Chapter 6

1.7K 51 11
                                    

A/N:Micaelia Nugent.

..................................

"Pa deny-deny ka pa kanina, Jackson. Eh halata ka naman. Masiyado lang kasing manhid si Sandra eh. Kaya hindi niya pansin" sabi ni Mica.

"Halata ba talaga ako?" Tanong ni Stuwart.

"Ay! Paulit-ulit ka sasabi lang diba? Saka bakit hindi mo na lang siya ligawan ulit. Malay mo naman may pag asa na " sabi ni Mica.

"Natatakot ako baka layuan niya ako bigla " sabi ni Stuwart at tinuon ang pansin sa labas nakikita niya na maraming sasakayan na kasabayan nilang nagbibiyahe sa Edsa..

"Takot? Kung papairalin mo iyan at hindi mo sinubukan. Sige ka baka maunahan ka " sabi ni Mica. "Mas mabuti ng sinubukan mo kaysa manghinayang ka sa huli"dugtong pa ni Mica na kinatahimik ni Stuwart.

Mica has a point. Bakit nga ba ayaw niyang subukan malay mo nga at may pag asa na siya.

"I'll try "sabi niya.

"Ganyan dapat. Wag kang torpe ka laki mong tao ang duwag mo "sabi ni Mica na naiiling.

Tatlo silang magkakabata. Si Sandra siya at si Mica. Si Mica ang pinakabata sa kanila matanda ng dalawang taon si Sandra rito. So ngayon she is twenty one years old now She is half American and half Filipino. Sa kanila ang madalas mag kasama si Mica at Sandra. Medyo nahihiya kasi siya na sumama ng sumama sa mga ito noon ng mga bata pa sila dahil sa lalaki siya. Minsan kasi tinutukso siyang bakla kaya ng nag high school na sila medyo bumarkada na rin siya sa ibang lalaki.

"Support kita riyan. Alam mo namang boto ako para sayo kay Sandra diba?"sabi ni Mica.

"Yeah. Salamat " ngiting sagot ni Stuwart. Si Mica kasi ang unang nakahalata ng pagkagusto niya kay Sandra at ito rin ang nagtulak sa kanya noon na umamin sa kababata.

"Sus! Wala iyon " sabi ni Mica.

"Sige ingat sa pag drive " sabi ni Stuwart matapos makababa ng kotse ng kababata. Ngiti lang ang sagot nito.

............................★ ††† ★..............................

*MADRID

Pagkababa ng eroplano na sinasakyan nila Gerogaline agad siyang dumeritso sa Alonzo Weapon Company.

"Where's your boss?" Tanong niya kay Daina.

"Sir Jefferson. He is in the Philippines now with his little sis" sagot ni Daina.

"Kailan pa?" Iritang tanong ni Gerogaline.

"Kahapon lang din, Ms.Biden" sagot ni Daina at palihim na inirapan ang kausap na babae. Ayaw niya kasi kay Gerogaline.

"Ughh!! " agad na umalis si Gerogaline sa Company ni Jefferson.

Agad na nagpabook sila ng flight pabalik ng Pinas. Hindi niya kayang patagalin na hindi niya nakakanti ang babaeng umagaw sa kaniya ni Jefferson.

"Hindi ako papayag na isang tulad lang na cheap na babae ang aagaw at sisira sa relasyon namin ni Jefferson " sabi ni Gerogaline nasa eroplano na sila ngayon. Agad din kasi sila nabook kaya mismong araw na ito sila aalis ng Madrid.

"Ano gagawin mo sa babae na iyon kapag nagkita na kayo?" Tanong ni Meranda.

"Ughh! Kakalbuhin ko siya " inis na sabi ni Gerogaline.

"Ah - eh Ms.Biden ano." Sabi ni Bell na nahihiya.

"What?"inis na sabi ni Gerogaline. Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya ang ibang pasahero ay napapatingin sa gawi nila. Pero siya who cares.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon