Chapter 13

1.5K 33 0
                                    

A/N:Armandro Nicolas Castillo.

......................,.................................................

Dinala ang mga magulang ni Sandra sa isang madilim at mabahong lugar. Sa tingin nila ay  dating kulungan ng baboy ito.

"Iyan na pagkain ninyo!" Sabi ng armadong lalaki sa mag asawang Crisostomo. Hinagis sa kanila ang kamoteng kahoy at saging na saba saka lumabas kinandado nito ang pintong bakal.

"Mahal, natatakot ako sa maari pa nilang gawin sa atin. Lalo na pagnahanap nila ang anak natin" sabi ni Anastacia sa asawa.

"Wag kang mag alala. Magiging maayos din ang lahat " sabi ni Francisco at niyakap ang natatakot na asawa. It's been three days na silang nandito at wala silang clue kung sino ang may pakana ng pagdukot sa kanila.

"Francisco, natatakot ako para sa anak natin" sabi ni Anastacia .Sobra siyang nag aalala para sa anak nila.

"Ako rin but kailangan natin manalig sa  Ama na wag madamay ang anak natin" sabi ni Francisco at hinalikan sa noo ang asawa.

......

Habang naghahapunan sila sa Mansion. May mga armadong lalaki ang mapanghas na pumasok at naghalughog sa bahay nila.

"Sino kayo?" Tanong ni Francisco at niyakap ng mahigpit ang asawa. Ang ibang tao sa Mansion ay nanginginig sa mga armadong lalaki na nakasuot ng pulang damit na tanging kita lang ay mata.

"Hanapin ang kwintas saang sulok ng Mansion at wag kayong titigil." Utos ng pinakapinuno.

Nang hindi mahanap nito ang kwintas dinakip sila ng mga ito.

                             .......................★ ††† ★................................

Ilang araw nang walang balita si Sandra sa mga magulang niya. At sobra na siyang nag aalala. Gustuhin man niyang gumawa ng hakbang ngunit ang sabi sa kaniya ni Jefferson ito na ang bahala.

"Miss Beautiful, mukhang dayo ka rito. Hatid na kita " alok ng isang lalaki kay Sandra.

Namumula ang mata nito. Galing kasi siyang palengke at namili siya. Inutusan siya ni Nanay Esme dahil may gawain ito sa karendiriya kaya siya na ang nag presenta. Gusto sana sumama ni Jefferson sa kaniya ngunit hindi siya pumayag, dahil hanggang ngayon naiinis siya dito At si Nate kasama si Isay.

"Ah.Hindi kaya ko naman " sabi ni Sandra at nagmadaling maglakad. Napapitlag siya ng hablutin nito ang braso niya.

"Miss ang arte mo naman. Ako na nga nagmamagandang loob ikaw pa maarte" sabi nito.

"Bitawan mo siya" napalingon si Sandra sa nagsalita.

Lalaki ito at gwapo. Kulay asul ang dalawang pares ng mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi. Maganda rin ang pangangatawan nito. Bumaba ang lalaki sa kabayong barako na kulay Cape. Bukas ang polo nito kaya kita ni Sandra ang magandang pangangatawan nito.

Crisostomo Heiress Precious NecklaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon