Chapter 36

804 25 2
                                    

Kaniya-kaniyang tutok ng baril kay Jonnel na nakasuot ng pang witch na pananamit. May kwintas pa ito ng bungo sa leeg. Habang hawak ang bungo na may sungay.

"So welcome, Alonzo Jr.?" nakangisi na sabi ni Jonnel. "Buti naman nakarating kayo bago ko simulan ang pag-aalay. Kailangan ko kasi ng mga taga panuod." dagdag pa nito.

Napatingin sila Jefferson sa tatlong babae na nakahiga. Kaya si Raymond hinimatay na naman. Takot din kasi siya sa dugo. Ito namang si Snipper ang taga sapo.

"C-Caro" hinang sabi ni Sandra.

"K-Kuya" hinang sabi ni Jadsy.

Parehas sina Sandra at Jadsy na nakahiga sa harap ng altar. Habang sila ay ganon may nakapalibot na kandilang itim. Mga nakasuot din sila ng puting damit habang nakakadena sila. May mga galos din sila sa katawan. Tapos yong isang babae ay asawa ni Jonnel. Halatang na preserve ito ng matagal na panahon. Medyos ayos pa kasi ang bangkay. Magkaka-connect din ang hinihigaan ng tatlo. Umaagos doon ang dugo nila Sandra sa maliit na daluyan ng dugo nila na hiniwa ni Jonnel, sa may pulso nila. Papunta sa patay na babae.  

"O? pati pala ikaw pamangkin nandito" sabi ni Jonnel.

"Anong kalukuhan ba ito Uncle!!" galit na sabi ni Stuwart.

"Hindi ito kalukuhan, Dear Pamangkin. Ito ay orasyon para mabuhay ang aking asawa!" sabi ni Jonnel. Tumawa pa ito.

"Ang usapan, ang kwintas lang ang kailangan mo. Bakit pati kapatid at fiance ko kinuha mo!!!" sabi ni Jefferson. Nang gagalaiti na talaga siya. Kakaiba kasi sapak sa utak nitong kausap nila.

"Wake up! old man. Hindi na maibabalik ang asawa mo, dahil matagal na siyang patay!" sabi n Snipper.

Sinamaan sila ng tingin nito.

"Hindi siya patay! dahil mamaya mabubuhay din siya"tumawa ito ng parang baliw. Tapos biglang sumeryuso. "Give me the necklace!" malamig na sabi nito.

"Give me my sister and my fiancé first" sabi ni Jefferson at hindi mapigilan mahabag sa dalawang babae. Lalo na kay Sandra dahil buntis ito.

"Tangna Uncle! itigil mo na ang kahibangan na ito. Buntis si Sandra makakasama sa anak niya pag naubusan siya ng dugo!!" sigaw ni Stuwart. Medyo marami na rin ang nakikita nilang dugo na pumupunta sa patay.

"Buntis?" tumuwa ito. "Mas maganda iyon! maaring mapasa rin sa mahal ko ang pinagbubuntis niya" masayang sabi nito.

"Hindi ka lang baliw, tanga ka pa! kahit hindi ako nag aaral ng mabuti noon. Alam ko na hindi basta-basta malilipat sa ibang babae ang ipinagbubuntis ng iba" sabi ni Amos na may pasabog landing effect na naman. "Saka tigilan na natin pakikipag usap sa baliw na matanda na ito" dagdag pa ni Amos at kinasa ang baril na hawak. Tinutok sa matanda.

"Paano ka nakapasok agad!" sabi ni Jefferson at nagkanda ubo-ubo silang lahat.

"Lagi mo na lang ba kami lalagyan ng uling sa mukha pagdadating ka bigla!" reklamo ni Snipper.

"Masiyado kasi kayo nagpapakontrol sa matanda na ito!" malamig na sabi ni Amos. "Men! shoot him" sabi ni Amos sa earpiece na nakalagay sa tenga niya. May mike kasi iyon na nakatapat sa bibig niya.

Saka nagulat sila ng mula sa malayo may bumaril sa matandang lalaki. Tinamaan ito sa ulo saka bumulagta. Nilapitan ni Stuwart ito to check his pulse.

"Wala na siyang pulso" malungkot na sabi ni Stuwart.

Agad na lumapit sina Amos at Jefferson sa dalawang dalaga. Tinanggal nila ang kadena na nakakabit dito.

"C-Caro" nang hihina na sabi ni Sandra.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon