■•○Prologue○•■
I shrugged off then I walked to the sala if Mom had already been there. But when I go to sala. There have no sign of her. Kaya napaupo na lang ako doon. Kinuha ko ang dyaryo malapit sa mesa at binasa.
Nang biglang may nag-vibrate sa bulsa ko. Kinuha ko yung cellphone at nakita ang unregistered number. 'Sino naman kaya to?' Inopen ko yung notif sa screen ko at agad na binasa ang laman nito.
Unregistered Number:
"Magbabayad ka!"Wtf! Sino naman kaya to. I don't care wala akong time sa mga ganto.
Mine:
"IDFC LMAO!"Bumalik na lamang ako sa pagbabasa dahil baka wrong send lang siya.
"Kuya?" Napatigil ako sa pagbabasa nang marinig ko ang nakaririnding boses sa buong kalawakan. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy ulit. "May game kami mamaya. Kuya. S-sasama ka?" Tamad na akong mapanuod yan! Alam kong palagi lang naman siya mananalo. It's embarrassing if I go there.
"Ikaw lang. Busy ako." Saad ko na walang sa modo.
"Kuya kah---"
"The hell I care?!" Nilingon ko siya at sinigawan. Tngingna maglalaro lang magpapasama pa! Para ano pa? Para ipamukmok niya sa'kin na magaling siya? Na maalam siya? Ngina! Pake ko!
Pumunta ako sa kwarto, hindi ko alam bakit kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Maliit pa lang kami naiinis na ako sa kanya.
Wala akong magawa sa bahay ilang oras na akong humihiga at panay ayos ng mga koleksyon kong laruan. Nauubos na ang halfday no class ko. Hindi muna kami nakipag-laban ng mga katropa ko dahil masakit pa daw yung mga pasa nila na natamo namin sa underground battle nung nakaraang dalawang araw.
Napag-isipan ko na pupunta na lang ako sa school. Mamatay ako sa kaboringan ng bahay na to!
Nasa campus ako naglalakad ng makita ko ang gym.
Marami nanamang mga babae. Napa-smirk ako at sinipa ang bato.
Tsk! Lumakad na lamang ako sa Gym.
Papunta na ako doon nang biglang nagsilabasan ang karamihan. Pumasok ako sa Gym, pauwi na pala ang mga player. Nagtago ako sa isang pinto para ayaw kong isipin niya na sinusundan ko siya o nanuod pa ako at naging pabebe pa kanina.
Pauwi na ang ibang player at tanging si Ken na lang ang naiwan. Inaayos pa niya ang mga gamit niya.
Bakit pa pala ako pumunta dito!?
Aalis na sana ako dahil nakakuha ako ng pagkakataon na napatingin siya sa bag niya na hindi ko alam kung ano yung hinhalungkit niya doon ay dahan-dahan akong napapunta sa gate.
"Kuya?" Napatigil ako ulit sa pagtawag niya sakin. Nilingon ko siya.
"Oh?"
"Nandito ka pala bakit ayaw mo kanina sum---"
"Napadaan lang ako, sige na una nako" Agad akong tumalikod sa kanya at hindi na muli pinansin pa.
Pero ramdam ko ang pagsunod niya.
"Kuya sama ako! Sabay na lang tayo" Pagmamadaling papunta sakin.
"No! Just go with your friends" Pag-aalis ko sa kanya.
"Pero, Kuya kita! Gusto ko sumama sa'yo" Ang kulit nito. Argh!
"Kuya mo'ko dapat sundin mo'ko!" Matulin ang lakad ko.
Nasa likod ko lang siya at panay ang sunod. Nasa labas na kami ng paaralan at tinutungo ang bahay namin. Malapit lang naman dito kaya kaya namang lakarin.
"Alam mo ba kuya na maglalaro na ako sa provincial meet. Sa susunod na buwan. Gusto ko nandoon ka" Saad niya habang buntot ko.
"Your wish isn't my command" Tumahimik siya at napangisi ako. Buti nga.
"Kuya?" Ayan na naman. T*ngina bakit ba kasi ang ingay nito. Hindi ako nagsalita at malamig na tumingin sa daan.
"Galit ka ba?" Hindi ko siya pinansin. Oo sobra! Yan ang kanaiinisan ko sayo eh. Mabait ka. Sobra mong bait na para bang ikaw na lang palagi yung tama. Maging masama ka naman pwede kahit minsan?!
"Wala naman akong ginawang masama, a-at i-isa pa. Gusto ko lang naman sana na kahit isang araw lang na masaya tayo, nagpapansinan tayo na... hindi kagaya nito, o ma---"
"Just shut your fucking mouth. It will never happen" Ramdam ko ang pag urong ng dila niya.
Bang!*
"Kuya!" Sigaw niya at sabay yakap sa kin. Kaya napadapa kami.
Nabangga yung ulo ko sa semento at sinasariwa yung paningin ko. Biglang nag blur yung paligid. Pero pinipilit ko pa din na bumangon kahit dumudugo yung ulo ko.
Pagbangon ko ay laking gulat ko nang makita si Ken na nakahandusay sa sahig.
...
BINABASA MO ANG
In Vein
Short StoryIn Vein (Short Story) On going and weekly update! Isang pambihirang istorya tungkol sa magkapatid na sinubok ang pagmamahalan. Joaquin Jacento ay isang lider ng gangster sa isang underground battle na kung saan ay doon lamang siya sikat sa pagiging...