Chapter 29

1.4K 31 0
                                    


"Alam nyo na ba yong balita?" chismusa one.

Nagsilapitan ang mga tindera sa palengke. Magkakatabi lang naman sila.

"Si Señor Jonel may bagong inaalipin" chismusa two.

"Alam nyo, grabe talaga iyon. Baliw talaga. Kung hindi lang mayaman iyan matagal ng nakulong sa mga kabaliwan na ginagawa. Biruin nyo, sumasamba na sa demonyo para lang buhayin ang asawang namatay" chismusa three.

Hindi sinasadya na marinig ni Jessie ang usapan ng kapwa tindera.

"Tapos ang sabi pa, may bago na namang nirape na alipin" malungkot na sabi ng chismusa one.

"Nay, Totoo po ba pinag uusapan nila tungkol sa señor Jonnel?" tanong ni Lenlen kay Jessie.

"Hindi ko alam, pero kung totoo man iyon. Kawawa yung mga tao na biktima niya" sabi ni Jessie sa pitong taong gulang na anak.

Kilala kasi si Señor Jonnel na masama ang ugali at maraming ari-arian sa lugar na ito. Kaya lahat ng tao sa lugar nila ay ilag dito.

Biglang tumahimik ang paligid ng dumating ang tauhan ni Señorito Jonnel sa harap ng tindahan ni Jessie. Kaya yumakap ang anak niya.

"Ikaw diba si Jessie?" tanong nito sa kaniya. Tumango lang siya.

"Pinapapunta ka ng Señorito sa Hacienda para ipagluto siya" sabi nito. Napakunot noo siya.

"Bakit po ako?, hindi naman ako chef?" takang sabi ni Jessie.

"May nakapagsabi kasi sa kaniya na magaling kang magluto?" sabi nito. "Kaya gusto sana ng señor Jonnel na ipagluto mo siya at matikman ito" dagdag nito.

"Pero-" napahinto sa pag sasalita si Jessie ng tutukan ng baril ng tauhan ni Señor Jonnel ang anak niya sa ulo nito.

"N-Nay!" nanginginig sa takot ang bata dahil sa ginawa nito. Pati si Jessie ay natakot baka mapahamak ang anak niya.

"S-Sige, ipagluluto ko na siya. B-Basta ilayo mo lang ang baril mo sa anak ko" sabi ni Jessie. Nakahinga siya ng maluwag ng ilagay nito ang baril sa gilid ng suot nitong pantalon.

"Sumama kayo sa akin" utos ng lalaki.

Hindi na nagsalita pa si Jessie. Nakakapit din sa damit niya ng mahigpit si Lenlen dahil sa takot.

***

"Nay! natatakot po ako" sabi ni Lenlen ng nasa loob na sila ng Hacienda.

Hindi talaga maikakaila na talagang mayaman ang tinutukoy na Señorito Jonnel. Hindi niya pa nakikita ito. Ang sabi ng mga kababayan nila ay gwapo ito pero talaga namang demon ang ugali. Halos kaedadan lang niya ito.

Nang makapasok na sila sa loob ng mansion. Napansin agad nila ang altar na may Rebulto na demonyo. Kaya kinilabutan siya bigal.Napatingin sila sa isang lalaki na pababa ng hagdan. At nakangisi na nakatingin sa gawi niya.

"Señor, Ito na po ang pinapahanap ninyo" sabi ng tauhan ni Señor Jonnel.

"Makakaalis ka na" seryusong sabi ni Señor Jonnel.

Pagkalabas ng tauhan ni Señor Jonnel binaling nito ang tingin sa kanilang mag ina at ang sama ng tingin nito sa anak niya.

"Kaninong anak iyan!" malamig na tanong nito.

"A-Anak ko ho!" nauutal na sagot ni Jessie.

"Ayaw ko siyang makita" malamig na sabi nito.

"G-Ganon po ba, s-sige ho! a-aalis na lang po kami" sabi ni Jessie. Saka tumalikod para maglakad. Pero napaupo sila ng anak niya ng paputukan sila nito ng baril. Hindi naman sila tinamaan parang warning lang.

"Sinong may sabing umalis ka? Siya lang ang kailangan umalis. Hindi ikaw, Bobo!!" galit na sabi ng Señor.

"Señor, eh! hindi po pwedeng iwan ko na lang basta ang anak ko. Walang mag aalaga sa kaniya" sabi ni Jessie at umiiyak na niyakap ang anak.

"Daro!" tawag ni Señor Jonnel sa tauhan nito. Agad namang dumating ang tinawag nito.

"Ano pong ipag uutos ninyo?"magalang na tanong ni Daro. Malaking lalaki ito at puro tattoo.

"Kunin mo ang bata at dalhin sa kulungan ng mga alipin" utos ni Señor Jonnel.

Naalarma si Jessie kaya niyakap niya ng mahigpit ang anak niya.

"Wag!! Parang awa mo na. Wag mong ilayo ang anak ko"sabi ni Jessie.

Ngumisi si Señor Jonnel. Saka hinaklit ang dalawang braso niya.

"Yan!! beg Jessie, beg Jessie" parang baliw na sabi ng Señor Jonnel kay Jessie.

"N-Nasasakatan po ako!" sabi ni Jessie ng higpitan nito ang paghawak sa braso niya.

"Ano kaya magiging reaction ni Jerkerton kapag nakita niyang nagmamakaawa ang asawa niya ngayon sa akin" parang demonyong sabi nito.

Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Sinong asawa ang tinutukoy nito. Si Lito lang naman ang kilala niyang naging asawa niya.

"Siguro, galit na galit iyon pag nakita ka niya ngayon" sabi pa nito.

"Ano po bang sinasabi nyo po? Hindi ko kilala ang sinasabi mo!" sabi niya at nagpumiglas dahil ang sakit nitong makahawak sa kaniya.

"Oh! I almost forgot. Nagcrash nga pala ang eroplano na sinakyan nyo noon" sabi nito.

Napakunot noo siya.

"Kaya siguro hindi mo na aalala. Total nagtatanong ka na rin at siyempre mabait ako ngayon. Kaya susulitin ko na. You are the lost wife Major Jerkenton Alonzo" sabi ni Señor Jonnel.

"A-Asawa?" gulong-gulo na sabi ni Jessie at kumikirot ang ulo sa mga naririnig.

"Yes, but sad to say your brave husband is dead" sabi ni Señor Jonnel.

Biglang nagsikip ang dibdib niya sa narinig. May nagflash back na mukha ng isang lalaki.

"Pero don't worry, buhay pa naman ang dalawa ninyong anak"

"A-Anak?"

"Enough na! ang dami ko ng sinabi at nandito ka para ipagluto ako hindi para sabihin ang kwento ng buhay mo" seryusong sabi ni Señor Jonnel .

"Kilala mo talaga ako. A-Ano ang pangalan ko?" tanong niya .

"Jessie Ann Villamor Alonzo. My suppose to be my wife. Kung hindi umepal si Jervie. But its ok, because I met my wife" sabi ni Señor Jonnel. "Bakit ka umiiyak!?" hiyaw ni Jonnel kay Daro.

"Pasensya na Señor naiiyak lang ako sa kwento mo" madramang sabi nito at pinahid ang luha.

"Get out! isama mo yang bata kung hindi papatayin kita" sigaw ni Señor Jonnel.

Napaupo na lang si Jessie dahil sa mga nalaman. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang maniwala sa sinasabi nito, pero biglang kumirot ang ulo niya. Kaya hindi niya mapigilang mahimatay.

..............

A/ N: Sorry for late ud pinag iisipan ko kasing mabuti ang flow kaya pasensiya na sa paghihintay.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon