Chapter 37

828 24 0
                                    

Dalawang araw nakatulog si Sandra at Jadsy. Dahil sabi ng doctor masiyado raw na trauma ang dalawang babae. Tapos si Sandra naman kasi buntis, buti na nga lang naagapan agad nila ang pagdugo ng pulso nito. Kung hindi mauubusan ng dugo si Sandra na maaring ikapalaglag ng anak niya sa sinapupunan. Si Jadsy naman ay mas nauna sa kaniyang nagising at inaya agad mag date ni Amos. Si Nanay Esme at Tatay Emong ayon balik karinderiya. Si Isay ayon ngayon ay mahal na mahal ng ina nito ng malaman na muntik na itong mapahamak.

"How's your feeling iha?" tanong ni Anastacia sa anak. Nasa rest house sila ngayon ni Jefferson sa Maligaya.

"Ok naman po, Mom" nakangiting sabi ni Sandra.

Ngumiti ang ina na may kunting luha bago niyakap ang nag iisang anak.

"Alam mo anak, akala ko hindi na kita makikita at makakasama. Jonnel is a devil. Kung anong maisip niyang gawin sa amin ay ipagagawa niya" sabi ni Anastacia.

"Mahal, huwag ka muna mag kwento sa anak natin. It may affect the baby" sabi ni Francisco at hinaplos ang kamay ng anak.

Nakahiga kasi si Sandra sa kama. Habang ang mag asawa ay nasa magkabilang gilid niya.

"Si Nana Ising?" tanong ni Sandra.

"Nasa hospital at patuloy na nagpapagaling. May mga buto kasi sa paa niya ang nadurog dahil sa kalupitan ng mga tauhan ni Jonnel" sabi ni Anastacia.

"Si Miguel po?" tanong ni Sandra. Kagigising lang kasi niya at ang nabungaran lang niya ay ang magulang niya.

"Nasa Mental hospital. Nagkaroon kasi ng problema habang wala kayo rito." sabi ni Anastacia.

"Danna is dead, anak" sabi ni Francisco.

"H-How?" bigla siyang naluha sa nalaman.

"Ayon ang inaayos nila Jefferson" sabi ni Francisco.

Narinig nilang may kumatok. Saka ito na ang nagbukas ng pinto. Si Jessie may dalang pag kain at inumin. Nakahawak si Lenlen dito.

"Dinalhan ko na ng pag kain si Sandra. Masusutansiya iyan lahat para sa apo natin" sabi ni Jessie. Hawig ito ni Jadsy, pero mayroon din nakuha si Jefferson sa ina.

"Salamat po, Mamà" sabi ni Sandra at ngumiti. Napatingin siya sa bata.

"Hello po, Ate Sandra. Ako po si Lenlen" pagpapakilala ni Lenlen.

"Hi, para kang girl version ni Caro" nakangiti na sabi ni Sandra.

"Siyempre po, kuya ko po si Kuya Jeff" sabi ni Lenlen.

Pina-DNA rin kasi ito ni Jefferson. Kung mag match si Lenlen sa ina. Nag match ito. Pero kahit naman hindi tunay na anak ito ng ina. Tuturing parin niyang kapatid ito. Pero ang ama talaga niya ay hindi na nila alam kung buhay ba o patay na talaga.

"May nakahanda na ring pag kain para sa ating lahat sa hapag" sabi ni Jessie.

"Ganoon ba, sige." sabi ni Anastacia. Bago binaling ang pansin sa anak. "Anak baba lang muna kami ah!" sabi nito.

"Sige lang po, Mom" sabi ni Sandra.

"Sige" humalika ang ina sa pisnge niya. Ganoon rin ang ginawa ng ina.

"Ako rin pwede ate?" sabi ni Lenlen.

Ngumiti si Sandra at tumango. Kaya lumapit si Lenlen at humalik sa pisnge ni Sandra.

Nang maiwan mag isa si Sandra napahawak siya sa tiyan.

"Hi baby, sorry kung muntik ka ng mawala sa amin. Hayaan mo lagi ka na namin aalgaan ni Daddy mo." kausap niya.

........

Kahit ayaw umalis sa tabi ni Sandra si Jefferson. Pinilit niya para tumulong sa pag solve ng case ni Danna.

"Ito po ang CCTV footages" sabi ng head security Guard sa Mental Hospital. Saka nila pinanuod.

"Na check na rin po namin ang katawan niya. Base on her Autopsy report. May fear-inducing hallucinogen siya sa loob ng katawan. Kung saan ito ang cause bakit siya nagkaroon ng matinding takot. Hanggang sa nag suicide na siya para makawala sa takot na iyon" paliwanag ng Doctor na sumuri sa bangkay.

"Mr. Alonzo, sa ibang footages na nakita namin. Mukhang si Ms. Marasigan ang gusto pag gamitan ni Ms. Enzon nito. Kaso biglang naging aggressive si Ms. Marasigan at inisip na laruan ito at naiturok kay Ms. Enzon" sabi ng Police officer.

"Diba kilalang chemist si Ms. Enzon?" tanong ni Armandro.

"Yes Mayor. At mukhang may nag utos kay Ms. Enzon na mas lalong baliwin si Ms. Marasigan" sagot ng Police.

"Si Jonnel lang ang pwedeng mag utos nun" sabi ni Jefferson.

Buti na nga lang tuluyang namatay ang matanda na iyon. Nasa ayos na rin ang mga tao na inalipin nito. At ang bahay nito ay pinasunog nila. Natuklasan nila na may mga nakalibing na mga bata na pinalaglag nito sa babae na nabubuntis nito. Pinalibing nila ang mga buto ng mga sanggol.

"Siguro nga" sbi ni Armandro.

"Sige, Mayor at Mr. Alonzo. Mauna na po kami sa inyo. Kailangan pa namin submit ang report" sabi ng pulis at umalis ito kasama ng dalawang kapwa nitong pulis. Mga nakipag kamay ito sa kanila bago lumabas ng conference room. Sumundo rin sila sa mga ito sa paglabas.

"Kumusta naman ang lagay ni Ms. Marasigan?" tanong ni Armandro. Habang naglalakad sila.

"Hindi parin po maayos. Masiyado pong na trauma si Ms. Marasigan. Hindi po kinaya ng utak niya ang nangyari sa kaniya" paliwanag ng doctor.

"Pero doc, may chance ba na gumaling siya?" tanong ni Jefferson.

"Hindi ko masasabi, Mr. Alonzo. Dahil nasa kaniya po nakasalalay iyon" sabi ng doctor.

"Sige po, salamat. Paki update nyo na lang kami kung sakali na may changes na siya" sabi ni Armandro.

"Sige po" sabi ng doctor at nakipagkamay sa kanila bago sumakay sa sariling sasakyan nito.

"Mauna narin ako" sabi ni Jefferson at sumakay sa kotse.

Tumango si Armandro. Bago nagsalita.

"How's Sandra?" concern na tanong nito.

Kaya sumama ang timpla ng mukha ni Jefferson. Natawa naman si Armandro sa nakita sa dating kaibigan.

"Chill, Alonzo. Nag tatanong lang ako. I'm just a concern citizen and Mayor" nakangiti na sabi ni Armandro.

"She's fine" sabi ni Jefferson at pinaandar na ang kotse.

Nailing na lang si Armandro at sumakay na rin sa kabayo. He most preffer to ride on horse than engine. Less gastos sa gasoline, less polution at kailangan lang alagaan at pakainin ang kabayo. Solve na ang transportation.

Habang nag bibiyahe naman si Jefferson. Sobra siyang excited na makasama si Sandra. Habang nag drive siya ay sobrang saya sa puso niya. Dahil nandiya na ang Mamà niya at kapatid na bunso. Tapos nahanap na rin nila ang parents ni Sandra. Si Sandra naman ay buntis. Kaya wala na siyang mahihiling pa.

........

A/N: Hello siguro dalawang or tatlong update na lang ito. Salamat sa mga nagbasa at nagpatuloy na naghinatay hanggang sa matapos ito. Sorry for ungrammatical and typos. Kita nyo naman every update ko mag improve yong way ng pagsulat ko. Pansin ko lang ahaha ewan ko lang kung pansin nyo.

Be blessed and Enjoy reading.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon