaya naawa si Sandra sa sinapit ng kaibigan. Lalo na na umiiyak ito at natatakot.

"W-Waggg.. ahhhhh!!!!" sigaw ni Elena.

Kasalukuyang nasa labas sila ng kwarto ni Elena. Dinala na rin nila ito sa mental hospital at ang findings ng doctor ay na trauma ito sa pan torture na ginawa rito. At nacheck din ng doctor na pwersahan itong ni Rape. Dahil nakita ng mga doctor na may sugat ang loob ng ari ni Elena. Ang sabi ng doctor maari na kung ano-anong bagay ang pwersahan pinapasok sa ari nito.

Napaiyak si Sandra sa sitwasyon ni Elena. Bukod kasi na ulilang lubos na ito. Tanging ang mayordoma lang nagsisilbing pamilya nito.

Dahil sa nangyari kay Elena. Nabalitaan ito ng Bario Maligaya. Kaya pinaghigpitan ang sibilasyon ngayon dito. May mga nakabantay na sundalo. Dahil natatakot ang mga tao.

"Tahan na, Cara" pag aalo ni Jefferson kay Sandra.

Kanina pa kasi ito iyak ng iyak at walang araw na hindi ito iiyak. Dahil sa awa sa kaibigan nito.

"Miguel, Kailangan na natin mahanap ang kwintas na sinasabi nung nagpadala ng sulat. Pag di pa natin yun nabigay sa kaniya. Baka may isunod na naman siya" naiiyak na sabi ni Sandra. Habang nakakandong kay Jefferson.

Nakauwi na din sila galing hospital. Tinawagan na rin ni Jefferson ang kilala niyang pulis para tumulong sa kanila. Maging si Amos, Snipper at Raymond ay tumutulong na din para mapadali ang pag hahanap sa magulang ni Sandra at ng mga iba pang kasama na kinidnap.

Niyakap ng mahigpit ni Jefferson si Sandra.

"Tahan na, Cara. Nag hahanap ang mga tauhan ko at yung tinawagan ko na tutulong sa atin" sabi ni Jefferson at pinahid ang luha ni Sandra.

"Caro, Natatakot ako. Paano kung isa sa atin o mga magulang kk naman ang isunod nung baliw na nag malupit kay Elena. Di ko kakayanin yun" sabi ni Sandra.

Naawa si Jefferson sa fiancee niya. Medyo pumayat ito dah di nakakatulog sa pag iisip sa pag hahanap ng kwintas.

"Hindi mo ba talaga alam kung anong kwintas yung sinasabi sa sulat?" sabi ni Jefferson at sinusuklay ang buhok ni Sandra.

Umiling si Sandra.

"Hindi ko talaga alam. Kung ano meron sa kwintas na tinutukoy niya" sabi ni Sandra.

Kumahol si Nate. Kaya napalingon sila. Nakita nilang kasama nito si Isay. Lumapit si Nate at Isay sa kanila.

"Salamat sa pag aalaga ha, Isay" sabi ni Sandra at niyakap si Nate.

"Ok lang po yun Ate, importante. Nakakatulong ako kahit sa pag aalaga lang sa kaniya" sabi ni Isay.

"Sorry puppy this past few days. Hindi na kita na aalagaan" sabi ni Sandra at niyakap ang aso. Medyo lumaki na din si Nate dahil ilang buwan na din ito.

"Ate, napansin ko lang po kay Nate. Sa tuwing pinapaliguan ko po si Nate lagi kung nakakapa sa balahibo niya na parang may nakakabit sa leeg niya. Hindi ko po masiyado makita kasi po masiyadong makapal ang balahibo niya" sabi ni Isay.

Napakunoot noo si Jefferson at agad chineck ang leeg ni Nate. Mayroon itong suot na necklace.

"Necklace?" si Jefferson. "Binigyan mo ng necklace ang aso mo. Mukhang mahal ito dahil sa bato" dagdag pa ni Jefferson.

"Bigay sa akin yan ni Mom and Dad. When I was eighteen years old. Ayaw ko kasing nag susuot ng ganyan kaya sinuot ko na lang ka-" naputol ang sasabihin ni Sandra ng nagkatinginan sila ni Jefferson.

"Pwedeng ito yong necklace na sinasabi nung napadala ng letter." sabi ni Jefferson at tinanggal ang necklace sa leeg ni Nate. "Kailangan natin itong ipaalam kila Amos. May posibilidad na ito yong kwintas. Dahil bigay kamo ito ng mga magulang mo sayo. Pero anong silbi ng kwintas na ito para gawin ang pagkidnap sa pamilya mo" dagdag ni Jefferson. Kaya agad na tinawagan ni Jefferson ang mga kaibigan niya.

Mga ilang oras lang dumaan. Agad nagdatingan ang mga ito.

"Ang sabi kasi ni Dad sa akin.  Worth 500,000,000$ daw ang halaga ng kwintas na yan. Sobrang tanda na daw kasi niyan. Tapos sa lahi namin nagmula yan sa kanuno-nunuan pa daw namin. May kwento pa ang kwintas na yan. May power daw ang kwintas na yan sa pagpapagaling"  kwentong sabi ni Sandra.

"May posiblidad na dahil sa halaga nito" sabi ni Snipper.

"o baka dahil sa power na sinasabi mo ang dahilan nung nagpadala ng sulat kaya niya ginagawa ang mga ito" sabi ni Raymond.

"Masiyado namang makaluma pag about sa power ang gusto nung nagpadala ng sulat." si Amos.

" Ganon siya ka desperado para makuha yon at pati inosenteng tao dinamay niya" si Snipper.

Hindi na nila pinapunta ang mga babae nila pero tiyak na siniguro nila na safe ang mga ito.

"Ang tanong paano natin masisigurado na iyan yong kwintas na binanggit sa sulat?" si Snipper.

"Simple lang, antique ang kwintas na yan" si Jefferson.

Inutos niya sa tauhan na alamin ang tungkol sa kwintas na ito.

"Pero paano natin malalaman. Kung di tayo ginuguyo ng nagpadala ng sulat na yan?" si Raymond.

"Mag iimbistiga pa tayo. Pero kailangan natin kumilos agad dahil hindi natin basa ang kalaban at mahirap ito dahil di natin kilala ang kumakalaban sa atin. Baka mamaya nasa paligid lang siya" si Jefferson.

Nahinto sila sa pag uusap ng may nagpukol ng nilamukos na papel galing bintana. Agad na kinuha ni Jefferson ito.

I know you found the necklace. Give that immediately or else. I will kill her parents. I am not good at waiting. Just leave the necklace outside of your house exact at 12 midnight 

ayan ang nakasulat sa papel na lukot. Ang ginamit pang sulat ay dugo. Base sa amoy, dugo ng hayop.

"Talagang baliw iyan" sabi ni Snipper.

"Paano yan!? bantay ang kilos natin. Maaring malapit lang dito yon" si Amos.

"Tingin ko may nagbabantay talaga sa kilos natin" sabi ni Raymond.

"Caro, I'm scared" sabi ni Sandra.

"Wag kang mag alala. Habang nandito ako sa tabi mo. Hindi ko hahayaan na saktan ka nung sino man" sabi ni Jefferson at niyakap si Sandra.

…...………

A/N; Sorry for late Update.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon