Chapter 7

1.5K 39 0
                                    

A/N:Gregory Wright

.................................

"Why are you late? " iritang sabi ni Gerogaline kay Gregory. Magdadalawang oras na kasi siyang naghihintay dito.

"Sorry, masiyado kasing busy sa restaurant kanina kaya ngayon lang ako nakarating "paliwanag ni Gregory at pinagbuksan siya ng pinto. Pumasok naman si Gerogaline.

"Alam mo naman na ikaw ang date ko. Dapat hindi ka mo na nagbukas ng restau mo!"inis na sabi ni Gerogaline.

"Sorry na. Sayang kasi ang kita kapag sinarado ko " sabi ni Gregory.

"Pero hindi ka ng hihinayang na makasama ako ng matagal?" Sabi ni Gerogaline at umirap.

Hindi na lang sumagot si Gregory. Dahil hahaba lang din ang diskusyon nila. Hindi naman kasi marunong makinig sa paliwanag ng iba si Gerogaline. Mas gusto kasi nito ang nasusunod. Kaya hindi na siya nakikipag talo rito. Hindi nga niya alam bakit siya nagkagusto rito noon ng mga teenager sila. Maybe she is beautiful and sexy but her attitude is ugly kaya ng mag karoon na sila ng kaniya- kaniyang profession sa buhay nawala din ang pagkagusto niya dito. At ng nalaman din niyang gusto ito ni Jefferson.

Highschool nila nakilala si Gerogaline. Gerogaline is famous in the campus. Kung saan nag-aral sila noon. Famous din naman sila ni Jefferson bilang basketball player varsity. Unang pagkakita niya palang dito. He admitted that He like her. Pero ng nalaman niyang gusto ito ni Jefferson that time. Inalis niya ang feelings niya rito. Madali lang naman niya natanggal dahil habang tumatagal na nakikilala niya si Gerogaline. Lumilitaw ang panget nitong ugali. Kaya nga hindi niya masisi si Jefferson kung nambabae ito.

"Bakit nga pala hindi si Jeff ang date mo? " tanong niya. Pero alam naman niya kung bakit dahil gusto nito na pagselosin ang luko-luko niyang kaibigan.

"Tsk.. Because Jeff is cheating kaya nakipag break ako and the wedding is off " sagot ni Gerogaline. "And kaya ikaw ang napili kong ka date dahil I know Jeff na mag seselos siya kapag ikaw ang kasama ko."kinikilig pang sabi nito. Napailing na lang siya.

"Hayts! Kawawa ka naman. Malabo na iyon mangyari "bulong niya.

"What? may sinasabi ka ba Gregory?"taas kilay na tanong nito.

"Oh! Nothing. I'm just reading the name of place " palusot niya sabay tawa.

"Oh! Ok. What do you think?Gagana kaya ang plano ko. I want him realize that na hindi niya dapat ako sinaktan " nakangiting sabi ni Gerogaline.

Naiiling si Gregory 'Haytsss.. Makikipaghiwalay tapos gusto bumalik sa kaniya. Abnormal talaga ibang mga babae 'he thought.

"Ahh.. I don't know? Maybe?" Kibit balikat niyang sabi.

"Hmm.. Yes I know na gagana ang plano ko. Kaya I need your cooperation, Gregory. I want you to pretend as my new boyfie " nakangiting sabi nito.

'Tsk. Kahit kailan bossy '

"Pwede bang maghanap ka na lang nang iba. You know? ayaw ko ng away " sabi ni Gregory.

"No! I want you! Ikaw ang gusto ko " pagpupumilit nito..

"Ganto kasi iyan, Gerogaline. May iba kasi akong babae na gustong purmahan. Kaya iba na lang. I'm sure na maraming magkakandarapa sayo " pagpapaintindi niya rito. Nakita niya na napaisip ito.

'Sana makumbinsi!!'he pray silently.

"Tsk .. Sabagay! Bakit ko nga pala pinagpipilitan ang sarili ko sayo kung marami namang iba" Wow!! Ang taas ng confident. Hindi na lang umimik si Gregory baka maoffend pa niya ito.

'Makikita ko pa kaya siya?' Iyan lang ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Habang nag drive siya.

.............................★ ††† ★ ...........................

Jefferson is handsome wearing his black tuxido and black mask and Jadsy is beautiful and seductive wearing her fitted blue off shoulder gown and blue mask.

"Baby sis! Bilisan mo naman mag bihis. Malate na tayo" Inis na sabi ni Jefferson at patingin-tingin sa wrist watch niya.

"Ehh.. Kuya, kailangan kong maging maganda siyempre. You know? Maraming cute boys sa party na iyon." sabi ni Jadsy at nag make up ng mukha.

"Tsk.. Bilisan mo na" inis na sabi niya. Mainipin kasi siya ayaw niya sa babae na maraming kung ano-ano ang ginagawa.

"You know! Kuya. Paano kung yong asawa mo ay ganto kakupad tulad ko. Siguradong hindi kayo magkakasundo. Ayaw namin ng mga babae na minamadali kapag nag aayos kami " inirapan pa siya ng kapatid.

"Tskk.. Buti na nga lang kapatid kita. At kung hindi nungkang hihintayin kita ng ganto. And malas talaga ang lalaking mapapangasawa mo " naiiling na sabi ni Jefferson.

"Tsk.. Nag salita. Bakit piling mo ba ang swerte ng magiging future wife mo. Nako! Sana ako una makaalam kung sino siya para mabalaan ko na wag papatol sayo " nakapamewang na sabi ni Jadsy.

"Tsk.. Talaga namang swerte ang mapapangasawa ko. Saan siya makakahanap ng handsome and hunky man sa mundo na tulad ko na mayaman. Hindi na siya lugi kung tutuosin" pagmamahangin ni Jefferson sa kapatid.

"Tsk.. Wala na finnish na!" Sabi ni Jadsy at umiling.

"Yeah! Totoo naman kasi na gwapo ang kuya mo " nakngiting sabi ni Jefferson.

"Tsk.. Saan pala sila kuya Snipper at Raymond? Sasabay ba sila sa atin?" Pag iiba sa usapan ni Jadsy.

"Hindi sila makakapunta " sabi ni Jefferson.

"Oh ok, Let's go na!" Nakangiting humawak sa braso niya ang kapatid. Napangiti siya at hinaplos ang pisnge nito. Sumeryuso rin ang mukha nito.

"Hay! I can't believe na mapapalaki kita kahit mag isa lang ako. Tandaan mo baby sis. I admitted that I'm a play boy but once na sinaktan ka ng kabaro ko. Don't hesitate to tell me ok! Any way you are so beautiful " seryusong sabi ni Jefferson.

"Ahh.. Thanks kuya. And Kahit na babaero ka at flirt. You are still my handsome kuya. I love you Kuya and thanks for everything" niyakap ni Jadsy ang kapatid.

"Tama na nga ang drama. Tara na at makapag hunting tayo. Ako sa mga girls, ikaw sa boys" nakangiting sabi ni Jefferson.

"Yan! Ang gusto ko sayo supporting." Natatawang sabi ni Jadsy.

"Yeah! Sibling goal " nagkatawanan sila sa kalukuhan nilang magkapatid.

"Yeah! Sibling goals! Padamihan tayo ng makikilala hah?" Sabi ni Jadsy. Sumakay na sila pareho sa kotse. Si Jefferson ang driver at si Jadsy ay katabi din nito ng unahan na upuan.

"Sige, give me a number"sabi ni Jefferson na chillax lang.

"Hmm.. Maybe twenty five. Dapat alam mo ang pangalan, edad at trabaho "sabi ni Jadsy.

"Hmm.. Basic" pagmamayabang ni Jefferson.

"Basic pala ah! Ano premyo kapag nanalo?"sabi ni Jadsy.

"Ahmm.. Ano ba gusto mo?" Tanong ni Jefferson.

"Kapag ako nanalo. Ang gusto ko Ferrari "sabi ni Jadsy at nagniningning ang mata.

"Hmm. Pag ako ang nanalo. Ikaw mo na mag take over ng company ko for a month"sabi ni Jefferson at tinataas baba ang kilay.

"What??? Masiyado namang mahirap ang hinihingi mo "gulat na sabi ni Jadsy.

"Wala ng bawian. Ano deal?" Nilahad ng kuya niya ang kamay.

"Ok, deal!" At nagkamay sila.












.............

A/N:Witwit! Heyow! Heyow ! Readers. Thank you po sa nakaka appreciate ng story ko. Sana tangkilikin ninyo hanggang ending.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon