Chapter 14

1.5K 50 2
                                    

A/N: Snipper Fantauzzo.
        Raymond Clayton.

.......................................................................

Sinundo ni Jefferson si Jadsy sa Condominum nito at hindi niya inaasahan na makikita ang dalawa niyang kaibigan na nandoon.

"Ano na naman ang ginagawa ninyo sa Condo ng kapatid ko aber?" Tanong niya sa mga ito. At hinagis ang jacket sa mukha ni Raymond.

"Nasagap kasi ng aking  rada na dadating ka kaya makikisabay na lang ako sa inyo, dahil same distination naman tayo ng pupuntahan" sabi ni Raymond na prenteng nakaupo sa sofa at feeling at home dahil nakapatong pa ang paa sa mini table.

"Ano naman ngayon kung parehas tayo ng pupuntahan? Saka mahiya ka nga ang yaman-yaman mo tapos makikisabay ka pa" inis na sabi ni Jefferson. "At excuse me lang no! Yung paa mo dadaan ako"dugtong pa niya. Nakaharang kasi kasi ang paa nito sa dadaanan niya.

"Sungit mo naman Papa Jeffy. I guess tinigang ka na naman no?" Natatawang sabi ni Snipper.

"Kuya Snip watch your mouth!!" Inis na sabi ni Jadsy na nagluluto ng pagkain nila.

"Sira ulo." sabi ni Jefferson.

"Balita ko na break na kayo ni Gerogaline " sabi ni Raymond. "Kumusta ka ngayon. Kailangan na ba natin itoma?"dugtong pa nito at tinapik siya.

"Nah! Ayos lang ako." sabi ni Jefferson."Bakit nga pala kayo sasabay sa amin? Wala na ba kayong gagawin sa mga business nyo ?"dugtong pa niya.

"Hmm.. Wala naman. Saka yong secretary namin ang bahala na roon" sabi ni Snipper. Magkasusiyo kasi sila ni Raymond. Ang business nila ay sa pagbibinta ng mga Yate.

"Kailan naman balik mo sa Marine?" Tanong ni Raymond.

"Hindi ko pa alam. Pero sa ngayon hindi pa ako pwede na bumalik dahil may kailangan pa akong alamin about sa pagkawala ng mga magulang ni Sandra" seryusong sabi ni Jefferson.

"Wait! who is Sandra? Your new chicks?" Nakangising sabi ni Snipper.

"Tsk.. She is my girlfriend and off limits siya. Tanging ako lang ang pwede na dumikit sa kaniyang lalaki"

"Ikaw ba iyan? Mr. Jefferson Miguel Alonzo. Ngayon lang ata kita nakita na super possessive sa babae at girlfriend mo pa lang ah? Samantalang si Gerogaline hindi ka masiyado mahigpit " nangingiting sabi ni Raymond.

"Ang hot siguro ng bagong chicks mo Jeff no! kaya binabakuran mo na " nakangising sabi ni Snipper.

"Nah! Hindi lang hot, super hot. She is beautiful in and out " nakangiting sabi ni Jefferson.

"Hmm.. I'm really excited to meet her" sabi ni Raymond.

"Me too, Kuya Raymond." sabi ni Jadsy.

                               ................... ★ ††★................................

Hindi makatulog si Sandra dahil sa inis niya kay Jefferson. Pabaling - baling siya sa kama. Nang makaramdam siya ng uhaw tumayo at pumuntang kusina. Nakarinig siya ng mga nag uusap na pumasok sa loob ng bahay. May narinig siyang boses ng babae.

"Tsk .. Anong balak niya patuluyin niya ang babae niya kasama ako?" Inis na sabi niya at inubos ang ininom na tubig. Saka lumabas ng kusina. Nadatnan niya sa sala na magkatabi ito at yung babae nito.

"Sandra, hindi ka pa pala natutulog " sabi ni Jefferson at may katabing babae.

Tsk.. Wow! So kapag kasama niya ang babae niya Sandra ang Tawag niya sa akin.

"Sira ka rin no! Kita mo ngang dilat eh. Malamang gising pa" sabi ng isang lalaki. May tattoo sa braso. "I'm Snipper, Jeffy's friend."pagpapakilala nito tinanggap naman niya ang pakikipagkamay.

"Sandra" sagot niya.

"Na saan na ba si Raymond at bigla na lang nawawala." Sabi ni Snipper.

"Kuya ang sabi niya matutulog na raw siya. Parang hindi ka naman nasanay doon at antukin" sabi ng babae.

"Sige, tulog na ko " walang buhay na sabi ni Sandra at pabalagbag na sinara ang pinto ng kwarto.

"Woah! Mukhang galit yong chicks mo ah!" Natatawang sabi ni Snipper. "And infairness ang hot nga"kumagat labi pa ito. Kaya sinamaan ng tingin ito ni Jefferson.

"Chill"natatawang sabi ni Snipper.

"Kaya pala kuya, patay na patay ka eh. Ang ganda at sexy pala niya. Nako! Kuya suyuin mo na sige ka baka maghanap iyan ng iba." Nakangiting sabi ni Jadsy.

"Oo nga baka maagaw ko pa siya sayo" tease ni Snipper.

"Subukan mo lang " sabi ni Jefferson.

........

Tumayo para pumunta sa kwarto ni Sandra. Kumatok siya ng walang sumagot binuksan niya ang pinto and gladly hindi niluck nito.

"Mi Amore" tawag niya rito ng tumabi siya sa kama.

Hindi ito pinansin ni Sandra nagkunya-kunyariang tulog. "Mi Amore, meron ka ba kaya ka naiinis sa akin "niyakap siya ni Jefferson mula sa likod at siniksik ang ulo."Mi Amor, I know you are awake. Don't fool me. Ang lakas ng tibok ng puso mo"

"Tsk.. Paano ba naman ako makakatulog kung maingay ka?" Taray ni Sandra. Hinarap siya ni Jefferson.

"Sorry na kasi bakit ka ba naiinis?" lambing ni Jefferson at sinusuklay ang buhok niya.

"Sino ba may sabing naiinis ako?" Umirap siya dito at tumayo. Umupo naman si Jefferson sa kama at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Don't deny it Mi Amore. Nakikita ko sa mukha mo na naiinis ka. Sabihin mo na kasi kung bakit at hindi ako manghuhula" sabi ni Jefferson at pinaglalaruan ang kamay niya.

"Oo na! Naiinis ako. Paanong hindi? rito mo pa talaga patitirahin yong babae mo " inis na sabi ni Sandra. Nakinatawa ni Jefferson. "Baliw ka ba? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"at hinampas sa braso si Jefferson. Hinila siya nito at kinandong.

"Mi Amore, Yong babae kanina. She is my baby sister. Kapatid ko and only family na meron ako. Kaya wag mo siyang pagselosan" sabi ni Jefferson at niyakap siya.

"Bakit sino ba nag sabi na nagseselos ako? at wag mo nga akong mayakap mamaya may nayakap ka na ng iba tapos yayakap ka sa akin. Kadiri at baka may germs" sabi ni Sandra at tinutulak si Jefferson.

"Hindi raw siya nag seselos? Sus! You are so beautiful kapag nag seselos ka, Mi Amore. Don't worry Mi Amor. I'm yours , Body , heart and soul " sabi ni Jefferson.

"Hu? Siguro marami ka na nasabihan ng ganiyan. I'm yours body, heart, soul duh! Gasgas na, lalo na ang body tsk.. Kung sino - sino na ang nakakita at nakatikim " sabi ni Sandra.

"I'm serious when I say that I'm yours. Inaamin ko marami ng dumaan na babae sa katawan ko pero pinapangako ko na magmula ng makilala kita sayo na ako " madamdaming sabi ni Jefferson at hinaplos ang pisnge niya.  "And siyempre. You are mine Mi Amor "at bumaba ang labi nito sa labi niya.

........................................................................

A/N:What can you say about this chapter?

Feedback lang sa story

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon